Kabanata 20

1.8K 46 0
                                    

"I'm Kristof. Kezia, right?"

"Hmm, yah! You're a Korean?" tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay sa akin.

"Half Korean and half Filipino." Marahan niyang pinisil ang aking kamay kaya mabilis akong bumitiw sa pagkakahawak nito.


It's the second day of our training at kailangan naming makipagkilala sa ibang grupo. Si Kristof ang unang lumapit sa akin, si Rox nama'y kausap na ang grupo ng mga lalaki sa kalayuan.


Zach? What do you expect?


Pinagkukumpulan na ito ng mga babae. Ano bang mayroon siya na halos lahat ay nagkakandarapa sa kaniya? Really, Kezia? Parang hindi ka naging baliw sa kaniya noon, ha?


"Wow! So, you know how to speak Tagalog?"

"Oo naman, sa Pilipinas ako lumaki. Isang buwan pa lamang ako nakapirmi rito sa Korea."

"English-english ka pa, marunong naman palang magtagalog." Pabiro ko itong inirapan na ikinatawa niya.

"You're so cute. Actually, I have a crush on you." Lumaki ang aking mga mata sa sinabi nito ngunit bago pa ako nakapagsalita ay may humila na sa aking braso.

"Stay away from her or I'll crush your face." Pumagita si Zach sa harap namin at itinago ako sa likod niya.

"And who are you?" matapang na tanong ni Kristof.

"Her boyfriend, so back off!"

"Boyfriend? Are you sure? Ikaw 'yong pinapalibutan ng mga babae, hindi ba? Kezia don't deserve f*ck boy boyfriend. At sa mga nakikita ko? You're not serious with her." Humigpit ang hawak ni Zach sa aking braso dahil sa galit.

"You know nothing. At sinong deserving sa kaniya, ikaw?" he chuckled.

"Yes!" Palakas na ng palakas ang boses nila dahilan kung bakit nasa amin na ang atensyon ng iba, lalo na 'yong mga babaeng kasama ni Zach kanina.

"What's happening here?" singit ni Rox. Rinig ko ang malakas na pagbuga ng hangin ni Zach, humarap ito sa akin at niyakap ng mahigpit.

"What the f*ck, Zach!" pilit kong kumawala ngunit hindi niya ako pinapakawalan.

"Just a minute, please? I need energy, bakit ba kasi ang daming umaaligid sa'yo ngayon?" inis niyang bulong.

"Bakit ka pa kasi nakikialam, madami ka namang babae riyan!"

"I don't care about them, tsaka lumalapit sila sa akin dahil may hinihingi akong tulong sa kanila."

"Reasons."

"You're jealous, aren't you?"

"Of course not!"

"What the hell is happening here? And can you please stay away from Kezia?" marahas akong hinila ni Rox ngunit mas hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap sa akin.

"Pakawalan mo siya, she's not yours!" pinakawalan ako ni Zach at mabilis na sinuntok si Rox sa mukha. Nagkagulo ang lahat, kaniya-kaniya silang awat sa dalawa. Habang si Kristof nama'y nakisali sa suntukan.


What the f*ck is this?


"Tama na!" kanina ko pang sigaw ngunit hindi sila nagpaawat. Lumapit ako kay Zach at hinila ang laylayan ng damit nito habang abala siya sa pagganti ng suntok kay Kristof.

"Zach, please?" niyakap ko ang braso nito kaya napatigil siya at tumingin sa akin.

"Tsk. Fine." Mabilis niya akong hinila palayo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makalabas kami sa hall.

"In my room."

"W-what?" napatigil ako sa paglalakad kaya maging siya'y napatigil din dahil hawak niya ang kamay ko.

"Why? What's wrong kung dadalhin kita sa kwarto ko?" ngising tanong niya habang ang mga mata'y mapaglaro.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon