Chapter 6

1 1 0
                                    

#Elena meet Paula

-ELENA POV-

Nagising ako sa malambot at pakiramdam ko ay nakalutang na ako.

Tumayo ako at hinanap si Gabriel, gusto kung magpasalamat dahil sa pag-papatira niya rito.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad si Gabriel na natutulog sa sahig malapit sa lamesa. May mga bote rin roon sa tabi niya na tatlong piraso.

Nilapitan ko ito at tinitigan nang mabuti ang kanyang mukha.

Ang gwapo niya talaga!

Pasimple akong napangiti at hahaplosin ko sana ang kanyang mukha nang makita ko ang maliit na bagay na umiilaw.

Kinuha ko ang maliit na bagay at pinag-masdan. Umiilaw at kumikislap na napaka-ganda sa mata.

Pinindot ko ng daliri ko dahil natuwa ako sa ilaw.

"Hello?"

Teka? Nagsasalita ba 'to?

"Hello? Gabriel?"

Nilapit ko sa taenga ko at pinakinggan ang nagsasalitang maliit na bagay.

"Bakit ka nagsasalita? Anong pangalan mo?" Sagot ko rito.

"Who are you? Bakit mo hawak ang cellphone ni Gabriel?" Tanong nito.

Ang galing sumasagot ang maliit na bagay? At kilala niya pa si Gabriel.

Inikot-ikot ko ang maliit na bagay at bigla ko 'tong nabitawan. Sa ingay ng pagbagsak ay nagising si Gabriel at napatingin sa akin. Kunot noo itong nakatitig sa'kin.

Galit ba siya?

Unti-unti niyang binaba ang tingin, hanggang sa madako ang tingin niya sa basag na maliit na bagay na nahulog ko.

"Fuck! What you did?" Saad nito at sabay hawak sa ulo niya. "Alam mo ba kung gaano kahalaga ang cellphone na 'to?"

"Siya ba si Cellphone? Napatay ko ba siya?" Tanong ko at tinuro ang hawak niyang bagay.

"Ang cellphone ay walang buhay, kaya paano siya mamanatay?" Inis niyang bulalas sa'kin.

"Ga'nun ba, patawad Gabriel. Hindi ko alam." Nakasimangot kung sabi.

"Sa susunod wag kang mangi-alam." Sigaw niya at padabog na umalis sa harap ko.

"Patawad."

Nakakalungkot dahil binigo ko siya. Nangako ako sa kanya na hindi mangingi-alam sa gamit niya pero, ginawa ko pa rin. Nasira ko ang cellphone niya.

"Marunong ka bang mag-luto?" Sabi niya.

Napalingon ako kay Gabriel na may kinukuha sa malaking pinto na puno ng iba't ibang kahon. May usok rin na lumalabas rito.

"Wag mong sabihin na hindi mo rin alam kung ano ito?" Turo niya sa binuksan nito. "It is called refrigerator."

"Ah, ano?"

"Refrigerator." Tugon niya.

Ah, refrigerator pala ang tawag 'dun.

Lumapit ako para tingnan nang malapitan ang tinatawag niyang refrigerator at napakalamig.

Namangha ako ng sobra at natuwa. Ang daming magagandang gamit rito sa lupa, 'di katulad sa karagatan.

I'm Smell FishyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon