Chapter 18: Nightmare
Potchy's POV
PARANG MAY yumuyugyog sa akin. Mabigat ang aking pakiramdam at ramdam ko rin na mayroong nasa tatlo o apat na taong bumubuhat sa akin. Alam kong gumagalaw kami dahil nakasilay ang aking ulo kasabay ng pagsayad ng aking maiitim at napakahabang buhok.
Ilang sandali pa ay tuluyan ko nang naramdaman na ibinaba na ako nito. Para akong nasa matigas at napakalamig na semento. May hindi ako kaaya-ayang naaamoy. Mga malalansang dugo at tila nabubulok na laman.
Hindi ko pa naididilat ang aking mata pero ang tanging nagawa ko ay ang gumulong. Paunti-unting distansiya lang ang aking inaabot dahil sa wala pa akong sapat na lakas, nanginginig ang tuhod ko siguro dahil sa dama ko na ang gutom. Ang aking sikmura ay kumakalam na sa gutom. Damn! I'm starving to death!
Pansamantala kong hinawakan ang aking tiyan sa kasamaang palad ay lalo akong namilipit sapagkat mas lalo lamang itong sumakit.
Oh God! Help me, help me please. I don't know for how many times I've spoken to God for I badly need His help. Mercy is all His.
I deeply sighed at nagkunwaring wala akong nararamdamang sakit. I remembered the thing my mom said to me when she is not gone yet, she said that most of our fears, our what we call weakness are just pure psychological. It only speaks in our mind but it doesn't actually influence our physiological aspect.
Muli kong inulit ang magpagulong-gulong. May kung ano sa akin na nagsasabing gumulong lamang ako, ewan ko ba, basta! "Aaaah..." Napa-ungol ako sa sakit pero alam kong hindi ito gaano kalakas dahil na rin sa wala pa ako sa aking wisyo. Pero nakatulong ang pagbagsak ko sa nasa isang metrong taas dahil nabuhayan ako, naalog ang buong katawan ko. Naalog ang utak ko! Naging dahilan ito para bumalik sa normal ang lahat.
Unti-unti akong dumilat, blurry pa ang paligid.
May natatanaw akong walong binti na nakasuot ng itim na pantalon at itim na leather shoes. Naka-tikas pahinga ang mga ito, mayroon kasing espasyo sa bawat binti nila.
"Ano kayang gagawin ni madam sa babaeng 'yan? Anong meron diyan?" Malalim ang boses nito, masasabi kong mahina lamang ang pagkakasambit niya pero sobrang lakas nito sa aking pandinig dahil sa nakahiga ako at ramdam ko rin ang vibration nito sa sahig. Fuck! Nasaan na naman ako? Wala na bang katapusan ang mga nangyayari sa akin?
"Balita ko, anak daw 'yan ng kalaban natin."
So, ibig sabihin kalaban nila ang mga magulang ko? Ano naman kaya ang kasalanan ng pamilya ko sa kanila? Siyempre wala akong alam, ano bang alam ko eh sobrang bata ko pa nang iwan kami.
"Pero bakit naman niya kinuha siya? Ano namang makukuha niya sa pag-kidnap sa babaeng 'yan?" Batid ko ang hindi nito pagsang-ayon sa pagkidnap sa akin marahil na rin siguro sa tono ng pagsasalita nito.
"Some kind of game? Maybe she wants to play, alam mo naman si madam mahilig sa mga laro." Ngumisi ang lalaking sumagot at parang alam na alam niya ang kalakaran sa lugar na ito. "Hindi naman 'yan ipapakidnap ni madam nang walang dahilan, siguradong may gusto siyang mangyari. May gustong siyang patunayan."
Biglang humina ang mga boses nila na halos magbulungan na lang ang mga lalaki. Eeeeeeeeeeengggg! Nakakabinging tunog ang namayani sa utak ko? Am I hearing weird noises now? I know it can't be, matino pa naman akong nakakapag-isip sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
dummies
خيال علميThe girl who was a creation out of intelligence, of madness, and discovery. The boy who was tasked to guard her secretly. An innocent child. The mother who went mad. The hell-bent of a greedy father. The artist who was there to save the day. The unk...