Chapter 36: Dracula
Potchy's POV
TODAY IS Saturday. Two weeks it had been, since nag-decide akong mag-Chemistry na lang, hindi na Engineering. Bombarded kami ngayon ng iba't ibang scholarly activities.
Umaga, mainit ang sikat ng araw pero mas nananaig ang init ng tensyon dito sa function hall ng law department. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa 'to? Chem naman ang pinasok ko, hindi Law!
Malawak ang function hall, enclosed and silid dahil air conditioned, may mga speaker sa paligid na nakakonekta sa mga mikropono na nasa center stage, may dalawang podium sa bawat gilid ng elevated stage.
Nakaayos na ang lahat para sa debate session ngayong araw. Ayun, hindi ko alam na ganito pala kahirap ang pinasok ko.
"Sandro Nashima." Tawag ng aming professor sa aking kaklase.
Pormal na tumindig si Sandro, chin up and chest out na akala mo pulis. Walang lingon lingon, dumiretso kaagad siya sa stage at tumayo sa left podium.
"Pamela Dimalugi." Tawag naman sa kanyang magiging katunggali.
Katulad ng unang tinawag, kitang-kita ang confidence ni Pamela, halatang ayaw magpadaig sa kalabang debater.
Kahit paulit-ulit ay muling ipinaliwanag ang rules ng debate. Wala naman akong ibang narinig kundi walang personalan, eh kasi naman, na-discuss na namin ito, no need para ulitin na naman.
Nanatili akong tahimik na nanonood sa mga nangyayari. Habang tumatagal ang debateng nangyayari ay lalong lumalakas ang boses ng magkatunggali sa unahan. May kung minsang napapasigaw rin ang mga kasamahan kong nanonood.
"... am I right, fellows?" Kumbinsi sa amin ni Sandro, nagsigawan naman lalo ang mga kaklase ko.
"Shame, folks! Bla bla bla" Depensang tugon ni Pamela.
Tuloy-tuloy lang ang mistulang bangayan sa unahan. Nakaramdam naman ako ng kaunting kirot sa aking tiyan, hindi ko alam kung bakit. Kinapa ko ang aking tiyan, ilang sandali pa ang lumipas ay parang nanigas ang aking mga binti. Natuod ako sa aking kinauupuan kaya direkta akong nakatingin sa unahan.
This isn't good. My eyes are glowing again.
Minadali kong yumuko habang tinatakpan ng aking kanang braso ang aking mga mata. Mabuti't lahat ng kanilang concentration ay nakatuon sa mga nagsasalita sa unahan kaya walang gaanong nakapansin.
"Ano 'yon?" Bulong ng aking katabi sa isa pa niyang katabi.
"Akala ko ako lang ang nakapansin, 'yung liwanag ba?" Sagot naman nito.
Patuloy pang nagbulungan sa paligid. Hindi ko na ito gaanong pinansin, baka lalo lang nilang mahalata na galing sa akin ang liwanag. Kailangan kong tumakas!
"I SAW that." Mabilis akong napalingon sa aking gilid. Matapos kasi ng pangyayari ay mabilis akong nagtatakbo upang makaalis sa function hall. Nandito ako sa labas ng main gate ng school.
Sandro? Bakit niya ako sinundan?
Umiling-iling ako kahit 'di ko gaanong narinig ang sinabi niya.
"I saw that." Pag-uulit siguro niya sa sinabi niya kanina.
What? Anong sinasabi niya? "You saw what?"
"Your eyes glowed, I think." Patay! Anong isasagot ko sa kanya, akala ko walang gaanong nakakita - mali pala. Teka lang, bakit 'di man lang siya nagulat? O kaya, bakit walang bago sa nakita niya dahil casual niya lang na sinabi sa akin? This man must be something.
BINABASA MO ANG
dummies
Science FictionThe girl who was a creation out of intelligence, of madness, and discovery. The boy who was tasked to guard her secretly. An innocent child. The mother who went mad. The hell-bent of a greedy father. The artist who was there to save the day. The unk...