Kabanata 19

1.7K 50 2
                                    

"You want to eat something?" tanong ni Rox nang matapos ang morning session ng aming training.

"No. I'm going to meet someone." Dumaan kasi muna si Caleb dito sa Korea bago uuwi ng Pilipinas, nais niya raw akong makita.

"Sino?" matalim niya akong tinitigan kaya kumunot ang aking noo. Gusto kong sabihin na he's not my boyfriend to act like that pero hinayaan ko na lamang.

"Caleb, remember him?"

"Of course, siya lang naman ang nagsabi sa'yo noon na may babae ako kaya tayo naghiwalay." Mapakla nitong sagot.

"Nagmamalasakit lamang sa akin si Caleb, at totoo naman kasi iyon." Inirapan ko ito dahil nagbabadya ang iritasyon sa aking damdamin. Argh! Bakit pati si Rox nadadamay sa iritasyon ko? F*ck you, Zach!


We are 30 participants in the training, 3 employees per company. Kaming tatlo ang magkakasama ngunit doon siya naupo sa kabilang grupo, tatlong mahaderang babae ang kasama niya! They are all Koreans at 'tila kilig na kilig ang mga ito kay Zach na ngiting ngiti naman habang ine-enjoy ang bawat paghaplos ng mga babae sa kaniya. Leche!


I'm not jealous, nakakainis lamang kasi hindi siya nagko-contribute sa bawat activity na ginagawa. That's it!


"Hey, Kezia! Are you listening?"

"Ahm, sorry. Ano nga ulit iyon?"

"Sabi ko, sasama na lamang ako sa inyo ni Caleb kung saan man kayo pupunta."


Dumaan si Zach sa aming tabi kasama ang mga linta.


"Really? You're going with us, later?" nakataas ang aking kilay habang nakatingin sa babaeng nasa kanan ni Zach.

"Ang lalandi, mga retokada naman!" wala sa sariling bulong ko.

"Sure. Let's have dinner first before going to the bar." Sagot naman ng malanding lalaking ito ngunit ang mga mata'y nakatuon sa akin. Nakakairita, suntukin ko 'yang nguso mo nang sa gayo'y hindi ka na makangisi riyan!

"What now, Kezia?"

"Ah. Yah." Kahit na hindi ko naman alam kung anong sinasabi nito.

"Good, tara na." He held my right hand.

"H-ha?" napabaling tuloy ako sa kamay kong hawak niya. Ngumiti lamang siya ng malapad at hinalikan ang aking pisngi. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na tumingin sa gawi ni Zach.


His cold eyes held my gaze.


The hell, Kezia? Walang pakialam sa'yo 'yan. And you already moved on!


"A-ano bang ginagawa mo, Rox? I'm not your girlfriend." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at nauna nang naglakad paalis.

"Hey, I'm sorry." Masuyo niya akong tinitigan nang mahabol ako.

"It's okay. Sorry, hindi kasi ako komportable sa ganoon." Pag-aamin ko.

"Caleb!" tumakbo ako kay Caleb nang mamataan ko siya sa labas at mahigpit siyang niyakap.

"Missed me so much, ha?" natatawa nitong saad ngunit niyakap din naman niya ako pabalik.

"I missed you so much! Pasalubong ko?" bumitaw ako sa yakapan naming dalawa at matamis siyang nginitian.

"Para kang bata," ginulo nito ang aking buhok kaya napanguso ako.

"Ohhh, he's handsome too."

"I think, that's her girlfriend."

"Zach, that's your co-employee right?"


Inismiran ko ang mga babaeng higad, mga chismosa!


"I don't know her." Mabilis niya kaming nilagpasan, at malamang na sumunod ang mga kiti-kiti sa kaniya.

"Huwag ipapahalatang nagseselos ka, parang kakainin mo ng buhay iyong mga babae!" naiiling na wika ni Caleb.

"Yuck, hindi ako nagseselos. Wala na akong pakialam sa lalaking iyon."

"Hmmmmm?" tinampal ko ang braso nito kaya napatawa na lamang siya ng malakas.


Bakit naman ako magseselos, hindi ba? Hindi ko na siya mahal. Kahit maghalikan pa sila sa harap ko, wala akong pakialam!

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon