Alpha

98 1 0
                                    







Naalala ko pa. Noong mga araw na langong lango ako sa alak, Uuwi ako ng bahay gabi na. Hindi uwi ng matitinong babae alam ko pero ano magagawa ko? Gusto ko lumimot sa mga nangyayari saakin.. Akala ko kasi noon tama yung ginagawa ko at least makakalimut ako pero bukas andyan nanaman yung problema.



"Oy, Vanj mamaya ah? Asahan kita after class." Tumango ako pero parang wala pa din sa sarili, Andami kong iniisip hindi ko alam anong gagawin ko.. Nahanap ko na tatay ko after 16 years na pangaabandona samin ng mama ko. 4 years old ako nung huli ko sya makita. Sinubukan ko syang kausapin pero sinabi nya sakin hindi daw nya ako kilala kahit may ebidensya na ako na sya ang papa ko.. Kahit anak man daw nya ako di daw nya ako tanggap wala daw syang anak sa labas, At lalong hinding hindi daw sya nagkaanak ng babae. Bigla na lang ako nagulat kasi si Ish pala nasa harap ko na bakit ba kasi nanggugulat 'to? Yawa.



"Ano na?" Tumango ulit ako, "Hay naku girl iinom na lang natin yan para makalimutan mo." Hindi lang naman kasi yun yung iniisip ko sawi na nga ako sa magulang ko pati ba naman sa pagkakaroon ko ng boyfriend? Bawal ako magboyfriend oo alam ko yun at single na ako ngayon kaya walang problema.. Pero di ko kasi maatim na ako pa? Ako pa sinasabing manloloko? Hindi ba't ako nga yung harap harapang niloko? Hay buhay nga naman..



"OO na Ish wag ka na magulo papasok na ako malalate nanaman ako, Magfifinals na di pa din ako tumitino ano magiging grades ko neto?" Nagkibit balikat lang sya tapos umakyat na ng hagdan para na din pumasok sa klase nya.



Pagpasok ko nakatingin sakin yung professor ko, Pano ba naman kasi 45 minutes na akong late, Ano naman kaya idadahilan ko? Ang grace period 15 minutes lang baka ipahiya ako.. "Sa susunod na malate ka pa sa klase ko wag ka na papasok ah? Mahiya ka naman." Pakiramdam ko nanliit ako nahihiya ako sa mga kaklase ko, Unfair nga naman para sa kanila ang aga aga nila tapos ako parang anak ng presidente papasok kung kailan ko lang gusto? Nakakadalawang absent na ako, Isa na lang failure due to absences na ako o FDA sabi nga nila..



"Sorry sir this will never happen again, Im sorry." Umupo na ako sa upuan ko, Ang dami ko rin kasing conflict sa mga subject ko kaya inaayos ko yung time ko palipat lipat ako ng section noong una yung isa ko ngang subject pasaway ako eh, Lagi akong absent at nakikiusap sa prof na iadjust ng mas maaga kasi 5 oras vacant ko nakakatamad pumasok pag ganun naaaya tuloy ako na maginuman o magmalling o kaya magsine ng mga barkada ko..



"Aba'y dapat lang, Jusko ineng hindi porket english subject lang ito hindi ka na papasok alam ko magaling ka gumawa ng poem at nagdedecla ka, But that's not an excuse." Here we go again matatapos nanaman ang isang buong 30 minutes na dadakdakan ako, Di pa ba ako nasanay. Naupo na lang ako at nagsaksak ng earplug sa tenga ko ng di nahahalata ng professor ko.. Natatawa yung katabi ko kasi nakikita nya yung ginagawa ko. Well if he's in my position gagawin nya din yun di ba? Ang daldal kasi ng professor ko matandang dalaga kasi.



Tapos na nga yung period nya, Just what I have expected natapos nga yun ng dinadaldalan ako.. Nung magtime na umalis agad ako. Nakakainis eh.



Last period ko yun, Kakausapin ko yung professor kong isa para hanapan ako ng bagong time slot sa isa kong subject kasi antagal ko talaga sa school grabe, 5 Hours! For God's sake.. Nakakatamad talag pag ganun kahaba yung vacant tapos pag nasa mall ka na di mo na mamamalayan yung oras late ka na pala kaya di ka na makakapasok talaga, Buti na lang mabait yung professor ko dun di ako inee-FDA.



Hinihintay ko sa labas ng room yung professor ko, Ang tagal nga eh.. Ganyan talaga yan sinasagad nya yung time pag nagtuturo medyo nakakaantok nga magturo yan eh, Tapos pag nagpapakopya ng notes namin sa blackboard anliit ng sulat yung todo tingin ka na di mo pa din makita.. Well hindi mayaman school namin eh kaya blackboard pero balita ko magiging white board na yun inuna kasi yung aircon para daw di mainit. Di naman lahat ng prof eh gumagamit ng chalk may iba nagdadala ng projector mas mayaman sila sa university namin eh..



What is LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon