Chapter 2: Proposal
Potchy's POV
WALA AKONG nagawa kundi ang umalis sa boarding house ni tiya. Bago 'yon ay sunod-sunod na mura ang tinamo ko. Ninais kong kunin ang kapatid ko pero inilayo siya sa akin ni tiya kaya wala akong nagawa kundi ang mag-alsa balutan nang mag-isa.
Kukunin ko sana ang mga damit ko pero wala akong nagawa, tanging ang bag ko sa eskwelahan ang dala-dala ko.
Sinundo ako ni Dreihan sa labas ng boarding house nang umiiyak.
"Sumusobra na talaga 'yang tiya mo. Hindi ka man lang ituring na pamilya."
"Ano ka ba Dreihan? Hayaan mo na. Wala naman akong magagawa at lalong-lalo ka na, walang magagawa ang galit mo para magbago ang ugali niya. Hindi naman ang pagturing niya sa akin na pamilya ang problema e, ang problema ay 'yung kapatid ko. 'Yung kapatid kong naiwan kay tiya. Baka kung mapa'no siya ro'n."
Nag-aalala talaga ako para sa kapatid ko, baka gawin din sa kanya ang palaging ginagawa sa akin ni tiya. Kawawa naman siya kung nagkataon, ah basta, gagawa ako ng paraan. Babawiin ko siya kay tiya.
"LALIM NG iniisip mo ah?" Tanong ni Iyah, ka-grupo ko sa oral communication. We are supposed to practice our choral recitation pero pasado alas-singko na ng hapon ay wala pa rin kaming nasisimulan.
Hindi natuloy ang oral recitation kahapon dahil may emergency si Sir Adrian Sebastian, professor namin sa Oral Com. Binigyan na lang niya kami ng group project, we have to deliver a speech as a group at 'yon nga ang choral recitation.
Tanging sila lang ang nag-uusap-usap, halos wala akong maitulong. Tumatango lang ako sa kahit anong tanong nila.
"Any suggestion Ms. Potchy Evans?"
"Yes. I agree." Tugon ko.
"Hey, we're asking for suggestions, not your damn approval. Potcha 'to!" Iritadong pagpapaliwanag ni Sunshine, kagrupo ko rin.
"Ay sorry."
"Ano ba kasing mayro'n at parang lutang ka ngayon? Kung dadalhin mo ang problema mo rito sa school eh wala tayong magagawa nito. Look at the time, curfew ko na oh pero hindi pa ako umaalis para lang sa lecheng-"
Pinutol ni Iyah ang sinasabi ni Sunshine.
"Tama na Shine! May pinoproblema lang 'yan si Potch kaya intindihin mo na lang. 'Di ba ganyan naman talaga tayo kapag may problema? At saka, kung mag-aaway-away tayo eh lalo lang wala tayong magagawa." Si Iyah.
"Sorry talaga, sorry."
"Tsk.. stupid apologies." Humirit na naman si Sunshine.
"Tama na nga 'yan! Mag-focus na lang tayo sa gagawin natin." Pang-aawat ni Iyah.
Halos inabot kami ng siyam-siyam para lang sa project na 'to. As in literal na alas-9 na kaming natapos.
Hindi talaga kasi ako makapag-focus, inaamin ko ako talaga ang nakapagpabagal ng pagpa-practice namin. Paulit-ulit kami mula simula hanggang sa katapusan.
Wala ako sa concentration dahil si Hyuna lang ang tanging umiikot sa utak ko kanina pa. Mula sa part-time job ko hanggang dito sa school, wala na talaga akong ibang inalala kundi kung papaano ko maitatakas si Hyuna sa malupit kong tiya.
BINABASA MO ANG
dummies
Science FictionThe girl who was a creation out of intelligence, of madness, and discovery. The boy who was tasked to guard her secretly. An innocent child. The mother who went mad. The hell-bent of a greedy father. The artist who was there to save the day. The unk...