Bawat nilikha ng diyos na may buhay ay kailangan ng tunay na pag-ibig.Katulad ng halaman, kapag hindi na ito naalagaan ay nalalanta ito at namamatay. Ganoon din ang hayop.
Pero, mas masuwerte na nilikha ng diyos ay ang Tao, bakit? Dahil, kaya nilang maglakad, kaya nilang gawin lahat ng gusto nila sa buhay at kahit na masaktan sila ng kanilang tunay na pag-ibig ay hindi basta-basta naglalaho.
Ako si Elena, isang serena. Marami sa kauri ko ang mas pinipili na maging tao kahit ipinagbabawal na ito sa mga lahi namin.
Serena na siguro ang pinaka-nakakaawang nilalang sa mundo, ang pinahirapan ng diyos. Bakit? Kasi bawal kaming umibig sa kahit na sino. Lalong lalo na sa tao.
Maraming Serena na naging sawi dahil, hindi nila nakuha ang tunay nilang pag-ibig at sa huli para silang naging bula na tuluyan nang naglaho sa mundo.
Maari lang kaming mag-mahal kung sa kauri namin na Sereno.
Pero, kung yaman ang paglalabanan, walang makakatalo sa yaman ng Serena. Ang isang kaliskis ng Serena ay ipinagbibili ng isang million.
Subalit, kapag maubos ang kaliskis ng Serena ay mamamatay ito at hindi na muling makikita pa.
Sa kasaysayan ng mga Serena ay may isang nagtangkang umibig sa tao at sobra niya itong minahal kahit na hindi siya mahal ng tao. Ang tanging mahal lang ng tao ay ang mga kaliskis at perlas na binibigay dito. Nagpakasal ang dalawa kahit hinang-hina na ang Serena. Alam niya sa sarili niya na hindi siya mahal ng tao, pero itinuloy niya pa rin ang kasal hanggang sa tuluyan na siyang maging bula at naglaho sa piling ng taong kanyang inibig.
Hindi ko talaga pinangarap na umibig sa tao dahil, sa nalaman kung kasaysayan ng Serena at ang tao na yun.
Ayoko pang maglaho at ayoko ring maging bula. Bata pa ako noh!
Pero, paano kung umibig ako sa tao at naging katulad ng nasa kasaysayan?
Paano kung maging ga'nun ang kapalaran ko?
I'm Smell Fishy
BINABASA MO ANG
I'm Smell Fishy
FantasyAng kuwentong ito ay hango sa babaeng galing sa karagatan. Napadpad sa lupa para hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig.