What is LOVE? (Love me, Mr. Danztruck)

460 4 0
                                    

Play the music, Enjoy reading.

 If you have any suggestion, You are free to comment down below.. 

Nagrerely po ako minsan sa mga comments.

It's amazing if you feel inlove, Madami kang mararamdaman kapag inlove ka. Di naman laging masaya kapag nagmamahal ka. Anjan yung word na SELOS, Yung word na MISUNDERSTANDING. Pero andyan din naman yung word na SWEET at KILIG. 

Bulakbol ako, Panay ang inom ko. Well I have resons to be like that pero matagal na po yun. May nagpatigil na sakin para hindi na gawin yung mga bagay na ganun. And Im happy to get to know him..

"Mahal kita kaya kita ginagabayan alam kong bata ka pa, Madami ka pang makikilala bukod sakin." Yan ang sinabi nya sakin pero tinatak ko na sa isip ko na sya na talaga, Nung mga panahon na walang wala ako sya yung taong dumamay sakin, Yung pero iyak na lang ginawa ko buong araw tapos papasok ako ng klase hindi naman ako nakikinig kasi tulala ako.. May alitan kasi pamilya ko madami kaming di pagkakainitindihan galit ako sa magulang ko ng mga panahon na yun.. 

"Wag ka magalit sa magulang mo gusto lang nila yung ikakabuti mo, Mahal ka nila." Ang mabuting lalaki yan ang sasabihin, Para mapabuti ka din. Ako si Alphie eto storya ko. Gusto ko lang ikwento sa inyo kung anong napagdaanan ko.. At gawin nyong inspirasyon.

"Bakit ba pinipigilan mo ko gawin mga gusto ko gawin?" Pero imbis na magalit sya sakin ng salitaan ko sya ng kung ano-ano nanatili lang sya sa tabi ko, Wala pang gumawa sakin nun.. Hindi nya ako sinisigawan niyayakap pa nga nya ako pag nagagalit na ako..

"Dahil mahal kita, Ayoko masayang buhay mo.. Walang maitutulong sayo yang pagbubulakbol mo, Pagsisinungaling mo at pagbibisyo mo." Hindi ko naiisip mga bagay na yun, Basta alam ko gusto ko makalimot sa mga bagay bagay. Pero tama ba na gawin kong sandalan yung alak at sigarilyo para malimutan ko lahat? Di ko na naisip yun eh basta alam ko nalilimutan ko problema ko pag natitikman ko mga yun at pag naninigarilyo ako nawawala stress ko.

"Gusto ko lang makalimot kaya ko 'to ginagawa." Hindi man ako umiyak sa mga oras na yun, Alam ko ramdam nya yung paghihinagpis ng kalooban ko. Alam nya nahihirapan ako.. Apat na taon kasi tanda nya sakin napagdaanan na daw nya yun lahat. At ayaw nya na ako makaranas nun, Kaya ayun..

"Hindi makakatulong yan ginagawa mo, Sinisira mo lang katawan mo magkakasakit ka sa ginagawa mo, Masama sa atay yang paginom, Masama sa baga yang paninigarilyo. Ayoko na magiinom ka ah? Ayoko magyoyosi ka.. Pag may problema ka sabihin mo sakin makikinig ako pero pleasee.... pleaseee... Wag alak at sigarilyo."  Noon naisip ko pinapakialam nya lifestyle ko, Ilang buwan na din akong nasanay sa yosi, Buwan pa lang naman.. Simula ng pumasok ako ng kolehiyo nagkalokoloko na ako. Nandyan yung barkada syempre nagkakaayaan, Nandyan yung pasikretong lovelife.

Nakinig ako hininto ko lahat ng nakasanayan ko para lang masunod ko yung gusto nya, Huli naisip ko para sakin din naman pala yun.. Bakit sa magulang ko di ako nakikinig ganun din naman gusto nila para sakin? Bakit? Di ko din alam eh.. Basta feeling ko nasasakal ako pag magulang ko nagsasabi simula kasi noong maliit pa ko sila na yung nagsasabi ng gusto nila na gawin ko, Tulad noon na bawal ka maglaro sa labas kasi baka mahatak ka sa damuhan marape ka, Bawal ka makipagkaibigan sa mga bata sa labas kasi mukha silang gagawa ng di maganda, Bawal ka bumarkada, Bawal lahat.. Kaya feeling ko nasisikipan ako sa mundo ko, Lingid sa kaalaman ko na para sa ikabubuti ko lang din naman gusto nila. 

Sabi ng magulang ko noon. "Magtapos ka ng walang barkada, Walang bisyo, Magandang grado, Walang lihim." Alam nyo sagot ko? "OPO." Pero nasaan na? Di ba lahat ng yun sinuway ko? Akala ko kasi hinihigpitan ako pero gusto lang naman pala nila mapabuti ako sa buhay ko.. Gusto nila bago manlang nila ako pabayaan mabuhay magisa ko, Maayos pamumuhay ko mas angat sa kanila.

Bakit naging ganun ako? Dala ng kabataan ko iniisip ko lang sarili kong kagustuhan, Yung makakapagpasaya lang sakin pansamantala, Akala ko kasi tama. Lahat naman tayo dadaan dun :) Mabuti nga nalagpasan ko yung bisyo at barkabarkada.

Kaso nga lang nagboyfriend ako di ba nga sya nga yung nakapagpaalis ng bisyo ko, Sya karamay ko nung mga panahon na lugmok ako, Pinulot nya ako sa barkada pinagbawalan nya ako uminom manigarilyo at lumayo sa mga taong maimpluwensya..

Akala ko magiging masaya na kami, Pero akala ko lang yun. Kasi ipinagbawal din sya ng magulang ko sabi nila layuan ko sya pero nagmatigas ako.. MAHAL KO SYA EH.

Alam na nya na aayawan sya ng magulang ko, Sabi nya. "Darating yung panahon na pati ako ilalayo kasi yung atensyon mo mapupunta lahat sakin kaya magaral ka maigi para di nila ako ipalayo sayo.. Pag mataas grades mo hindi nila ako palalayuin sayo." Pero bago kami paglayuin ito muna nangyari samin..

Inisip ko bakit nya sinabi yun hanggang sa hindi ko na nga mapansin puro sya na iniisip ko, Alam ko kasi naghihintay sya sakin.. Text ako ng text..

Ok ka lang ba jan? Sandali na lang 'to..

Nagreply sya.

Makinig ka okay lang ako dito, Di ako aalis dito sige na makinig ka muna magaral ka mabuti.. Di naman ako magsasawa hintayin ka..

Nakikinig naman ako eh.

Hindi sya nagreply, Akala ko iniwan na nya ako sa room ko. IIsa lang kasi pinapasukan namin. IIsa lang kami ng school.. Peron kahit ganun pumapasok naman ako sa klase ko.. Di ako umaabsent.. Di din nya hinahayaan na aabsent ako. Pagkadismiss samin ng professor...

"Bakit di ka nagreply ah?" Ngumiti lang sya. Tapos anong sagot nya sakin? Hulaan nyo... 

"Pag nagreply ako, Magtetext ka ng magtetext di ka makikinig sa lesson nyo." Kaya ngumiti na din ako, Kasi tama naman sya. Naglakad lang kami ng naglakad maaga naman nagdismiss ng klase yung subject teacher namin kaya may 1 hour din kaming naglakad lakad.

"Ikaw pag nagtratrabaho ako wag ka na lumaboy ha, Wala kang kasama umuwi ka na lang magreview ka." Nginitian ko na lang sya.. Ang sweet nya kasi saka hindi nya ako pinapahamak.

"Gusto mo ba kumain muna bago umuwi?" Bumili kami ng makakain sa Mcdo, Paborito ko kasi french fries doon at saka burger.. Masayang masaya akong kasama sya.. "Malapit na exam ah? Nagrereview ka ba?" Ngumiti lang ulit ako.. "Wag puro text sakin asikasuhin mo ha, Magaral ka, Pag tapos na tayo saka mo ko lagi asikasuhin.." 

"Bakit?" Ngumuso sya. 

"Bakit? Kasi asawa na kita." Tapos pinunasan nya yung bibig ko na may ketchup na pala.

----

Sana kapulutan nyo ng aral yung mga pinopost ko, Di ko alam kung hanggang ilang chapter 'to. Kung ano lang kasi napapanuod ko at nakukuha kong kwento galing sa iba ibang tao nilalagay ko lang dito pero next chapter magsisimula yung simula ng kwento.. Baka hanggang 15 lang ulit 'to..

What is LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon