Kabanata 27

1.5K 42 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, tapos na ang aming training. Dalawang araw na lamang at uuwi na kami sa Pilipinas. Habang si Rox ay naghihimutok dahil si Zach ang aking makakasama sa pag-uwi at sa trabaho, baka raw magpauto na naman ako sa kaniya.


"Manahimik ka na nga lang, Rox." Inis ko siyang tiningnan. Palagi siyang dumadalaw sa aking opisina upang pagsabihan ng kung anu-ano tungkol kay Zach.

"Kezia naman, hindi porke ginawan ka niya nung Zake na iyon ay mahal ka na niya. Malay mo, hindi lamang ito sanay na balewala na siya sa'yo." Namomroblema nitong saad.

"Ewan ko sa'yo." Niligpit ko na ang aking mga gamit upang makauwi.

"Ihahatid na kita." Hindi na lamang ako nakipagbangayan pa.

"Sasakyan 'yan ni Zach, ha? Nagsasama na kayo sa iisang bubong?" galit niya akong binalingan. Nasa tapat kasi ng aming bahay ang kotse ni Zach.

"Dalawang araw siyang bakante bago kami uuwi sa Pilipinas kaya siya ang nag-aalaga kay Zake." Sagot ko bago tinanggal ang aking seatbelt.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, nagsasama kayo sa isang bahay?" inirapan ko siya sa kaartehan niya.

"Of course not! Sinabi ko kasi sa kaniya na pauwi na ako kaya iniuwi na niya si Zake dito." Lumabas na ako sa sasakyan at dumeretso sa gate.

"Kezia Maureen," saad ko sa voice detector upang mabuksan ang gate.

"Pasok ka," agad namang sumunod si Rox sa akin.


Naabutan kong nakaupo si Zach habang nilalaro-laro si Zake na mahina lamang tumatawa.


"Zake!" agad silang napatigil at napatingin sa aking gawi ngunit agad ring nalipat ang kanilang mga mata kay Rox na nasa tabi ko. Parehong-pareho ang expression ng mga mata nilang dalawa.

"Zake," lumipat muli ang mga mata ni Zake sa akin at tipid lamang na ngumiti bago bumaling muli kay Rox.

"Kezia," kunot noong tawag sa akin ni Zach. Lumapit ako sa gawi nila upang kunin si Zake.

"Salamat sa pag-alaga at paghatid kay Zake rito." Tipid akong ngumiti sa kaniya bago umupo sa kabilang sofa.

"Hindi mo kailangang magpasalamat, anak ko rin siya." Sasagutin ko na sana ito ngunit biglang tumawa ng malakas si Rox matapos na marinig ang sinabi ni Zach.

"Anak? Robot iyan, hindi tao! Ginagawa mong baliw si Kezia! Hindi naman kailangang alagan ang robot na iyan, walang pakinabang." Nagtagis ang bagang ni Zach sa sinabi ni Rox habang biglang umiyak ng malakas si Zake.

"Maaari ka ng umalis, Rox. Salamat sa paghatid sa akin dito." Sinamaan ko siya ng tingin bago dinala si Zake sa aking kwarto.

"Don't worry, baby. Hindi ganoon ang iniisip ko sa'yo. Anak kita, kaya huwag ka ng umiyak." Pagpapatahan ko kay Zake nang mailapag ko siya sa kama.

"I'm just a robot pero ginawa ako ni Dada dahil sa pagmamahal niya sa'yo, Moma." Laglag ang aking panga nang bigla itong nagsalita't pinunasan ang sariling mga luha.

"Z-zake," nanlalaki ang aking mga mata habang tinitingnan siyang malungkot na nakatingin sa akin.

"Dada loves you so much, Moma. He hurt you, he treated you like a trash before ngunit may dahilan siya. Sana mapatawad mo pa siya, sana kaya mo pa rin siyang mahalin kapag sinabi na niya ang kaniyang rason kung bakit siya naging ganoon sa'yo. We love you so much, Moma." Hindi pa rin ako makapagsalita sa gulat, nakikita ko ang batang Zach sa kaniya. Hindi mo talaga aakalaing robot ang kausap mo. Ngayon ko lang napagtanto, paano nga ba ito nagawa ni Zach?

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon