Kabanata 25

1.5K 44 0
                                    

"I'm sorry, Zach. Hindi ko pa kayang ipagkatiwalang muli ang puso ko sa'yo." Napalayo siya ng kaunti sa akin at marahas na ipinikit ang mga mata.

"Tangina, ang sakit." Pilit siyang ngumiti ngunit kita kong nangingilid na ang mga luha nito. Hinaplos ko ang kaniyang mukha at pinunasan ang gilid ng kaniyang mga mata.

"Masyado ng maraming nangyari. Hindi pa ako handa." Umiling-iling pa ako.

"I understand. Kasalanan ko rin naman." Tinanggal niya ang aking mga kamay na nakahawak sa kaniyang mukha bago ako marahang itinayo.

"Hindi naman kita minamadali ngunit sana hayaan mo akong bumawi, hayaan mo akong ligawan ka. Mag-umpisa tayo sa una." Umiling akong muli upang ipakitang tumatanggi ako.

"Sa ayaw o sa gusto mo." Nakangisi nitong saad.

"But,"

"Let's go. Hindi pa tapos ang sorpresa ko." Hinila niya ako papasok sa Hall.

"Nagpaalam ka ba sa mga mentors? Ninanakaw mo na ang oras para sa session." Nagtatakang tanong ko nang makitang nagkukumpulan ang mga mentors at ilang mga kasamahan namin sa entablado.

"Nagpaalam naman ako na kukunin ko ang kalahating araw ngayon."

"Anong tinitingnan nila roon?" hindi niya ako sinagot, nakangiti lamang itong nagtitipa sa kaniyang cellphone.

"Tara," hinila na naman niya ako patungo sa entablado, nagsialisan ang mga tao't binigyan kami ng daan.


Laglag ang aking panga nang makita ang pinagkakaguluhan nila rito.


"Alam kong hindi ko na maibabalik ang buhay ng ating anak, ngunit sa tulong nito'y sana maibsan ang sakit na nararamdaman mo." Napakurap-kurap ako upang pigilan ang pagtulo ng aking mga luha.


Isa itong lalaking baby robot, parang tao talaga ang pisikal nitong anyo. Mahimbing itong natutulog ngayon sa kaniyang crib. Ang mukha nito'y pinaghalong mukha namin ni Zach.


"G-ginawa mo ito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, iyan ang pinagkaabalahan ko nang umalis ka. Ipinangako ko sa aking sarili na sa muli nating pagkikita'y maibibigay ko ito sa'yo. Ituring mo siyang parang tao, lahat ng kakayahan ng tao'y nasa kaniya. Emotions, and everything that a man can feel except hunger. Kung inaantok siya, kailangan mo lamang itong i-charge." Mahabang paliwanag nito, maging ang mga nakikinig ay namangha sa kaniyang likha.

"Kezia, meet our son... Zake. He's already 5 months old." Nakanganga pa rin ako at hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Zach, this is too much."

"Kulang pa iyan sa pasakit na naranasan mo sa aking piling." Bumuntong hininga muna ako bago nilapitan si Zake.


Kumawala ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. Hinawakan ko siya't sinundut-sundot, maging ang kaniyang balat ay para talagang tao.


Napatigil ako sa pagsundot dito nang bumukas ang kaniyang mga mata. Tumingin muna ito sa paligid bago napako sa akin ang kaniyang atensyon. Mas lalong bumuhos ang aking mga luha nang ngumiti ito sa akin at nagpapapadyak ang mga paa na 'tila nais na magpabuhat kaya tinanggal ko ang charger nito bago siya binuhat.


"Baby," nakangiti ko itong pinagmasdan, nakangiti rin itonnakatingin sa akin habang ang kaniyang maliit na palad ay idinampi sa aking pisngi.

"Nagustuhan mo ba?" bulong ni Zach na nasa aking gilid.

"I love it." Bukal sa loob kong saad.


I know, this will not replace my real child. Pero ituturing ko ito na parang sa akin talaga galing.


"Thank you, Zach." Nakangiti kong pasasalamat sa kaniya.

MARUPOK PERO HINDI POKPOK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon