Ronan's POV
"AND CLASS dismiss now." sabi ng professor namin na si Ms. Reyes. Oras na para umuwi, dali dali 'kong inilagay sa bag ang notebook at ballpen ko at umalis na. Habang binabaybay ko ang hallway ng school namin, nakita ko ang bestfriend 'kong si Lyle kasama ang girlfriend nyang si Lucy.
"Lylandeeeeee!!" tawag ko sa kanya, sweet ng nickname ko sa kanya no? hahaha
"Ronannnnnn! Uuwi kana?" tanong niya sabay lapit sakin
"Oo eh, madami pa akong assignments na tatapusin." sagot ko naman
"Sige, kalma lang sa mga school works 'tol. Chill chill din pag may time, ha?" sabi niya sabay tawa. Ulel
"Ungas! Syempre naman. Sige na alis na ako, una na ako 'tol at Lucy. Bye!" paalam ko na sa kanila kasi for sure magdedate pa ang mga 'yun eh.
"Ingat 'tolll!!" pahabol na sigaw ni Lyle.
Ungas talaga yun eh, simula ng magka girlfriend si Lyle minsan na lang kaming magsama at magbonding which is I understand naman kasi nga dapat may mas time siya sa kay Lucy, girlfriend nya eh atsaka kapag kailangan ko sya andyan naman siya laging handang tumulong.
Lumabas na ako ng school at tinungo ang daan sa sakayan ng jeep. Well, I am Ronan de Jesus nga pala, I am currently studying at Rivera University bilang isang first year college. I am 18 years old and proud ako na single since birth 'to haha nagka crush naman ako pero ewan bakit wala akong nakikitang babae na worth it para ligawan ko in short no one captures my heart. I am living with my father since namatay na si mama noong 1 year old ako, hindi gaanong nagkukwento si papa about kay mama ewan ko kung bakit hindi din naman ako nagtatanong masyado. Papa is busy with our business kahit na ganun hindi siya nawalan ng time para sakin, matter of priorities kumbaga. Never in my life na may nakita akong denidate si papa kahit na okay lang sa akin kasi he has still his right to be happy kasi matagal ng wala si mama sa amin, susuportahan ko din naman siya kapag nagkataon na meron.
"Para po manong" sabi ko nang makitang andito na pala ako sa gate ng subdivision namin.
Pumasok na ako at tumungo papuntang bahay namin, medyo malaki naman ang bahay namin. 2 storey house siya tapos may apat na kwarto, it is painted in gray kasi 'yun daw ang favorite color ni mama according to my papa, our furnitures at appliances has the touch of color black, gray and white and ang kwarto ko naman, it is painted with the color of gray for neutrality. Obviously, papa prefer to paint our house with the favorite colors of mama, which is okay naman sakin kasi maganda sa mata at it is so calming.
Pumasok na ako ng bahay at syempre papa is not home pa kasi nasa trabaho pa yun. I went to my room at saka nagpahinga. What a day!
ZzzzzZzzzZZzzz
"Ronan, son, wake up. Kakain na tayo."
Na alimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni papa.
"Pa, susunod po ako sa baba." I said na nakapikit, inaantok pa ako ah.
"Bilisan mo na diyan, Ronan." Papa said at umalis na
Bumangon na ako, nag hilamos at tumungo na sa dining area.
"Umupo kana dito. Manang, pakikuha po ng juice sa ref. Salamat" utos ng ama ko sa aming kasambahay.
"How's work, pa?" I ask, saka umupo na sa hapag kainan at kumuha ng makakain.
"Well, okay lang naman. Ikaw, how's school?" he ask me back.
"Okay lang din" I answered.
Ganyan lang ang normal conversation namin ni Papa, he never ask me nga kung may gf na ako or nagugustuhan.
"Pa, pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa inyo ni Mama?" I ask him
"*coughs* May be some other time, Ronan. Im tired." he said coldly. Tumayo agad si Papa at umalis patungo sa kwarto niya ata. Hays, talaga bang umiiwas si Papa sa ganoong topic o pagod talaga siya? Minsan lang naman akong magtanong eh.
Tinapos ko na ang kinakain ko at tumungo sa kwarto.
"Sisimulan ko na lang ang mga assignments ko." sabi ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
The Anecdote (COMPLETED)
Short StoryA typical teenager that will be concious of how would be the feeling of falling inlove for someone. Maraming nagsabi sa kanya na masaya daw, masakit, magulo o kung ano ano pa. Will he get involve in the chaotic world of love? Pupusta ba siya? Kaya n...