f o u r

47 2 0
                                    

Four: Having an interest (I) 

Georgia





Tahimik kami ngayong nakain sa bahay na binili ni Mam Elizabeth which is yung kalapit na bahay lang namin, ni isa samin walang balak magsalita at mukhang natatakot na gumawa ng kahit anong ingay.

 

Pagkatapos kasi ni Mama lutuin ang pagkain ay nagpresenta na si Mam na doon nalang ganapin ang salo-salo.



Kumpleto kaming Pamilya na pumunta dito pwera lang ang aking Tatay dahil nangibang bahay na siya.



"Ahem! Salamat nga po pala ulit Mam Elizabeth sa pagbili at pagpapatuloy dito sa bahay." pagbabasag ni Mama sa katahimikan.



"No problem Ria" naka ngiting tugon naman nito. "At wag mo na din akong tawaging Mam, just call me Elizabeth, Liza or Beth or anything that you feel comfortable"





"Ahh hehehe, sigi po Mam Liza... Ayy Liza pala"



Ngayon ay nagtatawanan at nagku-kwentuhan na kaming lahat. Kasama naman ni Mam Liza ang kanyang anak na si Lian at ang asawa nito na tahimik lang na kumakain.



"Honey, nasan na ba ang isa mong anak? Kanina pa siya umalis ah?" pabulong na tanong ni Mam Liza sa Asawa niya pero nagkibit balikat lamang ito.



Nadinig ko naman ito kahit na medyo malayo ako sa kanila.



Dahil sa pahabang rectangle ang style ng kanilang lamesa, nakaupo sa gitna ang asawa nito at nasa right side naman si Mam Liza katabi ang Anak nitong si Lian



Nasa tapat ni Mam Liza si Mama at katabi niya ang tatlo kong kapatid habang ako ang nasa dulo nila.



"Oh andiyan ka na pala Prince my son, halika't sumabay ka na sa amin"



Napatigil ako sa pag-nguya dahil may tinawag si Mam Liza mula sa likod ko at paglingon ko, namukhaan ko agad kung sino yun.


"Siya yung kaninang lalake kanina ah?... yung nagpabili ng Napkin?" bulong ko lang sa sarili ko.



Sinundan ko siya ng tingin hanggang maka upo siya sa tapat ng kapatid ko. Si Johanna.


"Huwooooow! Si Kuya Prince?! Anak niyo si Prince JohnLord!?"


Napatingin naman kaming lahat sa kapatid ko dahil bigla na lang siya sumigaw at nagtititili sa gilid. Pero nginitian lamang siya ng Mama nito.


"Ssshh! Anak ano ba yan? Ang ingay mo itigil mo nga yan" pagsaway ni mama sa kanya.




"Diba! Diba! Ikaw si Kuya Prince!?" mabilis na tanong nito sa kanya. Pero tiningnan at tinanguan lang niya ang kapatid ko. Ano toh? Kilala na siya ng kapatid ko? Sino ba siya?


"Son where have you been?" alalang tanong ng kanyang nanay sa kanya.


"Just walking around" tipid na sagot nito.


"Ok" pagsang-ayon naman ng kanyang nanay pero nangunot lang ang noo ko. 'Just walking around' eh parang kasama ko nga siya kanina? Or hindi siya yun? Pero siya talaga eh.



Tinawag ni Mam Liza ang isa nilang kasambahay para paghandaan ng pagkain ang anak nito. At nagpatuloy na ulit kami sa pagkain. Nakamasid lang ako sa kanya pero paminsan-minsan ay napapansin kong napapatingin siya sa kin pero pasulyap lang.


The Vamps Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon