CHAPTER 3 - How it started

33 0 0
                                    

CHAPTER 3

FLASHBACK

Amboring! Haay…gusto ko ng umuwi. Kakaboring,e. Absent ang bestfriend kong si Ella.

Nakasilip lang ako dito sa bintana ng biglang nabuhay ang katawang lupa ko (pahiram ng lines Ms. Ai Ai) nang may makita akong cute…haha..

Huwaw! Ampogee naman nun. Ang tangos ng ilong. Payat lang sya pero di sya mukhang weak. Mahilig ako sa payat kasi di ba ganun yung sa mga manga at anime? Kyaaahhhh!!! Ang cute. Crush ko na ‘to.

“Apple, halika dali!” Tinawag ko isa ko pang friend.

“Kilala mo ba ‘yung cute na ‘yun?”

“Uhhh...oo. Si Lorenzo Sky Javier. Enzo tawag sa kanya ng family at close friends niya. Cute nga niyan. Crush ko yan,e.”

*laser beam*

“Pwede ba Apple. Akin na siya!” Haha..di ba? Grade 5 pa lang kami ang landi na namin. But of course we know our limits and priorities. Anyway, back to business. And my business now is Sky. Yeah! Sky ang itatawag ko sa kanya. Bagay kami. Sky and Heaven. Kyaaahhh!!

Busy ako sa pag-spazz at alam kong mukha na akong nagsi-seizure ng...

O///O

Ohnoes! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Parang tumigil ang mundo ko at gusto ko na lang matunaw sa hiya.

*Blink*

*Blink*

Waaahhh..nag-glare lang siya sa akin. Ang suplado! Pakshet!

................................

Simula ng araw na yun, si LORENZO SKY JAVIER ay official crush ko na..haha.. wag na siyang tumanggi. Pa-choosey pa siya :P Haha..di naman kasi niya alam,e.


TIMESKIP


(A.N. Sensiya na. Atat,e..haha..)

Nasa 6th Grade na kami pero hindi ko pa rin kami magkakilala. Lagi niya akong nahuhuling nakatingin sa kanya. Damn. Pero ang sungit niya.

Kasi nga naman Heaven, it’s rude to stare. Kulit kasi ng lahi mo.

Papunta na ako sa gate kasi tapos na ang klase. Umuna na ako kina Apple na nasa room pa. Susunduin kasi ako ngayon ni Justine sa school,e.

Malapit na ako sa gate ng kumabog ang dibdib ko dahil sa nakita ko.

Si Sky.

Nakaupo sa may shed malapit sa gate. Ang cute talaga ng crush ko ^____^ Lagot ako kay kuya kapag nalaman nya na may crush na ako :P

Busy ako sa pagtitig sa kanya at hindi ko agad napansin na may kasama pala sya.

Teka, si Justine ang kausap niya. Magkakilala sila? Ohyeah!

“Justineeeeeeeeee” Tawag ko kay Justine habang may malapad na ngiti sa mga labi ko.

Nagpaalam na siya kay Sky tapos lumapit saken. Friend ko na siya nung dito pa siya sa school pumapasok. First year na siya. Dun siya sa subdivision na malapit sa amin nakatira.

“Ano? Ang ingay mo!” Huu..taray ng lolo mo!

“Justine, kilala mo si Sky?”

“Si Enzo?” Sky nga ang sabi ko,di ba? -__-

“Oo. Siya nga. Crush ko” ^___^

“Ha?! Ambata bata mo pa ang landi mo! Sumbong kita kay Joseph!”

“Bubugbugin kita! Subukan mo!” Kontrabida talaga to kahit kelan.

“Aish! Tara na nga.” Nagsimula na siyang humakbang pero hindi ako kumikilos.

“Pakilala mo naman ako sa kanya. Puhleeaseee!” *puppy eyes* Please puppy eyes gumana ka!

Pagkakataon ko na to noh!

“Bakit? Manliligaw ka? Paano kapag sinagot ka tapos may nangyari sa inyo? Ang bata bata mo pa para maging ina. Papatayin ako ni Joseph bago pa mabinyagan ang ana--”

*PAK

“Advance mo masyado. Binyagan agad? Makikipag-friends muna ako siyempre. Secret lang natin na crush ko siya,huh?”

“Oo na. Halika na.”

Wahhhh..ambilis. Pwede mag-back out? Takte. Kinakabahan ako. Inhale, exhale, inhale, exhale!

Hindi ko namalayan kaharap na pala namin siya.

“Enzo. This is Heaven. A friend of mine.” Sabi ni Justine.

Napansin kong kumunot ang noo niya habang nakatingin saken. Malamang magdududa ‘to. Lagi na akong nabuking sa pagtitig,e.

“Hi Heaven!” tumango na lang siya at ngumiti ng tipid.

“H-hello Sky! Nice meeting you.” FUDGE! Kinakabahan talaga ako. Napakunot noo na naman siya. Ayaw nga pala niya ng tinatawag siyang Sky :P

“You know me? Just call me Enzo.”

“Y-yeah. Justine told me a while ago before we came here. Right Justine?” Umoo ka..uupakan kita!

“Uh..o-oo.”

“Uhh..I see.” Ngumiti lang ulit siya ng tipid. Grabeng tipid ng taong to,ah! Mabilis na yayaman ‘to. May bayad ba ang ngiti niya? Magkano? Pabili ako!

“Sige, una na kami,huh? Sorry sa abala. Hope we can be friends.” ^___^ nagbabasa kasi siya,e. Ayon sa aking sources, Top 1 siya sa klase nila…ohhh… lalo ko tuloy siyang nagugustuhan..haha..

“Ang landi mong bata ka!”

“Bleh!” :P

Simula non, lagi ko ng binabati si Sky pag makakasalubong ko. Madalas sinusungitan niya ako kasi lagi pa rin Sky ang tinatawag ko sa kanya..haha.. ang cute niya pag masungit. Bakit ba kasi? Gusto ko Sky para bagay kami ^____^

 Hindi pa rin niya alam na crush ko siya. Nakilala ko din ibang friends ni Sky na si Jim, Top at Veb. Haha.. tig-3 letters talaga dapat ang name! LOL! Kaya mas naging madalas kami magkasama ni Sky kasi nga naging friends ko na rin ang friends niya although madalas pa rin siyang masungit. Si Jim at Top, crush daw ako. Pero di ko type..haha.. Lalo na si Top. Baka sakalin ako ni Apple. Si Veb, alam niyang crush ko si Sky. Siya ang pinaka-reliable source ko. Minsan kasama din namin si Ella na isa ko pang bestfriend at ang pinsan kong si Evan. M.U. na yung dalawa ^^,

Shet lungs! Lalo akong nahuhulog kay Sky. Pero kasi, mukhang wala pa sa isip niya ang mga ganung bagay! Susko! Ang suplado kaya niya. Kahit sa’ken minsan. Lalo na sa mga ibang babae.

Heartbeat and HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon