-ELENA POV-
"Elena, Elena!" Gising sa'kin ni Eloisa.
Argh! Ang sakit pa ng mata ko eh. Pilit kung binangon ang katawan ko kahit na pasuray-suray ito.
"Puyat ka ba?" Tanong nito.
"Oo, napuyat ako eh." Kunot noo kung sagot.
"Tirik na ang araw, hindi ka ba papasok kay Delfan?" Saad nito. "Tara na male-late na tayo." Pagpapatuloy nito.
Hinila niya ako palabas ng bahay ko, hanggang sa makarating kami sa kalaliman ng dagat.
Nakita ko ang iba pang mag-aaral na mga Sereno at Serena kasama ang mga isdang lumalangoy-langoy sa paligid.
Ito ang lugar na tinatawag na Serif, na kung saan nagsasanay ang bawat Serena at Sereno ng kanilang angking kakayahan.
Syempre hindi mawawala ang guro, si Delfan. Tinatawag siyang Dolphin ng mga Tao.
Bawat galaw ni Delfan ay ginagaya namin kaya marami rin kaming natututonan dito.
"Hello, Elena at Eloisa." Bati ni Elisa, ang mortal kung kaaway. "Balita ko nililigawan ka raw ni Zed?"
"Bakit? Inggit ka?" Bulalas ni Eloisa.
Biglang nagbago ang expression ng mukhang ni Elisa, kaya hinila ko palayo si Eloisa para mapaghiwalay sila.
"Ano ba Eloisa, dapat hindi mo na pinatulan si Elisa eh." Saad ko rito.
"Dapat lang 'yun, para nagselos siya." Pagtataray ni Eloisa.
"Elena, pwede ba kitang makausap?"
Napalingon kami pareho ni Eloisa nang may magsalita sa bandang likod namin.
Si Zed.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko.
Tumango lang ito at pinasunod ako sa kanyang pupuntahan.
Nang makalayo kami sa karamihan ay hinarap ako ni Zed na malungkot ang mukha.
"Siguro, alam mo naman ang agarang pagpapakasal natin?" Tugon nito.
Si Zed yung tipo ng Sereno na mabait, maraming humahanga sa ugali nito. Lalo na si Elisa, ang dati niyang kasintahan. Lagi niyang pinapaalala ang pinagkasunduan ng aming mga magulang sa malayong lugar.
"Oo, alam ko na." Tipid kung sagot.
"Mahal mo ba ako? May nararamdaman kaba sa'kin?" Tanong nito.
Hindi ko alam ang aking isasagot, ayoko naman siyang masaktan. Alam ko sa sarili ko na may iniibig na ako, at hindi si Zed iyon.
Kapag lumabag ako sa pinagkasunduan ng mga magulang namin ay tiyak ako na parurusahan nila.
"Sige, hindi muna kita pipilitin. Ayokong mag-isip kapa dahil sa walang kwentang kasunduan ng mga magulang natin." Saad nito. May sumilay na ngiti sa labi nito ngunit, bigla ring nawala.
Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigo. Gusto ko sana siyang yakapin subalit, umiwas ito at lumayo sa sa'kin.
Marahil ay nasaktan ko siya, iniisip niya siguro na hindi ko siya mahal.
Patawad Zed, may nag-mamay-ari na ng puso ko..si Gabriel.
Bumalik ako sa Serif, kung saan nagsisimula nang magturo si Delfan.
"Anong nangyari? Nasaan si Zed?" Tanong ni Eloisa.
"Hindi ko alam Eloisa, ayokong magpakasal sa kanya." Sagot ko.
Hindi ko alam na may nakarinig pala sa mga pinag-usapan namin ni Eloisa.
"So, lalabag ka sa mga magulang niyo?" Sabi ni Elisa.
"Hoy, bakit nakikinig ka sa usapan ng may usapan?" Sigaw ni Eloisa.
Mukhang naiinis na ito kaya inaawat ko si Eloisa. Marami na rin ang nakarinig kaya napako lahat ng atensyon sa amin.
"Tiyak ako na mapaparusahan ka ng inyong mga magulang." Tugon ni Elisa na may halong pagtataray.
"Manahimik ka!"
Mabilis na dumapo ang isang kamay ni Eloisa sa pisngi ni Elisa kaya pumagitan na si Delfan sa gitna namin.
"Walang hiya ka, wala kang karapatan na saktan ako!" Sigaw ni Elisa.
Galit na galit si Elisa na umalis kasama ang mga kaibigan nito.
"Hindi ako papayag na hindi ka naparusahan!" Sigaw muli ni Elisa.
"Elena, kailangan mong lumayo muna dito sa karagatan." Saad ni Delfin sa mukhang nag-aalala.
"Oo nga Elena, siguradong papatawan ka nila ng kamatayan." Sabi naman ni Eloisa.
Labag kasi sa aming mga Serena at Sereno na lumabag sa aming mga magulang. Isang kasalanan na ang kaparusahan ay kamatayan.
Karamihan sa mga Serena at Sereno ay napipilitan sa mga disisyon ng kani-kanilang mga magulang. Katulad namin ni Zed.
Alam kung mahal ako ni Zed, pero kahit minsan ay hindi tumibok ang puso ko sa kanya.
Masaya ako kapag kasama siya pero, hindi katulad ng saya nang una kung makita ang tao.
Si Gabriel.
Tulala pa rin ako at iniisip kung ano ang dapat gawin.
"Ikaw na ang bahala sa kaniya Eloisa." Saad ni Delfan. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila, dahil binulungan ni Delfan si Eloisa nang kung ano at may inabot na bagay.
Hinila ako ni Eloisa sa mababang parte ng karagatan. Maaga palang ngunit walang katao-tao sa paligid.
Wala manlang nangingisda o lumalangoy na tao.
"Halika doon tayo." Tugon nito at hinila na naman ako sa malalim na parte.
Lumangoy kami ng lunangoy hanggang sa nakalayo na kami sa aming tinitirhan.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Eloisa. Pero, alam ko naman na hindi ako ipapahamak nito at may tiwala ako sa aking matalik na kaibigan.
"Saan ba tayo pupunta? masyado na tayong malayo." Tugon ko. Habang nagpapaanod sa hila niya.
"Kay Letitia, isang Serena na makapag-bibigay lunas sa pagtakas mo." Tugon ni Eloisa.
Si Letitia? Anong lunas ang ibibigay nito? Bakit hindi ko siya kilala?
BINABASA MO ANG
I'm Smell Fishy
FantasyAng kuwentong ito ay hango sa babaeng galing sa karagatan. Napadpad sa lupa para hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig.