Chapter 3

2 1 0
                                    

#Pangalawang pagtatagpo.

-ELENA POV-

Narating namin ang sinasabi ni Eloisa na Bahay ni Letitia.

Maliit ang bahay nito at tago, halos napupugaran na rin ng mga lumot at matabang na tubig dagat.

"Handa ka na ba Elena?" Tanong ni Eloisa at kinatok ang bato na pinto.

Sa tanong ni Eloisa sa'kin ay bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko ay may kakaibang mangyayari sa'kin.

Agad na nagbukas ang pintong bato at bumungad sa harap namin ang isang Serenang babae, matanda na ito ngunit maganda pa rin.

Siya na siguro si Letitia.

"Ano ang kailangan niyo?" Saad nito.

Pinakita ni Eloisa ang bigay ni Delfan na bilog na kulay pulang perlas at nagulat ito sa kanyang nakita.

"Pumasok kayo." Saad nito at kinuha ang pulang perlas na hawak ni Eloisa.

"Maari mo bang matulungan ang kaibigan ko?" Sabi ni Eloisa.

"Anong klasing tulong ba ang gusto niyo?" Saad nito sa malamig na tono.

"Gusto kung bigyan mo ang aking kaibigan ng mga paa." Bulalas ni Eloisa habang nakatitig sa'kin.

Sa gulat ko ay pakiramdam ko na alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.

Ito ba ang paraan para makatakas?

"Ikaw si Elena hindi ba? Ang susunod na Reyna, kapag pinakasalan mo si Prince Zed." Saad ni Letitia sa mukhang walang expression.

"O-oo, bakit mo alam? Masyado kang malayo sa karagatan namin." Sagot ko. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko rito.

May kinalaman ba siya sa mga Serenang gustong maging tao?

"Letitia, wala na tayong oras. Kailangan mo na siyang tulungan." Bulalas muli ni Eloisa.

"May isa akong kundisyon." Sabi nito.

"Anong kundisyon? Kahit ano." Sabi ko.

Pilit siyang nag-isip bago sumagot.

"Sa oras na mabigo ka sa iyong ninanais, ay kailangan mong ialay ang buhay mo sa'kin." Sagot nito.

Kinabahan ako sa kundisyon na kaniyang hinihiling. Pero, kung sa kaligtasan ko at dahil gusto ko ring makita pang muli si Gabriel ay pumayag ako sa kundisyon niya.

Kailangan kung sikapin na mapa-ibig si Gabriel. Gustong gusto ko siya.

Inilagay ni Letitia ang pulang perlas sa isang maliit na garapon at dinasalan niya ito nang salitang hindi namin maintindihan.

Matapos niyang madasalan ang pulang perlas sa garapon ay nilagyan niya ito ng tali at sinuot sa leeg ko.

"Wag na wag mong tatanggalin yan kung ayaw mong bumalik ka sa pagiging Serena. Iwasan mo rin ang tubig." Paliwanag nito.

"Sige, salamat."

Nagsimula kaming umahon sa mga bato. Gabi na at walang katao-tao sa paligid. Tanging liwanag lang ng buwan ang tumatanglaw sa'min ni Eloisa.

"Elena, mag-iingat ka." Naiiyak na sabi ni Eloisa.

Nagsimula na rin akong umiyak, niyakap namin ang isa't-isa bago ako umahon sa karagatan.

"Mag-iingat ka rin Eloisa, salamat sa mga naitulong mo." Sagot ko.

Unti-unting nagbago ang hugis ng aking buntot, at tuluyan nang naging paa ito.

"Humanap ka nang masusuot mo, hindi ka maaring humarap sa mga tao ng ganyan." Paliwanag nito.

Nakita ko ang sarili ko na walang kahit na anong suot. Sabi kasi nang iba, magaganda raw ang mga kasuotan ng mga kaga-lupa.

Ngayong tao na ako ay kailangan kung gawin ang mga ginagawa nila.

Umalis na si Eloisa hanggang sa mag-laho na ito sa paningin ko. Hindi ko lubos maisip na ganito ang magiging kapalaran ko. Pero, nandito na ako. Hindi na ako pweding umatras, nakasalalay na ang buhay ko rito.

Nagsimula akong humakbang, sa una ay natapilok ako at nasubsob sa buhangin.

Ang hirap palang maging tao, ganito rin ba sila nagsimula?

Tumayo akong muli at inulit-ulit ang paghakbang. Kahit pasuray-suray ako sa paglakad ay medyo nasasanay na rin ako.

Madilim ang paligid ngunit, may isang bahay akong natatanglawan. Maliwanag ito sa loob at mukhang may tao.

Lumapit ako para makita ng malapitan ang bahay, may mga damit din na nakasampay sa labas nito. Kaya, naisipan kung kunin at suotin.

Paano ko ito masusuot? Paano nila nasusuot ang ganitong kaliit na bagay? (A/N: Panty ang nakita niya xD)

Tinapon ko ang maliit na una kung nakita at humanap pa ng madaling masuot.

Ayon, sa wakas may nakita din ako. (A/N: Daster ang nakita niya.)

Sinuot ko ang damit na mahaba at nagsimulang umalis.

Napapagod na ako at inaantok. Pero, saan ako matutulog?

Namangha ako sa aking nakita, malaking bahay at napaka-raming ilaw sa paligid. Nag-liliwanag ito katulad ng liwanag ng perlas.

Pinihit ko ang pinto, ngunit naka-lock ito. Inikot ko ang paligid para makakita kung may madadaanan ba ako.

Nang marating ko ang likod na parte na malapit sa dagat ay nakita ko ang bukas na bintana sa itaas.

Dahan-dahan akong umakyat, gamit ang mga bato na nakadikit sa pader. Iba't iba ang kulay ng bato katulad sa karagatan.

Siguro, isang Serena ang nakatira dito.

Nang maabot ko ang bintanang bukas ay mabilis akong pumasok. Napaka-ganda ng paligid. Sadyang ang tao nga talaga ang pinaka-magandang nilikha ng diyos. Nilibot ko ang paligid hanggang sa mahagip ng aking mata ang malaking higaan. 
Lumapit ako at hinipo ang malaking bagay, napakalambot.

Nahiga ako para damahin ang malambot na higaan. Ang ganda, pakiramdam ko ay lumulutang ako.

Nagulat ako nang may gumalaw sa tabi ko. Lumantad ang napaka-gwapo niyang mukha at mabilis niyang hinila ako palapit sa katawan niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko.

Muling bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan na naman ako?

Nakita ko na naman siya, ang lalaking ninanais ng aking puso.

Si Gabriel.

Pinag-masdan ko ang mukha niyang natutulog at pasimple akong napapangiti habang niyayakap niya.

Ang saya ko, kapiling ko na ngayon si Gabriel.

Unti-unting nagmulat ang mga mata ni Gabriel at nanlaki ito nang makita ako.

"S-sino ka?" Tanong nito. Tinilak niya ako at lumayo sa'kin. "Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Kunot noo niyang tanong.

Ano ang gagawin ko? Ano nga ba ang dapat kung isagot?

I'm Smell FishyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon