EPILOGUE*Joshua*
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school. Tahimik.. wala pang tao, ako palang ang naririto.. alas-kuwatro palang ng umaga.. rinig ko ang bawat yabag ng aking mga paa...
Napatayo ako sa tapat ng library.. sarado pa.. at talagang sumasang-ayon sa plano ko.. gusto ko ng matigil ang lahat ng-ito.. sawa na ako.. Araw araw akong kinokonsensya, hindi ko na kaya.. Nang dahil sa akin.. Nagdahil sa akin, nawala ang mga kaibigan ko..
Ako lang ang nakaligtas.. Nasunog silang lahat..
Bakit ba kasi ang duwag duwag ko, hindi ko kaagad napigilan si Guady. Bakit ang hina-hina ko?
Inilabas ko ang gamit na dala ko .. mas mapapabilis dahil wala pang tao.. pumatong ako sa upuan. Upang maabot ang kisame ng bububo.. buti nalang ay may sabitan dito.. itinali ko na ang lubid na dala ko.. sikreto.. walang makakaalam ng mangyayari.. tanging ako.. at isang tao.. ngunit sino? Kanina niya pa ako sinusundan.. Pero hindi ko siya panag-aksayahang lingunin.. Malalaman ko rin maya-maya lang kung sino siya.
Nakahanda na.. nakahanda na ang lubid.. na pag-bibigtian ko .. oo mag-papakamatay ako.. dahil ito naman ang gusto niya.. ang makita akong nag-durusa.. at naghihirap.. Hindi man natapos ni Guady ang layunin niya, puwes ako na ang tatapos.. Ako na ang gagawa.. Ito naman ang puno't dulo ng lahat.
Pumatong na ako.. inihanda ang sarili.. alam kong ito na ang katapusan ko.
unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko.. Oo mahina ako! Duwag! takot! Ayoko na! Ayoko ng mabuhay.. wala ng silbi ang buhay ko kaya't mararapat lang na mawala na ako sa mundo..
Itiningkayad ko ang mga paako.. at isinabit sa leeg ang lubid na nakatali .. at dahan-dahang sinisipa ang bangko na aking inaapakan.. nakasabit na ako .. hindi ako maka-hinga..
Halos lumabas ang aking mga mata.. namamanhid na ang katawan ko..
"JOSHUA!!" at sa mga huling sandali.. may narinig akong tinig.. tinig ng taong hindi ko aakalaing darating pa.. ang tinig ng taong kilalang kilala ko.. anong-gina-gawa niya rito?
Huwag niya sabihing?!
Hinde. Hinde ito maari.. no!
Ngunit bakit!? Bakit siya pa?
At sa mga sandaling ito. Wala na siyang magagawa pa.. nahuli ka na kaibigan. Tanggap ko na.. ito na ang katapusan ko.. Mamamatay na ako! At dahil yon sa iyo!
Khate! Mahal ko... Magsasama narin tayo.. Sa kabilang mundo..
"Jona! Buhay ka!.." huling liniya na nabigkas ko..
-END-
----
-kolmejax-
![](https://img.wattpad.com/cover/165761301-288-k850461.jpg)