ELEVEN: NEW POWER
GEORGIA
Nagulat na nalang ako ng pagkagising ko ay nasa Kwarto ko mismo na ako nakahiga. Sabi nila mahigit isang araw daw akong tulog. Pwede pala yun?
Kaya pala ang sakit ng Katawan at Ulo ko. Feeling ko hinagis ako kung saan eh.
"Im Sorry" nagulat nalang ako dahil may biglang nagsalita sa tabi ko. Wait, pano siya nandito?
"Kanina ka pa?" pag iiba ko baka kung saan pa kami mapunta eh.
"Actually, Since Yesterday pa ako nandito. But dahil gising kana aalis na ako" Hala. Kahapon pa siya andito? Nakakahiya naman. "W-wait... Thank you..." pagpipigil ko sa kanya. "...pwede bang dito ka muna?" nabigla din ako sa sinabi ko. Kaya wala na kong nagawa dahil humiga naman siya agad sa kama ko. Abaa! Kapalmuks ah.
"U-uuy! Umusud ka doon, malalaglag na ako" tinulak ko siya ng tinulak kasi ba naman sobrang dikit na sakin tapos sa iisang kama pa kami, baka mamaya pumasok si Mama tapos pag isipan pa kami ng kung ano ano. Teka alam kaya ni Mama toh?
"U--uyy usud na doon, pagtayo nakita ni Mama mapapagalitan ako nun"
"I don't Care..." Abaaaa anong I don't care pinagsasabi nito!? "...In fact, siya nga ang may sabi na bantayan kita.
"Weeeeeh? Si Mama, magpapapasok ng kung sinong Lalaki sa bahay namin? At take note, sa Kwarto ko pa?!"
Imposible yun. Manliligaw pa nga lang eh ilag na mga Lalaki samin tapos ngayon bigla nalang may Lalaki sa Kwarto ko.
Abala ako ngayon sa paglalagay ng Unan sa pagitan namin. Baka mamaya maabutan pa kami ni Mama na magkatabi eh. At ang Mokong alam niyo anong ginagawa? Ayun, nakadapa lang naman at prenteng natutulog. Kapalmuks talaga!
"Anaaaaaak! Georgia... gising ka na pala?" naihagis ko tuloy yung Unan kay Prince dahil may nagsalita nalang sa gilid. Bakit ang hihilig ng mga tao ngayong manggulat?
"Kanina ka pa diyan Ma?" pagtatanong ko. "Medyo... ang ingay niyo kasi baka kung ano na ginagawa niyong kalokohan eh" Tignan mo tong si Mama, siya nga nagpapunta dito tapos pag iisipan pa ako ng ganoon.
"Si Mama naman.... Makababa na nga lang, maliligo na ako"
Sumabay na ako kay Mama bumaba at naghanda na ng pampaligo ko. Nagpaalam din si Mama sa akin na aalis siya pero diko alam kung saan pupunta. Binilin niya sakin na sunduin ko nalang daw yung dalawa kong Kapatid kasi mag uuwian na din sila mamaya.
"Oooh, alis na ako ah. Yung bilin ko huwag mong kalimutan" pag uulit niya.
"Si Mama naman, kalalaking tao ng mga Kapatid ko pinapasundo pa sakin... Tsaka Grade Six at Grade Four na yung mga yun, kaya na nila Bayag ay este Sarili nila"
"Heeeeh! Tumigil ka! Sunduin mo pa rin sila. Uso ngayon Kidnap. Oh siya, Aalis na ako..." at umalis na nga si Mama. "...Tsaka si Lord Pri-- ayy si Prince ah. Pag gumising siya paghanda mo ng pagkain"
At tuluyan na ngang umalis si Mama. Okaaay ginawa na nga akong Yaya tapos pati Chef banaman. Bahala na nga. Makaligo muna nangangamoy na rin ako eh. Kakahiya hehehehe.
**********************
PRINCE
Kanina pa ako gising. Actually gising naman talaga ako at hindi rin ako natulog nagkunwari lang ako para makatabi ko si Georgia, hehe. Ooh! Don't get me wrong! Wala akong balak na masama.
BINABASA MO ANG
The Vamps Next Door
Vampire"Teka. Bampira ka? As in Vampire? Yung sumisipsip ng dugo? Tila ba nahirapan ang dalaga sa paghinga dahil sa nakita niya kaya nilapitan ito ng estranghero pero tinulak siya lamang nito. "Dont worry, I won't bite you" **************...