7- Welcome to SCA

88 16 20
                                    

#StayChapterSeven

Ang buong akala ko ay next sem na ako lilipat ng school but I was wrong. Tumambay ako ng pitong buwan sa bahay dahil gusto nila mama na magsimula ako from the start of the school year.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil pitong buwan akong walang iniintinding school responsibilities o mababagot dahil sa seven months na yon ay grounded ako. Daig ko pa si Rapunzel na nakakulong sa tore.

Mabilis na natapos ang bakasyon dahil ngayon na ang araw kung saan ihahatid ako nila Papa sa bago kong eskwelahan. Most of my vacation days ay ginamit ko lang para ayusin ang mga papel na kailangan para sa SCA, at para ihanda ang mga gamit kong dadalhin dahil sa Pampanga pa ang location ng academy kaya ubligadong mag-dorm ako.

Hindi naman masyadong obvious na gusto talaga nila akong malayo sa kanila. Grounded for 7 months tapos biglang papakawalan.

Akala ko ay uubra ang pagma-matigas ko pero I was wrong ulit, hindi talaga nila ako hinayaan na sundin ang sarili kong gusto, at isa pa, knowing na wala palang pakiealam ang mga 'friends' ko sa akin parang na-udyok talaga ako na lumipat nalang ng school.

Ngayon ko lang makikita ang school dahil parating via courier lang ang pagpa-pass ko ng papel. Kaya I have no Idea what kind of school ang papasukan ko.

Napuno ang byahe ng puro paalala ni Mama sa akin dahil this is the first time that I will be away from them for a long period of time, as if naman hindi ako sanay mag-isa, e nakakalayas nga ako kasama ang sarili ko lang, sa tingin ko nga hindi naman ako ma ho-homesick.

As we enter the school gates ay lalung nagdadaldal si mama kung gaano kalaki ang eskwelahan, well totoo naman. Gate palang ay talagang hindi basta-basta, grabe paniguradong mahal ang matrikula dito, talagang pinag-gastusan nila ang pag-aaral ko dito plus yung dorm pa.

Sobrang luwang nga talaga ng school kahit nasa unahang parking lot palang kami, ang lalaki at ang tataas ng mga buildings, marami sigurong ino-offer na courses dito, at may high school din pala na mayroong gate na siyang naghahati sa college grounds at high school grounds.

Maraming sasakyan ang nakaparada at halos lahat sila ay hinatid din ng mga parents, it's Sunday at bukas na ang pasok kaya expected na talaga na ngayon ang paglilipat ng mga estudyante.

Napabuntong-hininga ako habang bumababa sa sasakyan, panibagong environment, panibagong kakilala at panibagong adjustments. Kaya ko kaya 'to?

"Mahigpit ang Academy sa mga outsiders kaya hindi kami madalas makakadalaw sayo pero pinagbigyan naman kaming mga parents na ihatid ka hanggang sa dormitory mo ngayon." Sabi ni Papa habang ibinababa ang gamit ko, hindi naman yon masyadong marami, isang malaking maleta at isang maliit saka iyong backpack ko na suot ko ngayon.

Si Papa ang naghila ng dalawa kong maleta na nauuna sa paglalakad, katabi ko naman si Mama. Si Papa kasi ang may alam kung saan kami pupunta dahil siya mismo ang nag-inquire sa school na ito.

Marami akong nakikitang naglalakad din kasama yung mga parents nila at meron din naman na kasama ang mga kaibigan at yung iba naman mag-isa lang na may dalang mga maleta kaya hindi naman awkward na may dala rin kaming maleta.

Yung mga nakakasalubong ko halata sa kanila na may mga sinabi talaga sila sa buhay. Siguro hindi basta-basta lang makapag-aral dito, I wonder kung magkano ang tuition na binayaran nila Mama para itapon ako rito.

Parang isang condominium building ang dormitory at lagpas yata sampu ang palapag—which is common na dito sa loob dahil ang tataas talaga ng mga buildings dito. Magkatabi lamang ang dormitory ng babae sa lalaki na may kanya-kanya namang gate. Parang coffee jelly ang kulay ng mga building, parehas na parehas maliban sa signage na nasa gate.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon