Kabanata 18

1.8K 54 0
                                    

"OMG! Kakasabi ko lang, nagkrus na agad ang landas niyo!" tili ni Tyrelle nang maikwento ko sa kaniya ang nangyari.

"Tsk. Para kang bata, Tyrelle." Iritado namang sagot ni Caleb. Kasalukuyan kaming nagvi-video call. Si Caleb ay nasa Japan ngayon for their business meeting.

"Hmmm. Selos ka lang e." Dumila pa ito kay Caleb na masama na ngayon ang tingin sa kaniya.

"Kezia, seonsaengnim-i neoleul buleugoissda." (Kezia, sir is calling you.)


Tawag sa akin ng kasamahan ko. Hindi siya gaanong marunong sa wikang Ingles, mabuti na lamang at nakakaintindi ako.


"Okay, coming."

"Tawagan ko na lamang kayo mamaya, pinapatawag ako ni boss. Bye, I love you! Take care." Agad kong itinago ang aking cellphone at nagmadaling pumunta sa office ng aming boss.

"Geunyeoneun jeonche hunlyeon-eul-wihan dongbanjaibnida." (She is your companion for the whole training.)

"Geogjeongma, geunyeoneun meosjida." (Don't worry, she's nice.)

"Yeppeun," (and pretty.)


Rinig kong sabi ni boss bago ako nagpasyang i-scan ang aking mukha upang malaman ng mga nasa loob na gusto kong pumasok. Maya-maya'y tumunog ang pintuan hudyat na bukas na ito.


"Sir," yumukod ako tanda ng aking paggalang.

"Ke chia!" that's my Korean name.

"Igeos-i ke chia in Rox." (Rox this is Kezia.)

"Naneun geunyeoleul imi algoissda, geunyeoneun naui jeon yeoja chingu." (I already know her, she's my ex-girlfriend.)


Manghang-mangha ako habang nakatingin kay Rox na tuwid magsalita ng Korean language. Sabagay, dito na kasi siya nag-aral ng kolehiyo.


"O, jeongmal? Geuge sasil-iya, Ke chia? Eojjaessdeun, dangsin-eun jal eoullibnida. Neoneun neoui gwangyeleul dollyeojwoya hae!" (Oh, really? Is that true, Kezia? Anyway, you look good together. You should return your relationship.) Ngiting-ngiting saad ni sir habang nakatingin sa aming dalawa ni Rox, nakakailang tuloy!

"Heum, jeon-eun jeon-iya. Ke chianeun imi jongsahagoissda." (Hmm, ex is ex. Kezia is already engaged.) Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng aking puso nang marinig ko siyang magsalita. And what did he say?

"No, I'm not engaged!" agap ko kahit na nakakalunod ang kaniyang titig.

"Neo alji?"(You know each other?) Nagtatakang tanong ni sir. Handa ko na sanang walain ang usapan nang nagsalita muli si Zach.

"Algessseubnida. Geunyeoneun nae yaghonja ya. Jamsiman sillyehagesssubnida." (Yes, sir. She's my fiance. Excuse us for a while.)


Laglag ang panga naming tatlo sa sinabi ni Zach, wala na rin akong nagawa nang hilain ako nito palabas.


"Where's your office?" malamig niyang tanong. Binuksan ko ang aking opisina na nasa harapan lamang namin.

"What do you want?" kunot noong tanong ko nang maisarado ang pintuan ngunit hindi niya ako sinagot. Bagkus, inilibot nito ang mga mata sa kabuuan ng aking opisina.

"Bakit hindi mo sinabing may naging Ex ka pala?" puno ng hinanakit ang boses nito?

"Bakit? May paki-alam ka ba sa akin noon? Hindi mo nga natatanong noon kung kamusta ang araw ko, saka ka lang naman lumalapit kapag gusto mo akong maikama." Umawang ang labi nito. Totoo naman ang sinabi ko?


"Kezia,"

"Don't worry, I understand. Let's just leave it in the past." Tipid ko siyang nginitian. I'm so proud of myself. Hindi na ako nasasaktan kapag naaalala ang nakaraan.

"You already moved on? Si Rox na ba ulit? Kaya ba, iba ka makatingin sa kaniya?" his eyes, they were vulnerable as he looked at me.

"Bakit mo sinabing engaged tayo?" I hysterically said, ignoring his questions.

"Bakit, gusto mong si Rox na lang?"

"Ano bang problema mo? Wala ka ng paki-alam sa buhay--" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang sinakop nito ang aking labi.

"Hmmm," pagpupumiglas ko ngunit patuloy pa rin siya sa paghalik.

"You're still my Kezia." Wika nito ngunit hindi pa rin binibitawan ang aking labi.

"Zach!" mabilis ang naging pangyayari, natumba si Zach dahil sa malakas na pagsuntok ni Rox dito.

"Walang hiya ka! Alam mong akin siya!"

"Akin siya," ngising sagot ni Zach habang tumatayo, susuntukin sana muli siya ni Rox ngunit agaran kong hinawakan ang braso nito.

"Tama na, Rox."

"Matagal na ba kayong magkakilala nito?" Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi at pinunasan ang aking labi.

"She's my fiance." Alam kong nagpipigil lamang si Zach sa galit dahil sa bilis ng paghinga nito at pagkuyom ng kaniyang palad. Anong kinakagalit niya?

"Can you please stop, Zach? Hindi na ako katulad ng dati na mabilis mong maloloko. Kung tutuusin nga, mas gusto ko pang kay Rox na lamang nabaliw noon kaysa sa'yo. You're not worth it, you don't deserve to be loved!" asintado ko sa kaniya ngunit agad akong nagsisi nang makita kong nasaktan siya sa mga sinabi ko.

"Ah. I see." Malamig niya akong tinitigan bago padabog na umalis.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon