#Disaster
-ELENA POV-
Matapos akong lisanin ni Gabriel ay laking tuwa ko nang hindi niya na ako pinaalis.
"Ang saya ko, ang bait talaga ni Gabriel!" Sigaw ko sa buong bahay at nagtatatalon pa.
Namangha ako sa laki ng bahay rito at maraming gamit na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko.
Sa pag-lilibot sa aking mata ay nakaramdam ako ng gutom.
Aray, ang sakit ng tiyan ko, nagugutom na ako.
Ano kaya ang kinakain ng mga tao?
Naglakad ako para humanap ng makakain. Siguro naman may pagkain siya rito.
Naglakad ako patungo sa maraming naka-display na bote. Iba't ibang bote ang nakalagay, nakaayos rin ito na magkakapila hanggang taas.
Kumuha ako nang isa at mabilis na binuksan.
Pag-tikim ko rito ay namangha ako sa lasa. Ang sarap, ngayon lang ako nakatikim ng ganitong inumin.
Nilagok ko ito ng tuloy-tuloy dahil sa sobrang sarap. Hanggang sa maubos ko ang isang bote nito.
"Grabe, sobrang sarap! Woooh!" Sigaw ko.
Kumuha pa ako ng isa at ininom ulit.
Hanggang sa naulit pa ng naulit.
Halos, sampong bote na ang aking nauubos, pero gutom pa rin ako.
Tumayo ako para humanap pa ng makakain ngunit, biglang nag-iba ang paningin ko. Pasuray-suray na rin ang lakad ko.
Anong nangyayari sa'kin? Bakit, umiikot lahat ng bagay?
-GABRIEL POV-
Matapos kung maipasa ang mga documents ko sa secretary ko ay nagmadali akong bumalik sa kotse, para makabalik agad sa bahay.
Naisip ko na baka mali ako na nagtiwala agad sa babaeng 'yon.
Nang makauwi ako ay pinarada ko agad ang kotse sa harap ng bahay at mabilis na binuksan ang pinto.
Pag-bukas ko ay nakita ko itong pagewang-gewang kung maglakad, napako ang tingin ko nang makita ko ang mga wine na wala nang laman.
What the heck! Ang mamahal ng mga wine na 'yan, galing pa sa iba't ibang bansa ko 'yan binili.
Nilapitan ko ang babae at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
"What you have done?" Pagalit ko. "Did you know, how much so expensive a single of that wine?" Pasigaw ko at tinuro ang mga bote ng wine na inubos niya.
Arrg! Tao ba siya? Paano niya naubos ang ganoong karami ng wine?
"Hin-(hik)-di kita ma(hik)intindihan, kaya (hik) wag mo (hik) akong kausa(hik)pin sa (hik) ibang lenguwahe (hik)." Saad nito.
"Arrg! Pasalamat ka babae ka!" Sigaw ko. Agad ko itong binitawan at pumunta sa mga bote ng wine para iligpit.
BINABASA MO ANG
I'm Smell Fishy
FantasyAng kuwentong ito ay hango sa babaeng galing sa karagatan. Napadpad sa lupa para hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig.