Chapter 04

33 16 3
                                    

JEFF

Sabado ngayon pero pumunta pa rin ako sa school. Nagset ako ng meeting para sa students affairs tungkol sa mga nagexchange students sa Campus namin.

Madalas na yung mangyari sa bawat campus ng Monte Aguinaldo Univ. Isang malaking privilege kung mapapasama ka don.

Mga piling estudyante lang kasi ang pinipili para doon. Pero mga 2nd yr at 3rd yr lang ang pwedeng magavail, parehas kasing busy ang freshman at mga graduating students.

"Shiela!" napalingon naman siya sakin. " Sa office ha?meeting!" napatango naman siya.

Ang Secretary namin. So far, maayos naman ang org namin walang nagiging problema, may unity naman kami.

San na nga ba ako? ay iyon, 2nd yr to 3rd yr lang ang pwedeng magavail, saka 5 course lang, hindi ko alam kung paano ang pagpili nila sa mga courses na pagpipilian sa amin kasi alternate, after ng lima yung sunod naman na limang course.

May 20 courses kasi samin, kami ang main campus ng MAU. Oo maraming students pero hindi naman crowded kasi malawak ang campus.

Dito kasi sa MAU- Main, which is school ko is by GWA ang pagpili eh unlike kanila Cassy na may paexam.

Speaking of Cassy, nalimutan ko hinggin ang number niya, nagiging malilimutin na ko.

Pagkarating ko sa office ako palang. Kaya binuklat ko yung mga mga forms ng mga exchange students na galing batangas.

Nangunguna si Cassy. Hinanap ko kaagad ang Cellphone number niya.

Pagkatype ko sa CP ng number niya binati ko siya ng good morning. Saka binulsa ang phone ko.

Sa limang courses na nasa amin nasa 125 silang mg students na nasa school namin.

Marami din pala.

Time checked: 9:46 AM

Nangangalahati na kami sa napapagusapan namin. Sinunod ko topic yung about sa mga exchange students.

"Kamusta naman mga napunta sa ating students from batangas?"

Halos puro naman magagandang feedback ang nareceived ko, kinamusta ko rin yung mga students na napapunta sa batangas.

"May program sila later pres. 10 am ang call time."

Magsisimula na pala

Napatango nalang ako sa VP ko. Kailangan na palang putulin tong meeting.

"Meeting nalang tayo ulit next week,para paghandaan yung pa party sa mga exchange students natin bago sila umalis"

Nagtanguan naman sila.

"Diretso sa gym ha?may program"

Nagsisaludo naman silang lahat. Nilabas ko yung phone ko at may nareceived akong text galing kay cassy.

From : Cassy

Hi! nandito nako sa gym,san ka ?

Lumabas nako ng office at dumiretso sa gym. Walang masyadong estudyante kasi sabado, mga engineering lang may pasok.

Pagpasok ko sa gym,nagsisimula na pala. Kaya umakyat ako sa gilid ng stage.

Naglead ng prayer yung VP namin at saka pinatugtog ang Lupang Hinirang,
Panatang makabayan,panunumpa sa watawat at ang MAU Hymn.

Nagulat nalang ako ng binigay sakin ang mic. Nagspeech ako konti saka bumababa sa stage.

Hinanap ko kung saan nakaupo si Cassy,may katabi siyang lalake sa kanan niya. Hmm?

 𝙼𝚢 𝚄𝚗𝚛𝚎𝚊𝚌𝚑𝚊𝚋𝚕𝚎 𝙾𝚗𝚎 ( MA Series 02 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon