Kabanata 33

1.4K 44 0
                                    

"Sorry, we're late." Paumanhin ko sa aming magiging boss habang ang letseng Zach ay abalang nilalaro ang aking kamay.

"It's okay," malanding saad nito habang malagkit na nakatitig kay Zach. May pinindot ito sa gilid ng kaniyang swivel chair at bigla na lamang itong nakarating sa aming harapan.

"Zach, right? I'm Selene." Inilahad nito ang kaniyang palad kay Zach, 'tila hindi niya ako nakikita. Hugutin ko kaya ang mga mata niya?

"Yes, ma'am." Walang emosyong sagot ni Zach sa kaniya, hindi niya pinansin ang nakalahad na palad ng malantod na ito. Napangisi tuloy ako na ikinataas ng kaniyang kilay.

"Tanungin mo sa aking sekretarya kung saang department ka mapupunta. Zach, sumama ka sa akin." Padabog niyang pinindot ang button sa kaniyang upuan, nasa table na niya ito ngayon.

"Sasamahan na kita," binitawan niya ang kamay ko ngunit agad ding kumapit sa aking baywang.

"No, sumama ka sa akin!" biglaang sigaw ni Selene.

"Sige na, Zach. Okay lang ako." Kahit naiirita na ako, kailangan pa rin naming maging propesyonal. Siya pa rin ang aming boss.

"Are you sure?" nag-aalala niyang tanong bago malalim na bumuntong hininga.

"Yes. Sige na, mauuna na ako. Bye, Ma'am. Nice meeting you!" nakangiti kong saad ngunit inismiran lamang ako nito.


Tuluyan na sana akong aalis ngunit hinila ni Zach ang aking braso, "I will miss you. Mag-iingat ka, okay?" malambing niyang paalala bago ako mabilisang hinalikan.


"Mahal na mahal kita," hinalikan niya ang aking noo. Tumango na lamang ako sa kaniya at agaran ng lumabas. Hindi na kasi maipinta ang mukha ni Selene, parang handa na niya akong patayin anumang oras.


Masaya naman ako sa napuntahan kong department, halatang masayang kasama ang mga empleyado rito.


"Hi, Ma'am Kezia. I'm Jam. Nalulula ako sa kagandahan mo!" natatawa nitong inilahad ang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Thanks. Maganda ka rin naman."

"Narinig niyo iyon? Maganda raw ako!" biglang sigaw niya kaya napuno ng kantyawan ang buong department.

"Sinuhulan mo yata si Kezia e!"

"Maniwala ka riyan, pangit ka!"

"Wala kaming narinig!"


At kung anu-ano pang pinagsasabi nila kay Jam na ikinatawa lamang ng lahat.


Alas singko na pala ng hapon. Hindi ko namalayan ang oras, abala kasi ako sa pagkakabisado ng aking mga dapat na gawin.


"Ang gwapo, te!"

"Yummy,"

"Kapag lumingon 'yan, akin siya!"

"Eng sherep nemen nyen."


Rinig ko ang mga bulong-bulungan mula sa labas ng aking opisina habang nagliligpit ako ng aking gamit.


"Nariyan ba si Kezia?" rinig ko ang boses ni Zach.

"Ay! Kay Ma'am Kezia naman pala. Sayang!" rinig ko pa ang hagikgik nito.

"Nasa loob pa po ng opisina niya."


Mabilis akong lumabas sa aking opisina upang hindi na niya ako maabutan pa rito.


"Baby," nakangiti nitong salubong sa akin bago ako niyakap ng mahigpit.

"Awwww,"

"Talo na tayo mga bakla!"

"Zach, nakakahiya." Bumitaw ako sa yakap nito kaya kumunot ang kaniyang noo.

"Ikinakahiya mo ako?" malungkot ang boses nito.

"Hindi sa ganoon," irap ko sa kaniya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Ramdam ko namang nakasunod ito sa aking likod.


Ngunit nawala ang kaniyang mga yabag sa aking likod nang makarating kami sa parking lot. At pagharap ko nga'y nasa malayo pa si Zach at may kayakap na babae.


Si Heidi. Kaya pala.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon