Chapter 13: Animals
Potchy's POV
MARAMI KAMING nagsisakayan dito sa jeep kasama ang iba pang mga tao na alam kong galing din sa apartment. This world is so damn busy, wala na sigurong tao ang tulog-tulugan sa pansitan, lahat may kanya-kanyang pinagkakaabalahan, lahat may kanya-kanyang agenda sa buhay.
We are born with purpose. We are born with goals settled in our minds. Tomorrow is the place where most people think is perfect.
Oo nga naman, lahat tayo pinaghahandaan ang kinabukasan, kaya minsan we forgot to live just in the moment.
"Lima na lang puno na!" Sigaw ng barker na naka-assign dito sa apartment.
May nagsidatingan na pitong lalaki kaya nakaupo ang lima sa malapit sa labasan at dalawa ang sumabit.
Sa aking katapat ay may mag-ama, hawak ng ama ang kanyang anak na babae na sa tingin ko ay nasa limang taong gulang pa lamang. Napaisip tuloy ako, nasaan kaya ang aming ama. Wala kasing naikuwento si mom tungkol sa kanya.
Bago niya kami iniwan ay wala siyang sinabi tungkol sa kanya.
Puro lamang pagpapaalala na lagi ko raw aalagaan ang kapatid kong si Hyuna. I know it is my obligation, hindi na niya kailangang paulit-ulit na ipaalala pero siya, bilang ina, siya ang may lubos na obligasyong dapat gampanan.
But it's over! Matagal na siyang umalis.
Kung mayroon nga talaga akong ama, buhay man siya o patay, paano kaya siya magmahal?
Katulad din kaya siya ng mga ama sa mga teleserye, o sa mga librong nababasa ko na handang pumrotekta sa kanyang mga anak?
Kumunot ang noo sa mga iniisip ko ngayon, ano ba self? You are turning to be a drama queen!
Tumunog na ang jeep hudyat na aalis na ito.
Mabilis ang takbo ng jeep kaya madali lang akong nakarating sa bahay ni Mama Levi.
Hinila ko ang lubid sa itaas kaya tumunog ang busina, ibig sabihin ay pumapara na ako. Iniabot ko ang bayad sa ale sa aking unahan. Umirap pa 'yong ale at parang ayaw niyang tanggapin ang responsibilidad na nakaatang sa kanya. Kapag nasa unahan ka kasi, obligado kang kunin ang ano mang bayad na iniaabot sa 'yo ng mga katabi mo.
Umirap din ako dahil nakakainis ang ekspresiyon na nakaguhit sa mukha niya. Sarap sabunutan, gosh! Pero wala akong time, mas importante ang pupuntahan ko kaysa patulan ang babaeng 'yon.
Bababa na ako nang hawakan ng lalaki ang aking kamay, siya ay isa sa pito kanina na huling sumakay.
Inalalayan niya ang pagbaba ko kahit alam kong kaya ko naman, kung malandi lang ako, matagal na akong kinilig sa ginawa niya.
Average-looking 'yong lalaki. Pormal ang suot niya at halatang disente rin ang pagkatao niya. Gaya nga ng sinabi ko, I have this special ability na kayang kumilatis agad ng tao.
Hindi pa ako nagkakamali maliban na lang sa isang pagkakataon.
Madali kong nahusgahan si Dreihan noon nang makita ko siyang kasama niya si Hyuna habang umuulan.
Siya ay 'yong may maamong mukha, matayog ang tindig at matikas ang lakad. Iniisip kong may kakaiba sa lalaking ito.
Pero hindi pa man lubos na kilala ko siya ay nagbago ang pagtingin ko, iniisip kong knight in shining armor ko siya. Being this so ideal description of him makes me feel peculiar.
I'm not in the fairy tale kind of story kaya dapat bawasan ko ang mga ganitong kaisipan.
Tumawid na ako sa isang pedestrian lane at dahan-dahang tumungo sa bahay ni Mama Levi.
BINABASA MO ANG
dummies
Ficção CientíficaThe girl who was a creation out of intelligence, of madness, and discovery. The boy who was tasked to guard her secretly. An innocent child. The mother who went mad. The hell-bent of a greedy father. The artist who was there to save the day. The unk...