10- Sneaky Colored Hair

101 15 30
                                    

#StayChapter10

I don't know what to feel. Really.

Isang araw at kalahati akong na-stress kakaisip kung paano gagawan ng paraan ang UTS assignment, I even dyed my hair with weird colors! I spent pretty expensive cash for this, I swallowed my uncomfortableness to make people touch my hair.

And then. Professor Viola didn't meet us today. Our next meeting with her will be next Tuesday next week. Kung nagkaroon lang ako ng instinct na hindi sya papasok edi sana hindi ko nalang pinakulayan itong buhok ko, dahil I still have four days to elaborate myself moreeeee!!!

These colors are definitely the most disgusting colors for me, I just thought that it's good to adopt new things for explaining how to loose myself, and it is stupid.

Mukhang hindi umaayon sa kagustuhan ko ang taong 'to. First, the course, I never wanted this Psychology course, and because of that I just made another thing that I don't like, dying these stupid colors to my hair.

"Do you think bagay rin sa akin ang ganyang kulay?" Tanong ni Cheryl sa akin habang naghuhugas sya ng kamay sa sink dito sa restroom.

"Huh? Bagay ba sa akin ang kulay na 'to," hindi ko maiwasang ipakita sa kanya ang pagka-disgusto ko.

Tumango naman ito, "Yep, maputi ka naman kaya bagay sa'yo and besides you have a very expressive eyes and also it matches your weird personality,"

I frowned for what she just said, "I'm not weird okay,"

She just shrugged and put some lipstick on her lips, I also tried it but just a little bit dahil masyadong matte and dark ang lipstick ng babaeng 'to.

"So what do you think, bagay ba sa akin?" Tanong nya ulit.

I rolled my eyes to her, "Don't you even try it's ugly,"

"It's not ugly Rain, it's cute and adorable kaya,"

"Whatever Cheryl," sabi ko at saka lumabas na ng cr.

It's friday and I'm still not comfortable with my hair, the subject for this hour is Purposive Communication, at nakuha ko na ang units non dahil ilang beses ba naman akong mag first year, kaya tuwing iyon ang subject ay lumalabas muna ako ng classroom at tumatambay sa dorm ko ng isang oras dahil 11-12 pm ang oras non.

Friday 1pm ang PE 1 namin at kahit ilang beses ako naging first year ay dropped ako sa subject na 'yon dahil hindi ko talaga pinapasukan, dahil hindi ako fan ng mga physical activities.

Tanghaling-tapat na pero nag-sspray pa rin ang mga utilities ng pamatay-lamok sa buong building at hindi maganda ang amoy no'n kaya hindi ko magawang umuwi don upang matulog.

If there's a place where you could sleep aside from dormitories, it would be the the library.

Malawak ang library at iilan lang ang estudyante roon. Tulad ng ibang facilities dito sa school ay kahanga-hanga rin ang interior design ng loob. Sobrang nakakalula ang taas ng bookshelves, yung ibang mga libro ay halatang luma na. Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili kung kailan ba na-establish and school na 'to.

Meron naman sa student handbook panigurado, di ko lang talaga binabasa.

As usual ay sa walang taong parte ng library ako pumwesto, kumuha ako ng malaking libro para pantabing habang natutulog, na ang title ay Wonders of the World, maraming pictures don kaya nalibang ako. Next goal ko talaga para sa susunod kong field trip ay out of the country, ang daming magagandang pasyalan ang nakita ko sa libro, iyong iba ay wala pa akong ideya at medyo nagulat pa ako dahil may mga ganoon palang lugar.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon