Chapter 1

5 1 2
                                    

#Ang unang pagtatagpo.

-ELENA POV-

Langoy dito, langoy doon. Yan ang buhay ng nilalang na nilikha ng diyos sa ilalim ng dagat, ang mga Serena at Sereno.

"Elena!... Elena!" Sigaw ni Eloisa na kumakampay-kampay sa harap ko.

"Bakit ba? Para ka namang baliw." Kunot noo kung sabi.

"Alam mo bang may nakita akong barko sa ilalim ng karagatan." Nakangiting bulalas nito.

Hay, naku. Baliw nga! Kanina lang mukhang excited ngayon tuwang-tuwa na agad.

"Hay naku, ikaw na ata ang pinaka-suwail na Serena eh." Sagot ko.

"Ang sarap kayang lumabag." Bulalas nito sa harap ko.

Kakaiba talaga siya, kahit magkaiba kami ng ugali ay magkasundo naman kami sa isa't isa.

"Kapag ikaw mahuli ng mga tao, siguradong wala na akong kaibigan." Nakangiti kung sagot rito at niyakap siya.

"Lagi naman akong nag-iingat at mabilis kaya tayong lumangoy." Saad nito.

Nakasabay itong lumalangoy hanggang sa marating namin ang sarili naming bahay.

May kanya-kanya kaming bahay, bawat Serena at Sereno ay may sariling bahay na inuuwian at lahat ito ay gawa sa batong malalaki. Malayo rin kami sa mga magulang, kapag tumungtong na kami ng edad 18 ay nagsisimula na kaming humiwalay sa mga magulang namin.

Mahigit 200 years na akong nabubuhay sa karagatan at hindi ko pinangarap na umahon sa kapatagan o kalupaan.

Ang mga Serena at Sereno ay nabubuhay nang mahigit 500 years o higit pa.

"Elena, sa susunod nga sumama ka sa'kin, para makakita ng mga ilaw na kumikislap at nagliliwanag sa ating mga mata." Bulalas nito at with action pa talaga.

Nagliliwanag? Kumikislap na mga ilaw?

Kahit na gusto kung makita ang mga iyon ay hindi pa rin ako susuway. Ayokong maparusahan.

"Umuwi kana nga sa bahay mo, ayokong sumuway." Saad ko rito at tinulak siya papunta sa harap ng kanyang bahay na katabi lang ng bahay ko.

Tumawa ito habang papasok ng kanyang bahay.

Pumasok na rin ako para makapag-pahinga, nakakapagod din ang lumangoy.

Nahiga ako at nagsimulang ipikit ang mga mata ko.

"Tulong.... Kailangan ko ng tulong mo."

Sa 'di kalayuan ay may nakita akong lalaking nakalutang sa ilalim ng karagatan. Nakapikit ito at hindi gumagalaw.

"Tulong... Tulungan mo ako."

Napabalikwas ako ng bangon at mabilis kung minulat ang aking mata.

Sino 'yun? Bakit wala siyang buntot?

Isa ba siyang tao?

Sino ba siya? Bakit ko siya napanaginipan? Kakapikit ko lang pero, paanong nangyari na nakausap niya ako?

Lumabas ako at sumilip sa paligid. Ngunit, walang kahit na sinong Serena at Sereno rito.

"Tulong.. Kailangan ko ng tulong mo."

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tinig ng isang lalaki.

Sinundan ko ito hanggang sa may makita akong malaking imahe.

Umahon ako para makita ko kung anong imahe iyon.

Isang barko?

Napaka-ganda nito, may mga ilaw na kumikislap at iba't ibang kulay ng ilaw. Tama si Eloisa, maganda nga ito.

"Hanapin niyo siya, hanapin niyo si Gabriel." Sigaw ng boses babae na nasa barko.

Gabriel?

Bigla kung naalala ang lalaking humihingi ng tulong. Sumisid ako pailalim hanggang sa makita ko siya.

Isang lalaking walang buntot, nakalutang sa tubig at unti-unting bumababa, nakapikit ang mata at walang malay.

Nilapitan ko ito at tinitigan ng mabuti. Ang tangos ng kaniyang ilong, mapupulang mga labi at napaka-perpekto niyang mukha.

Bigla nalang ako nakaramdam ng mabilis na pag-tibok ng puso, napakalakas ng kabog nito at sa sobrang lakas ay halos mabingi na ako.

Kinakabahan ba ako?

Hindi ko napigilan ang sarili ko na hawakan ang pisngi nito. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko.

Ganito pala ang pakiramdam, kapag mahawakan mo ang pisngi ng lalaki?

Hinila ko ito hanggang sa makarating kami sa ibabaw na parte ng dagat, ang talampasigan.

"Gising na ligtas ka na." Tugon ko rito. Pero, hindi ito gumagalaw.

Nilapit ko ang taenga ko sa dib-dib nito at pinakinggan ang tibok ng puso niya.

Wala akong marinig, wala nang tibok ang puso niya.

Patay na siya.

Hindi ko siya nailigtas, nabigo ko siya. Biglang nanikip ang dib-dib ko at tumulo nalang ang mga luha ko sa 'di maipaliwanag na dahilan.

"Elena, ang perlas na yan ay makapangyarihan."

Bigla kung naalala ang sinabi ni Lola dati, ang bigay niyang perlas na iningatan ko sa tanang buhay ko. Ang suot kung kuwentas na hindi ko mahiwalay sa katawan ko.

"Kahit na anong hilingin mo ay tutuparin nito."

Tama, pwede ko itong gamitin para mailigtas ko siya. Tinanggal ko ang bilog na perlas sa kuwentas ko at nilapag ito sa dib-dib ng lalaki.

"Hinihiling ko na magbalik ang buhay niya." Saad ko.

Biglang nagliwanag ang perlas at lumubog ito sa dib-dib niya.

Nasaan na 'yun?

Kinapa ko ang dib-dib nito dahil, baka lumubog lang sa ilalim ng suot nito ngunit, wala.

Nilapit kung muli ang taenga ko sa dib-dib niya upang pakinggan kung may tibok na ito.

At nagtagumpay ako, may tibok na ito muli.

Natuwa ako at hinapos muli ang kaniyang mukha.

Nakita ko na unti-unti na itong nagkakamalay, kaya dahan-dahan akong bumaba patungo sa dagat.

Masaya akong lumangoy sa ilalim ng dagat.

Ligtas na siya, nailigtas ko siya.

I'm Smell FishyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon