Kabanata 51

1.3K 32 0
                                    

"Hi, I'm Zake." Malamig na saad ni Zia. Nasa harap namin sina Mr. Martinez at si Maricar.


Zach reset her memory. She's cold as ice.


"I'm your Mama!" nilapitan siya ni Maricar upang sana'y yakapin ngunit tinulak niya ito, napaupo tuloy ang kawawang babae.

"Don't touch me, please."

"O-ok," sana gumana ang plano ni Zach.

"Zake, go to your room." Pinukulan ni Zia si Mr. Martinez ng masamang titig ngunit tumayo rin ito at sumunod sa yayang robot patungo sa silid nito.

"Bakit parang nag-iba siya? Parang hindi siya si Zake na dinala mo noon dito." Kinabahan ako sa sinabi niya.

"Siya pa rin 'yon, Dad. Ni-reset ko lang ang memory niya para hindi na niya kami makilala. Dapat kayo ang una niyang makilalang mga magulang. Hindi siya pwedeng agad na ibenta. Kailangan niyo muna siyang mapaamo."

"But kailangan na namin ng pera para mabawi ang nawala sa amin!" biglang sigaw ni Maricar.

"Don't worry. Hindi pa namin kukunin ngayon ang mga ari-arian. Saka na kapag naibenta niyo si Zake."

"Ok, sounds good!"

"Just take care of him, please." Naiiyak kong saad.

"Don't worry, Kezia. We will." Seryosong saad ni Mr. Martinez, tumango na lamang ako.


Umalis kami roon na mabigat ang pakiramdam ko, para kong ibinenta ang sarili kong anak. Iyak ako ng iyak sa kotse habang pauwi.


"Hey, stop crying. Mababawi rin natin siya." Ngunit mas lalo lang akong naiyak nang madatnan namin si Zake sa salas na humahagulgol, hinahanap si Zia.

"Dada, where's Zia? Hindi ko na siya nadatnan kaninang umaga nang ma-full charge ako! Please let me talk to her!" alam na nito na babae talaga ang kaniyang kalaro, isiniwalat ni Zach ang lahat bago niya ni-reset ang memorya ni Zia.


Niyakap ko si Zake ngunit nagpumiglas siya upang maharap ang kaniyang ama.


"Dada!" sigaw niya nang nanatiling walang imik si Zach.


Bumuntong hininga muna ito bago nilapitan ang anak. "Baby, I'm sorry." Lumuhod siya upang magpantay silang dalawa.


"Calm down, Kezia." Mahinahong saad ni Mommy habang hinahagod ang aking likod. Hindi ko rin kasi mapigilan ang hindi maging emosyonal.

"Hindi ka pwedeng ma-stress, anak. Go to your room, you need rest." Seryoso namang wika ni Daddy, umiling lamang ako't umupo sa sofa.


Mabuti'y tumahan na si Zake at nakayakap na kay Zach. Nakita kong umiilaw na ng pula ang mga mata nito, kailangan na niyang mag-charge.


"Tanghali pa lang ah, bakit ang bilis ma-lowbat ni Zake?" dapat kasi mamayang gabi o bukas pa ito mauubusan ng energy.

"Kaninang umaga pa kasi 'yan iyak ng iyak, hindi tumitigil." Inakay na siya ni Zach patungo sa silid nito.


Malakas kasing humatak ng enerhiya ang mga luhang lumalabas sa kanila, lalo na kapag nakaramdam sila ng kalungkutan. Kapag nama'y masaya sila, maliit lamang ang porsyentong nababawas sa kanila.


Nagpaalam na ako kay Mommy at Daddy upang magtungo na sa aking silid at magbihis. Nang matapos ay nadatnan kong nakahiga na si Zach sa kama. Nahiga na rin ako't niyakap siya.


"Baby," saad niya ngunit nakapikit pa rin.

"Hmmm?"

"I love you," napangiti ako, siya talaga ang nakakapagpagaan sa pakiramdam ko.


Sasagot na sana ako nang nasinghot ko ang amoy nito, agad ko siyang hinampas sa dibdib na ikinabigla niya.


"What the?"

"Umalis ka nga rito, ang baho mo!" tinakpan ko ang ilong ko para hindi ko siya maamoy.

"Alis!" sigaw kong muli dahil nanatili lang siyang nakaupo't nakaawang ang bibig habang tinititigan ako.

"Malalagot talaga sa akin ang dalawang batang 'yan paglabas nila. Hindi man lang nila ako pinapa-score sa mama nila. Hays!" nagkamot pa ito sa batok bago tumayo.

"Fine, pa-kiss muna." Lalapit pa sana siya sa akin ngunit sinipa ko na. Ang baho talaga ng damuhong ito.

"Ayaw! Maligo ka muna." Binato ko siya ng unan.

"Tsk! Ano ba naman 'yan mga anak, pati kiss pinagdadamot niyo pa sa akin." Bulong nito.

"Anong sabi mo?"

"Wala," walang ganang saad niya bago lumabas ng silid.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon