Chapter 7

2 0 0
                                    


-ELENA POV-

Palapit ng palapit si Gabriel sa direksyon ko. Paatras naman ako ng paatras dahil sa takot na baka saktan niya ako.

Hanggang sa umabot na ako sa ding-ding.

Wala na akong maatrasan, paano na 'to?

Huminto ito sa harap ko nang isang dangkal ang layo at nagbitaw ng malalim na hininga.

Ang bango ng hininga niya, ang sarap amoyin.

"Bakit ka lumabas ng kuwarto? Sabi ko naman sayo di'ba wag kang lalabas?" Tugon nito.

"Patawad Gabriel, nadulas kasi ako palabas ng pinto. Patawad talaga." Nakapikit kung tugon rito. Pinag-dikit ko pa ang dalawa kung palad sa harap niya.

"Ano pa nga bang magagawa ko, siguradong uuwi si Mommy bukas." Tugon ni Gabriel at lumayo sa'kin. Nagtungo siya sa mahabang upuan at naupo. "Gusto kung magpanggap ka bilang girlfriend ko." Saad niya na nakatingin sa'kin.

"Girlfriend? Ano ba ang girlfriend?" Tanong ko.

"Argg, Tao kaba talaga? Bakit ang dami mong hindi alam?" Saad niya. Napahawak nalang ito sa ulo.

"Pasensiya na, hindi ko talaga alam." Nakasimangot kung sabi.

"Okay, forget it. Ibig sabihin ng girlfriend ay kasintahan or iniibig."

Napaisip ako sa sinabi niya, iniibig? Ibig niya bang sabihin ay iniibig niya rin ako?

Napangiti ako sa mga naisip ko, ang dati na pinangarap ko lang ay magkakatotoo na ngayon.

"Pumapayag na ako na maging girlfriend mo." Masaya kung bulalas rito.

"Dapat lang dahil, nakikitira ka lang dito sa bahay ko. Kaya dapat sundin mo lahat ng iutos ko." Nakangiti niyang sabi.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at napansin ko rin na napangiti siya sa kanyang iniisip.

"Matulog ka na, may pupuntahan pa tayo bukas." Tugon nito at itinuon ang tingin sa hawak niyang cellphone.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko.

"Dito na ako matutulog." Sagot nito at inayos ang sarili pahiga sa upuang mahaba.

Masaya akong nagtungo sa malambot na kama at pabagsak na hiniga ang sarili rito. Kalaunan ay dinalaw rin ako ng antok at nakatulog.

-KINABUKASAN-

"Hey, Elena wake up. Anong oras na tulog ka pa rin?"

Nagising ako sa sigaw ni Gabriel habang hinahawi niya ang mga nakatabil na kurtina sa bintana.

Nasilaw ako sa sikat at sobrang liwanag ng araw kaya napatakip ako sa aking mukha, gamit ang dalawa kung kamay.

"Nasisilaw ako, ang sakit sa mata." Sigaw ko. Ngunit, parang hindi niya ako naririnig. Tuloy-tuloy pa rin ito sa pag-hawi ng mga kurtina.

"Gumising kana, may pupuntahan tayo." Saad ni Gabriel. Matapos niyang iayos ang mga kurtina.

"Oo na gigising na ako!" Nakasimangot kung sabi rito.

Tumayo na ako para maayos ko ang sarili ko.

Nang biglang natapilok ang isa kung paa at napabagsak ako sa mga bisig ni Gabriel.

Buti nalang at mabilis akong nahawakan ni Gabriel. Nagkasalubong muli ang aming mga tingin, kasabay ng pagkabog ng aking puso.

Marahil, ay hindi pa talaga ako sanay sa mga paa ko.

Sa pagkakatitig ko rito ay unti-unting umarko ang isa niyang kilay pataas, kasabay 'nun ang pagbitiw niya sa mga braso ko.

Kaya umayos ako dahil para akong napahiya. Ayaw niya siguro ng nadidikitan siya.

"Linisan mo ang sarili mo at isuot mo 'to." Saad niya at may inabot na tela. "Naiwang damit ni Paula yan dito, dahil magkatulad kayo ng katawan ay sigurado ako na kasya lang din yang mga damit niya." Paliwanag nito.

Inabot ko ang damit at itinuro niya naman ang tinatawag nilang banyo.

Pagkapasok ko roon ay napakalinis at may mga bagay na makulay.

Dahil mabilis lang kaming mga serena na matuto at tinuro na rin ni Eloisa ang ibang mga kagamitan ng mga taga-lupa.

Naupo ako sa tinatawag nilang bathtub at nagsimulang buksan ang gripo para umagos ang tubig.

Mabilis na nagpalit ang mga paa ko at naging buntot ng Serena, matapos itong mabasa ng tubig.

Nilinis ko ang sarili ko at napakasarap sa pakiramdam na bumalik na ang aking buntot Serena.

Binilisan ko ang paglinis ko sa aking sarili dahil, ayokong paghintayin si Gabriel.

Excited na akong lumabas na kasama siya.

Nagpunas na ako hanggang sa matuyo ang sarili ko at unti-unti namang bumalik ang mga paa ko.

Pagkatapos ay kinuha ko ang mga damit na binigay ni Gabriel.

Mabilis lang itong isuot dahil tinuruan niya ako kung paano ko isusuot ang mga binigay niya.

Paglabas ko ay nakita ko siya na nakaupo sa sofa at napatingin sa direksyon ko.

Para siyang gulat na gulat at manghang-mangha sa kaniyang nakita.

"Wow, your so beautiful!" Bulalas nito habang 'di niya pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa'kin.

Nagsalita na naman siya ng hindi ko maintindihan.

Pagkalapit ko sa kaniya ay agad siyang tumayo.

"Sumunod ka." Sabi nito at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makalabas ng pinto.

Sumunod na rin ako na may ngiti sa mga labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Smell FishyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon