Minabuti ng iba na bumalik sa camp.. aayusin nila ang gamit namin upang makaalis narin kami.. at maka-uwi.. tatlong araw sana kaming mamamalagi sa resort ngunit naging isang araw nalang dahil sa nangyari..Kami lang nina Khate at Guady ang natira upang ayusin ang mga labi ni Jona.. tinawagan narin namin ang mga magulang ni Jona upang ibalita ang mga nangyari.. at alam kong wala kaming mukhang maihaharap sa kanila.. nakakalungkot..
Hanggang ngayon umiiyak parin si Khate.. "bakit? bes? Bakit nang-iwan ka nalang bigla? Hindi ba sabi mo sabay pa tayong mag-hahanap ng Jowa? Bakit nang-iwan ka nalang bigla! Ang daya daya mo naman eh.." ani niya. kasunod ng makahabag damdaming hagul-gol.. Nakatayo kami ngayon sa harap ng labi ni Jona.. nasa morge .. I take the chance upang i-comfort siya.
Konting katahimikan ang namayani at tanging iyak lang ni Khate ang maririnig.. ng bigla nalang tumunog ang ringtong ng isa sa amin.., phone ni Guady ..
Lumayo siya ng bahagya sa amin at sinagot ang tawag.
"Hello!"
"What?"
"Okay!!"
"Hmm"
"Yah hinihintay nalang namin ang parents niya "
"K, bye!"
Sunod na ani ni Guady.
"Sino yun?!" Tanong ko sa kaniya..
"Si Shine.. Magpapalipas muna daw sila ng gabi sa resort..!" Saad niya.
Kinabukasan dumating na ang parents ni Jona kaya't umalis na rin kami. Nag paiwan si Khate at hindi na sumama sa amin.. lubha talaga siyang nag-luluksa sa pagkawala ni Jona..
"Tita mag-papaalam po muna kami at dadalhin nalang po namin ang gamit ni Jona!" Pamamaalam ni Guady.. tanging pagtango lang ang isinagot sa amin ni Tita..
Nagusap naman sina Khate at Guady at nauna na ako sa labas upang mag-abang ng sasakyan..
Alas otso na ng umaga ng makarating kami sa Camp area.. Pumasok ako sa iisang malaking Tent na ginawa namin.. at nadatnan silang mahimbing paring natutulog.. ayos na rin ang lahat ng gamit.. nakahanda na upang sa aming pag-lisan..
"Guys! Gumising na kayo , malayo pa ang uuwian natin!" Medyo mahinang sigaw ko.. sakto lang upang marinig nila.. nagising naman kaagad sina Juday, Dealyn, Jason at Eljane.. samantalang nanatiling tulog si Sunshine at Cassandra.. lubha siguro silang napuyat kagabi dahil sa pangyayari.. same as me ,..
Napahikab ako dahil sa antok.. ngunit nabit ng marinig ko ang tinig ni Dealyn..
"Guys.. '' bakas sa tinig niya ang may halong takot.. "G-Guys.. A-Ayaw magising ni Cassi Guys!!" Natatakot na saad nito . At nangangamba sa puwedeng mangyari sa bestfriend..
"Guys! Pati si Sunshine ayaw gumising!", kinabahan ako sa isinigaw ni Jason.. hindi ko mawari kung anong gagawin..
"A-ano bang p-pinagsasabi niyo! Baka napuyat lang yan sila!,
Shine! Cassi!! Bumangon na kayo, dyan!" Sigaw ko.. garal-gal narin ang tinig ko dahil sa nginig.."Guys huwag naman kayo mag biro ng ganyan oh! Kakamatay lang ng kaibigan natin" saad ni Juday.. tinatapik -tapik niya pa ang pisngi ni Shine.. at na-iiyak naman si Dea habang kalong ang kaibigan..
Lumapit ako kay Shine.. isa lang ang paraan upang makumpirma.. pinakiramdaman ko ang kaniyang pulso..
at gano'on nalang ang panlulumo ko ng makumpirma ko.. napailing ako sa nalaman at parang nawalan ng lakas dahil sa panlulumo..
Ganoon din ang ginawa ni Guady kay Cassi..
At ng makumpirma... sabay-sabay silang nanlumo.. at parang nasa korus na nagsi ngawaan dahil sa pagkawala nanaman ng dalawa pa namin kaibigan..
dyos ko po! Kung binabangungot man ako ngayon! Please naman.. gisingin niyo na ako!!.. hindi ko na kaya!..
"Guys!. Imposible na'to! Hindi na ito normal Guys!! Nakasisiguro akong.. may kababalag-hang nangyayari dito.." galit na saad ni Jason. "A-Alam kong mali.. pero tingin ko isa saatin ang may-kagagawan ng mga nangyayari!".. patuloy niya pa..
"Nahihibang ka na ba?? Anong pinag-sasabi mo!!?..'' naiinis na saad ni Dea. May galit din sa tinig nito.. "Iniisip mo ba na isa saatin ang pumapatay?? T*ng-ina.. G*go ka pala eh!".. unti-unti ng tumutulo ang mga luha ni Dea.. hindi narin naka-imik pa si Jason ..
Si ba naman kasing Kaibigan ang hahayaang mamatay ang isa pang kaibigan. Ngunit sa tingingin ko nga ay may punto si Jason.. maaring isa nga sa amin ang may kagagawan nito.. maaaring ako .. maaring si Jason.. o di kaya'y si Dea.. kahit sino puwedeng maging suspek..
Ngunit sino??..
Nagpunas ako ng mga luha ko.. kaylangan kong kumilos upang mahuli ko siya.. humanda ka.. hindi kita TATANTANAN.. MAGPAKAILANMAN..
-----
-Kolmejax-Dedicated to calavung14