Chapter 6: Strange Scent
Potchy's POV
"BYE MAMA Levi!" Paalam ko sa kanya saka ngumiti. I hugged her tight trying to absorb her warmth and care. I miss this feeling, the feeling of having a mother again. I sighed.
Itinuon ko ang atensiyon ko kay Hyuna. "Bye baby boo! May pupuntahan lang sandali si ate ah kaya dito ka muna sa bahay ni Mama Levi." Maikli kong paliwanag saka ko hinawakan gamit ang aking mga kamay ang magkabila niyang braso.
"Baby boo?" She frowned. "What do you mean, ate?" Lalong umasim ang ekspresiyon ng kanyang mukha. Tumitig siya sa akin, isang napaka-inosenteng aura ang aking namasdan.
Muli akong napangiti. Bahagya akong lumuhod upang maging magkasing pantay ang taas namin.
"Ikaw Hyuna ah, umi-English ka na rin." Kinurot-kurot ko ang kaliwang braso niya. "Baby boo. Haha, 'yan na lang ang itatawag ko sa 'yo. Okay? Cool kaya."
"Okay." Ibinaba niya ang kanyang tingin. Halatang hindi pa rin maintindihan ang nais kong iparating.
"Mmm... nakakagigil ka talaga." Sa pagkakataong ito'y ang kanang braso naman ang aking kinurot.
"Ouch." She responded through her undertone voice. Tila pinipigilan niyang ipakita na nasasaktan siya.
"Aba, teka. Hindi ba nandito 'yon?" Tanong ko.
"Ang alin ate?" Humarap siya sa akin.
Hindi na ako sumagot at sa halip ay itinaas ko ang laylayan ng tela sa bahagi ng kanyang braso.
"Uhmm... mabuti naman at umaayos na ang lagay nito." Para akong nabunutan ng tinik nang makita kong umayos na ang lagay ng braso niya na kamakailan lang ay pulang-pula dahil aniya'y nasidsid daw. "Oh siya, aalis na si ate ah. Bye baby boo!"
Marahan akong naglakad palayo. Unti-unting tumulo ang aking mga luha. Paisa-isang itong pumapatak at ramdam kong nababasa na ang aking damit. Ilang sandali pa'y bumilis ang pagbagsak nito.
Masakit para sa akin na iwan ang kaisa-isa kong kapatid. Buo na ang loob ko, oo, ipinaaampon ko si Hyuna kay Mama Levi. Noong una ay nahirapan akong kumbinsihin ang aking sarili. Alam kong napakabigat na desisyon ang ginawa ko.
It breaks my heart, no honestly, it tears me into pieces. I found myself useless and damn freakily stupid. Anong klase akong kapatid para ipamigay siya? Pero kahit anong pilit ko'y hindi ko kayang ibigay ang pangangailangan ng isang bata, maging ito man ay di-materyal o materyal na bagay. I know I'm not enough.
Inisip ko na lang na masakit man ay kailangan ko itong tiisin. I don't want to be selfish, para ito sa ikabubuti niya. Kahit alam kong mabuti ang lagay niya sa akin pero iba pa rin ang alaga ng isang ina at alam kong mas magiging maayos iyon kung iiwan ko siya.
I know even to protect her is such a hard thing.
Babalik ako, babalikan ko siya. I promised to myself while trying to calm down. Hinugot ko ang panyo mula sa aking bulsa saka pinunasan ang mga luha ko.
Hindi dapat ako umiiyak, gaya ng sinabi ko'y ikabubuti niya ang inaalala ko.
Pagkarating ko sa labas ay inayos ko ang aking damit habang naghihintay ng jeep. Kailangan ko ng puntahan si Dreihan, magkikita kami ngayon para pag-usapan ang pagbaba ng grado niya.
BINABASA MO ANG
dummies
Science FictionThe girl who was a creation out of intelligence, of madness, and discovery. The boy who was tasked to guard her secretly. An innocent child. The mother who went mad. The hell-bent of a greedy father. The artist who was there to save the day. The unk...