Charlie

39 1 0
                                    

P.E Class ko ngayon and Im running late buti na lang mabait yung professor, Badminton is hell for me ayoko ng larong yun napakabobita ko kasi sa larong yun. Hindi ko kasi nga makita yung shattlecock.. Nasa bus ako ngayon standing grabe siksikan hanggang pintuan yung sakay natatawa nga ako mukha na kaming nasa lata neto, 555 sardines eh.. Pag nagkaroon ng paliko akala mo lalaglag na yung sinasakyan namin may ibang natatakot kasi grabe mabigat na yung pampasaherong bus. Tapos magsasakay pa yan kahit puno na anung tawag dun?

Hanggang sa makababa na ako punong puno pa din yung bus, Ang hirap pa bumaba kasi siksikan na.. Actually may ibang nagagalit kasi napipipe daw yung ano nila ahaha kasalanan ko bang sumakay sila sa lata? Gahaman kasi yung driver pero di ko din kasi masisi si manong driver may iba kasi na alam na puno na pinapara pa nila. Well ang hirap kaya maghintay ng masasakyan ng bus kasi minsan pag nasa jeep ako ang mahal ng pamasahe daig pa yung aircondition bus haler? Jeep po dala mo kuya dapat mas mura ng konti di ba?

So ayun nga naglakad na ko papuntang athletic court, Kasi badminton kami ngayon.. Hindi ako excited! Hmp! Kasi naman po kasi mas gusto ko pa maglaro ng chess kaysa yung badminton o di kaya basketball o di kaya volleyball keri ko yun. :"> OO ako na talaga. 

Nagaattendance na! Takbo agad ako palapit kay sir kasi sakto apilyido ko na tinatawag, "Rod--" Naputol yung sinasabi ni sir ng sinabi kong.. "PRESENT!" Tumingin sakin si sir..

"Galit ka? Galit?"

"Hehehe.. Sir nagpapaliwanag lang naman po." Bumalik na ako sa pwesto ko, Wala naman akong gaanong kakilala sa section na 'to, Kakilala lang siguro pero hindi naman friends.. Lahat sila accountancy ako lang yung tourism, Harujosko alam nyo ba kwento nila sakin??? Aber aber aber! Mahirap daw mag accountancy kasi every sem daw may exam sila parang NCAE lang yung ganun pag di nila maipasa, OUCHUUUU! Hindi na sila pwede magtuloy ng accountancy bakit ganun ang hirap naman :( Kawawa naman sila. 

"Okay guys, Badminton po ang magiging activity natin ngayon.. Next week will be games of the commanders. Saka ko na ipapaliwanag sa inyo kung ano yun." Inabutan na kami ng raketa, Pero parang may nakatingin sakin? Nilibot ko mata ko. Pero sa isang tao lang huminto yung mata ko, Kuyang siga? Kaklase ko din ba yun dito? Imposiiible. Bakit sya nakaupo sa malayo?

"Okay after 30 minutes magkakaroon tayo ng graded activity, Maglalaro kayo ng badminton." 

Nagpraktis na ako, Pero naiirita ako kasi feeling ko may nanunuod talaga pag tinignan ko naman si kuyang siga hindi naman nakatingin. -___- Napaparanoid na ba ako?

Kada service ko ng shattlecock lagi kong di natatamaan, Tinuturuan na nga ako ng mga classmate ko pero di naman yun talaga problema ko... Problema ko di ko makita yung shattlecock pag galing sa kabilang team.. Haist. -___-

Isa isa na silang tinawag, Tapos ngayon turn ko na. 

What is LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon