CHAPTER 6*KILLERS POV*
Malapit na.. Malapit ko ng matupad ang pangako kay mama. konti nalang.. konting-konti nalang at maipaghihiganti ko na rin siya..
Oo masakit.. nagdusa ako.. tiniis ko ang sakit at pighating dinanas ko..
Sariwa pa sa utak ko ang lahat.. kitang-kita ko kung paano nila pagsamantalahan ang magulang ko.. wala akong nagawa.. Gusto kong kumawala noon sa pinagtataguan ko at isa-isa silang pag-papatayin.. saksakin isa-isa hanggang sa makita ko silang nag-durusa at unti-unting mamatay sa aking harapan..
Ngunit alam kong hindi pa sapat noon ang lakas ko upang maisakatuparan 'yon.. isa lamang akong di hamak na musmos para sa kanila..
Pero ngayon, nakikita kong isa isa na silang nagluluksa. Isa isa na silang nagmamakaawa sa harap ko tulad ng ginawa nila sa nanay ko.. Pagbabayaran na nila ang lahat ng kawalang hiyaang ginawa nila sa nanay ko, ang pag patay nila sa nanay ko..
"Ngayon mo sabihin sa akin Joshua! Kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito!"
"Pero Guady.. Patay na si tito Rico.. Ano pa bang kailangan mo!"
"Ang maghiganti Joshua!.. Ang maghiganti.. Hindi sapat ang mamatay lang ang walang hiyang tatay nito!" dinuro duro ko si Cassie.. Gusto kong magwala, gusto ko na silang patayin.. Ngayon din mismo. Pero kailangan ko silang unti-untiin. Nageenjoy pa ako sa nakikita ko.. Gusto ko silang maghirap pa lalo..
"Lumuhod kayong lahat!" mariin kong sigaw. Tila nadedemoniyo na ako sa sobrang galaiti.. Sa tuwing maaalala ko ang gabing iyon.. Bumabalik sa utak ko ang lahat.. Dahil sa mga tatay ng mga taong ito.. Si Cassie, si Dealyn, si Judy, at si Eljane ang mga walang hiya nilang mga tatay, na unti unti kong pinagpapatay.. Hahaha.. Ngunit hindi 'yon sapat.. Kulang pa'yon sa mga dinanas ko.. Gusto kong triplehin ang hapding naramdan ko, at ipararanas ko 'yon sa kanila.. Kahit pa sila ay nasa impyerno na. Pasensya nga lang dahil nadamay pa ang iba..
Kinuha ko ang isang galon.. Isang galon na kung saan punong puno ng Gasolina.. Pinadaanan ko pa ito kay Khate sa Gasoline station bago pumunta dito..
Nararapat lamang ito sa kanila.. Kung anong ginawa ng magulang nila, ganoon din ang gagawin ko sa kanila.. Ang sunugin sila..
"Tama na please!..." Nagmamakaawang saad ni Dealyn.. Napangisi lamang ako ng matalim.. Huli kong narinig yan, sa nanay ko.. Pero hindi manlang nila pinakinggan.
Isang patak ng luha ang umagos sa aking kaliwang mata.. Rinig na rinig ko ang pagmumura ni Jason, ang pagmamakaawa ni Dea.. At iyak ni Eljane.. Tila ito'y isang napakagandang musika sa aking tenga.. Ang sarap pakinggan.
"Khate ang Lighter!" saad ko. Umatras ako ng kaunti at inilahad ang kamay kay Khate.. Hinihintay ko ang ilang saglit ngunit tila hindi niya ako narinig.. "Khate! Lighter!" pag-uulit ko.. Ngunit wala paring Lighter ang lumapag sa palad ko..
Napalingon ako kay Khate, ngunit isang baril ang sumalubong na nakatutok sa akin.
"Khate ano bang ginagawa mo!" may diin pa rin sa tinig ko. Pinagtatraydoran niya na ba ako?
"Guady! Tama na!... " saad nito.. Agad nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mga mata..
"Naduduwag ka na ba?" tinitigan ko siya ng buong buo.. "Malapit na Khate! Napaghihigantihan na natin ang mama ko.. Ang tita mo.. Ang nag-aruga sa'yo, sa atin.. Ano ba Khate! Ngayon ka pa ba aatras?"
"Tama na Guady! Nagsunod sunuran na ako sayo.. Pinatay mo na ang Best Friend ko... Tama na please, wag mo ng idamay ang mahal ko.. 'Wag mo ng idamay si Joshua.. Please!"
Tila nagulat ako sa sinabi niya.. Yan na nga ba ang sinasabi ko.. Lintek na pagmamahal 'yan!
"Kung ayaw mo.. Ako na ang gagawa.. Lintek ka!" inagaw ko ang baril sa kaniya at sinipa siya sa sikmura." mabuti na lamang at mas malakas parin ako sa kaniya..
Ngunit laking gulat ko ng isang matigas na bagay ang tumama sa aking ulo.. Nakalabit ko ng di sinasadiya ang baril na hawak ko, at tumama ito sa gasolinang nakakalat sa sahig.. At sa di inaasahan.. Kasabay ng pagkawalan ko ng malay, ay nakita ko si Joshua'ng nakatayo sa harap ko at may hawak na basag na bote.. Kasabay din n'on ay ang pagliyab ng buong palig..
-----
-kolmejax-
![](https://img.wattpad.com/cover/165761301-288-k850461.jpg)