t w o

56 3 0
                                    

Two: Napkin

Georgia

Andito ako ngayon sa Watson. As usual  abala ako sa pamimili ng mga anek anek sa aking mukha pero hindi naman sa mga make-up make-up na yan. Sapat na ako sa mga simpleng sabon at mga daily routine para mapakinis ko ang aking balat.

Habang nasa section ako ng mga pampalambot ng buhok ay di ko sinasadyang may natabig akong isang bote ng Keratin at aksidente itong bumagsak sa isang tao.

"What the-- Hey!" sigaw nito at sakto namang madami daming tao dito kaya medyo naka agaw kami ng eskena.

"Miss sorry, sorry di ko sinasadya" paulit ulit kong sabi at may pa vow pa akong ginagawa.

"Sorry!? Anong akala mo sa kin basta basta lang tumatanggap ng Sorry?!"  galit na galit nitong sabi at dinuduro-duro pa ako.

Unti-unti na ring dumadami yung mga tao dito sa amin at may mga nagbubulangan na. Juskoooo kainin na sana ako ng lupa. Di ko na alam gagawin ko. Help meeeee

"Uhm Miss, Sorry na talaga di ko naman sinasadya e. Di ko talaga sinasadya. Sorry Sorry" paulit ulit kong sambit pero tila di siya nakikinig sakin.

Akma niya na sana akong sasampalin ngunit may dumating na parang manager yata at sinaway kami. Oh Thanks God!

"Ehem. Excuse me. May I disturb you both Miss? Sabi nito pero hindi pa rin nagpatinag yung babae at patuloy pa rin akong binubungangaan.

"Kung mamarapatin lang ho sana, pede bang parehas na lang kayong umalis dito sa stall? Nakaka abala na kayo eh" pagpatuloy ni Kuyang Manager.

"And who are you to command me?! And Im sure hindi mo ako kilala at ginaganyan-ganyan mo lang ako dito!?" aba si ate wala talagang sinasanto. Halos lahat na ngayon tuloy ng tao nakatingin sa amin pati na rin yung sa mga labas.

Asan na ba kasi yung Guard dito? Kanina nag iikot-ikot lang yun ah, bakit ngayon bigla nalang nawala.

"And who are you to treat me like that? Hindi mo din ba alam na Im the Manager here Ma'am?!" medyo galit na din si Kuyang Manager. Kasi halatang naiinis na ito kay Ate.

Kukunin ko na sanang pagkakataon to para umalis pero napansin agad ako ni Ateng War freak at akmang susugudin niya na naman ako.

Hinihintay ko nalang na sabunutan niya ko pero ilang segundo na rin ang lumipas pero hanggang ngayon di pa rin ako nasasaktan.

"Miss pwede ba? Tigilan mo na to, nakaka abala ka na din ng tao at hindi mo ba napapansin na gumagawa ka na ng eskandalo dito?"

Napatingin naman ako sa estranghero sa harapan ko. Hinarangan nya pala ako mula kay Ateng Warfreak. Di ko naman siya masyadong maanigan kasi nakatalikod siya sakin at medyo matangkad din siya kaya diko nakikita ang mukha niya.

"Wait! What!? Prince is that you?!" gulat na tanong ni Ateng Warfreak.

"Yes and if you're done now, can we just leave?" walang emosyon sabi nito. At akmang hahawakan niya ko sa braso pero pinigilan na naman siya ni Ate. Ano bang problema nito at galit na galit siya sa akin.

"Waaaait! Did you know her?! Dont you sa---"  napatigil na lamang ito dahil kinaladkad na nga ako ni Kuyang Estranghero.

"Princeeeeee! Did you hear me?! Hellooo! Im right here!?

"Please Shut up Aila! Inisstorbo mo na kami ng Girlfriend ko hindi mo ba nahahalata yon? And please lang tumigil ka na kasi hindi kana nakakatuwa." Nagulat ako sa sinabi ni Kuyang Estranghero dahil sinigawan na niya si Ate. At hindi lang dahil doon dahil sinabi pa niya na Girlfriend niya daw ako? E ni isang ex nga wala ako eh.

Nakalabas na naman kami ni Kuyang Estranghero at di ko alam kung saan niya ako dadalhin. Kaya tumigil nalang ako basta sa paglalakad at nagulat naman siya kasi hanggang ngayon hawak niya pa rin yung braso ko. And napapagod na rin ako sa paglalakad.

"Uhm Excuse Me Mister, Thank you pala kanina kasi kung di ka dumating malamang na giyera na ako ni Ate. Pwede mo na naman akong bitawan eh. Thank you talaga" pagpapasalamat ko pero hindi naman siya natinag at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Kaya nakaladkad na naman ako.

"Hey! Mister naririnig mo ba ako. Sabi ko pwede mo na akong bitawan. At Thank you uli." pero tila wala siyang naririnig sa akin at patuloy pa rin sa paglalakad pero miya-miya tumigil na rin kami. Hays salamat naman at natauhan na rin si Kuya.

"Can you please shut up?" walang emosyon nitong sabi. Nagulat naman ako doon sa sinabi niya.

"What? Anong shut up ka diyan? Ikaw na nga tong pinasasalamatan eh tapos sasabihan mo pa ako ng shut up diyan!?" Nakakainis ba naman kanina pa kasi ako naglalakad tapos sasabihan niya lang ako ng shut up?

"Please lang ah, pwede naba akong umalis tutal nag Thank you naman na ako sayo." aalis na sana ako kaso pinigilan niya na naman ako. Kaso sa pamamagitan ng pagyakap niya sa likod ko at nilagay niya pa yung ulo niya sa balikat ko.

Nagulat ako sa ginawa niya at hindi rin ako masyadong makagalaw dahil first time lang nangyari sa akin yun at sa taong di ko pa kilala.

"Please. Wag ka munang umalis" nagbago na yung boses niya at naging malumanay na.

"W-why?" nauutal kong sabi kasi naiilang pa rin ako at nakikita kong may nakatingin na samin kasi nga you know nasa Pilipinas tayo at hindi tayo open pagdating dito.

Iniharap niya naman ako sa kanya at marahang yumuko para magpantay kami ng height, di naman sa maliit ako pero syempre sobrang tangkad niya kasi e. Model ata toh. At sa pagkakataon na yon mas lalo kong natitigan ang kanyang mukha. Grabe perfect pa sa perfect yung mukha niya. Buhok niyang sing itim ng uling, mga mata niyang kulay brown, ilong ng isang foreigner (hehe, tangos kasi eh) at higit sa lahat ay ang mapula niyang labi na parang nalunod sa liptint. Oh diba perfer--

"Hey I need your help, please" nahinto naman ako sa pagtitig sa kanya kasi nagsalita siya mismo sa harapan ko. Omoooo!

"H-hah? Ahh eeh ano bayun? nauutal kong sabi kasi nga ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Isa pa baka maamoy niya hininga ko baka mabaho kahiya pa.

"I said, help me. Buying some stuff" huh? Ano naman kaya yun? E mukhang kaya na niya naman yun e.

"Ano ba yun? Di ko gets eh." pagtatanong ko pero sa pagkakataon na yun lumayo na ko sa kanya kasi nahihiya na rin ako e. Ang tagal na namin sa posisyon na yun.

"Uhm, can you? C-can you please buy me a napkin?" nahihiya pa nitong sabi.

Wait, ano daw? Napkin as in napkin? Yung Modes ba? Teka, baka nagkakamali lang ako ng intinde. Pero sabi niya napkin daw eh. Ano ba siya Transgender? Sayang naman. Gwapo sana.

"W-what do you mean napkin? A table napkin ba?" takang tanong ko, umaasa ako na um-oo siya kasi pag hindi, aba goodbye fafa na! Huhuhu.

"No" nanlaki mata ko pagkarinig ko ng 'No' niya. So ibig sabihin, Modes nga? Goodbye Fafa na talaga.

"So you mean, Modess? Charmee? Those Days? Like that?" sunod sunod kong sabi kasi mukhang hindi niya gets.

"I dont know, basta ang alam ko napkin but not the Table Napkin" medyo nahiya siya sa sinabi niya at medyo tumalikod ng onti. Teka nga lang naguguluhan ako eh.

"So anong napkin ba kung hindi yun?" pagtatanong ko uli.

"Basta Napkin! I dont know what exact is. Sabi lang sakin without wings." Ahhhh so gets ko na hahahaha. Napkin nga talaga. And take note without wings pa!

So nagmadali na kaming pumunta sa Grocery Store kasi nga baka pag sa Watson kami hindi na kami papasukin.

Binili ko nalang lahat ng brand ng napkin at lahat ng yun e 'No wings'.

**************

VOTE Guys :)

The Vamps Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon