17- Rain in the Rooftop

32 1 0
                                    

#StayChapter17

"What are we doing? And where are we going?"

Siguro mga 15 minutes na ang nakalipas bago nya paandarin ang sasakyan nya at talagang ngayon palang ako nakapagsalita. Sobrang nabigla naman kasi ako sa mga ganap.

"Lead your way, akala ko ba kailangan mo pa akong i-entertain?" He shrugged.

Talaga bang sinabi ko yun? Dala na rin siguro ng sobrang inis kaya ko nasabi ang mga bagay na yon. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako umarte nang ganon, baka sabihan pa nila ako ng OA o kaya naman e apektado pa rin ako kay Greg, duh?

"Can I drive?" I asked instead.

"Marunong ka?"

"Oo naman, hindi ako tinuruan nila Papa pero nagpaturo ako sa driver namin."

"I think I knew the reason why," he grinned.

I rolled my eyes to him, "Yea so shut up and let me drive."

We are both quiet while I'm driving, akala ko ay magpa-panic sya sa pagda-drive ko  dahil mukha pa naman syang maingat sa gamit nya, pero tahimik lang syang nakaupo sa shotgun seat. Talaga bang pinagkakatiwalaan nya ako?

He let me wear his adidas slides para hindi ako mahirapang mag-drive, I wiggled my feet on his slippers at sobrang comfy sa paa kaso nga lang ang laki. I glared at him again and he's just so relaxed.

I decided to step on the gas to speed up, at this hour ay kaunti lang ang mga dumadaan kaya hindi naman siguro kami maa-aksidente, I just really want to tease him, to test his patience.

I'm sure na binilisan ko talaga pero parang wala lang sa kanya, grabe okay lang ba na ibunggo ko 'tong SUV nya, o kaya mamatay kami pareho? I surrendered of getting him panic, ni hindi ko nga alam kung bakit ko 'yon ginagawa.

He's too quiet, ni hindi manlang sya nagtatanong kung saan kami pupunta. Ano nanaman kaya ang tumatakbo sa utak ng isang 'to?

Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng highway kung saan may isang 24/7 na kainan. Masarap ang lomi dito, tuwing umaalis ako every December, kapag ditong gawi ang route ng destination ko o kaya e madadaanan hindi pwedeng hindi ako kakain ng lomi dito.

Para kaming ewan dalawa, ako naka-gown with slides at sya na naka tie and suit, hindi kami bagay sa lugar na ito. Pero bakit ba, wala namang standard or rules na bawal ang naka-ganito dito. Nakakahiya lang talaga kung iisipin ang sasabihin ng ibang tao, and I'm too fed up about getting opinions from other people.

"Is this Tarlac?" Tanong nya habang nakaupo kami at iniintay iyong order namin.

"Oo, natikman mo na ba ang lomi dito?"

Umiling sya, "Hindi pa pero sa Tagaytay na-try ko na, masarap naman."

"Masarap din dito promise."

I don't know how, kung bakit magkasama nanaman kaming dalawa ngayong hating gabi. I looked at him as he was fiddling on his phone. Bakit kaya naging close kami ng taong 'to? Dahil kay Erised?

Never pa ako naging malapit sa mga kagaya nyang tao, iyong mga mukhang responsible sa mga bagay-bagay, iyong kilala sa school, dahil wala naman akong masyadong nagiging kaibigan dahil palipat-lipat ako ng school.

At kung iisipin ko naman na close kami dahil sa nagkasama kami nung December, mukhang hindi naman sapat na dahilan yon. Ni hindi ko nga alam kung natatandaan nya pa lahat ng pinaggagawa namin non.  And I never expected na muli pa kaming magkikita.

Tahimik kaming kumain nung dumating ang lomi. I asked him kung masarap ba ang sabi naman nya oo daw and nag thumbs-up pa sya sakin.

Tahimik ko rin syang pinagmamasdan habang hinihipan nya ang lomi sabay subo. Nagkatinginan kami pareho dahil bigla akong natawa nang mahina. I pressed my lips.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon