3- Curious Cat; Curious Eyes

115 18 22
                                    

#StayChapter3

Mahigpit na bilin sa amin ng magulang namin, siguro kahit sinong magulang ipagbabawal din ang pagkausap, lalung-lalo na ang pagsama sa taong hindi mo kilala.

I always like strangers, napakalaking factor sa akin makakilala ng mga estranghero tuwing maglalayas, kasi yun na ang mismong highlight ng paglalayas ko, ang makiupo sa hindi kilala at makipagkwentuhan sa kanya.

I love talking with them, kasi hindi ka nila kilala para i-judge, mas comfortable pa nga ako magsabi ng secrets sa kanila kasi 80% ang tiyansa na hindi na kayo ulit magkikita. I have a lot of secrets that even my closest friends didn't know.

Basta I have a good feeling with strange things, kapag bago sa paningin ko gusto ko lagi yon. Mas maganda pa nga sila magbigay ng advices kasi parang hindi ka nila kayang -iprank, although alam ko naman na may mga taong bogus. Basta, iba sa feeling.

And now, hindi ko alam kung isa ba siya sa mga gusto kong estrangherong taong nakilala ko, can I tell him my secrets?

Una sa lahat, hindi siya ordinaryo, I mean yung normal na nakakausap ko, yung open sa isang conversation? At talagang may kakaiba sa kanya, lakas ng loob niya na sabihan ako ng weird e mas weird kaya siya. Bipolar yung ugali, at talagang siya pa ang tumulong sa akin, so unexpected. Wait? Di kaya bogus 'to? Baka gusto lang niya yung kidney ko?

Gusto ko na dumaing dahil masakit na ang paa ko kakalakad, 3km na yata yung dinaanan namin, at siya mukhang hindi pa pagod. Sabagay, maganda kasi ang paligid kaya nakaka-distract para isingit pa sa utak ang pagsakit ng paa.

Napakaliwanag ng buong paligid, puro christmas lights at lanterns ang nakasabit sa bawat poste, pati na rin sa mga puno may mga ilaw, tapos ilang christmas tree na rin ang nadaanan namin, may naglilibot pang santa claus, ang ganda pala magpasko dito sa San Felipe.. buhay na buhay yung lugar, ang daming tao ang naglalakad at namamasyal, mukhang dito sila magpapalipas ng gabi.

Hindi ko maiwasang i-kumpara ang pasko ng iba sa pasko namin. Mas gugustuhin pa ng pamilya ko na maging solemn at tahimik na idaos ang christmas eve sa hapag kainan at sama sama kaming kumain kaysa mamasyal, well namamasyal naman kami pero kapag family day lang, pero we're more into indoor activities with our relatives, kaya lahat sila siguro ay nagtataka kung saan ko nakuha ang lakwatsa skills ko.

Ilang kainan na rin ang nadaanan namin at kahit isa don wala manlang kaming pinasukan, lalu lang kumukulo ang tyan ko kapag naaamoy ko yung amoy ng masasarap na pagkain galing sa mga fast food chain, mukhang balak lang nya akong i-tour sa buong San Felipe kasi base sa observation ko mukhang hindi ito ang unang beses nyang makapunta dito pero pwede din naman na nagpapanggap lang sya na kunyare alam nya o kaya naman taga dito talaga sya at wala syang balak pakainin ako, sabagay bat ba ako nag-iinarte, parang hawak na din nya yung buhay ko it's up to him kung kakain kami o hindi, hangga't di pa sya gutom at pagod dapat ganon din ako.

Pero honestly, gutom na ako.

Bigla akong nabuhayan ng loob nang bigla syang huminto sa paglalakad, nagdasal ako sa isip ko na sana gutom na sya at may balak na sya na bumili ng kahit anong pagkain o kaya ay magpahinga naman kami pero syempre mas maganda kung kakain din. Bigla kong nakagat yung dila ko nang basta-basta nalang nya akong nilingon at tiningnan nang mabuti.

"Tell your stomach to shut up." Hindi agad ako nakapag-react kasi nakatuon pa rin ang atensyon ko sa dila ko, I have this weird habit na kapag nag-iisip nang kung anu-ano hindi ko maiwasang tusukin ang loob ng pisngi gamit ang dila ko. I just looked him with dumbfounded face. Pati ba naman tiyan ko may issue sya?

I rolled my eyes at him. "At pano ko naman gagawin yon?."

He glared at me like I said something stupid. Wow can he not? Mas mukha kaya syang tanga, imagine ha pano ko mapapatahimik yung tyan ko sa pagkulo e gutom na gutom na ako at isa pa wala namang sariling utak yon diba?

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon