2- Big girls don't cry

113 21 39
                                    

#StayChapter2

Tama pala yata siguro ang laging paalala ng adviser namin na dapat sa mga malalaking bagay na gagawin mo kailangan planado, para handa na rin ang Plan A at Plan B mo kung estimated mo na maaaring may pwedeng aberya sa gagawin mo. See? Nakikinig ako sa kanya, yun nga lang hindi ko ina-apply sa buhay ko.

Hindi talaga kasi ako organize na tao, sa aming pamilya feeling ko ako ang pinaka pariwara kasi imagine, yung tatlo kong kapatid lalu na yung panganay, may plano na agad sila kung paano nila ii-spend ang weekend. Kung minsan tinry ko rin yon, kaso wala akong maisip na gawin dahil lahat ng maisip ko hindi ko kayang gawin at nakakatamad kaya sa 7:00 am to 10 pm na schedule iisa lang ang nakasulat REST. Yun lang gusto kong gawin, bakit ba?

Kamusta naman daw kay ate Rose na may schedule pa ang yoga niya at spa. At si kuya Renz may schedule din naman siya, pero karamihan don puro time for his imaginary character on computer babies, ugh. Yung bunso na si Rookie, meron pang time para magbake. At ako? Wala. Wala naman kasi akong alam gawin, eto lang, yung maglayas, at hindi yon nakakaproud.

Dapat talaga kasi may warning lahat ng bagay, yung tipong dapat may babala kung maganda ba o hindi yung kalalabasan ng gagawin mo, yung kaya mo na i-predict kung palpak ba or what. Sabagay, sabi sa pinakasikat na quote "Life is full of surprises" at nakaka-excite talaga ang salitang "surprises" pero kadalasan, yung surprises na yon e yuon pa mismo ang magiging dahilan ng disappointment mo.

Never pang sumagi sa isip ko na isa ako sa magiging target ng surprises of disappointment, bakit? Kasi sa tingin ko buong buhay ko disappointing na, I'm so dumb at many things, sa pagtakas lang yata ako matalino na hindi naman magandang ipagmayabang sa buong mundo.

"I'm so disappointed with your grades."

"I'm so disappointed to you."

"Nakaka-disappoint ang ginagawa mo."

Yan lagi ang litanya ni mama sa akin tuwi-tuwina. Konti nalang o siguro nasa punto na ako na isipin na ako talaga ang black sheep sa pamilya, but never kong nafeel na hindi ako mahal nila mama at papa, mabait sila kahit strikto, sakin lagi sila naka-focus dahil alam nila na I'm a troublemaker. Pero mahirap talaga kapag sa mga family reunion yung tipong kinukumpara ka pa?

"Oh hi! Rose! My dear, halika papakilala kita sa mga pinsan mo, paniguradong magkakasundo kayo ng panganay ko dahil parehas kayo na mahilig sa arts. I'll give you two a ticket for an exhibit. Balita ko na-exhibit na ang isa sa mga paintings mo sa isang sikat na gallery."

"Hi Renz! Big boy ka na pala! Congratulations nga pala at top 1 ka daw nitong quarter. Keep it up! I'm so proud of you."

"Rookie, the cute little munchkin. You are so cute. You baked all of these? O my god! You are so lovely."

And me?? Pinakamahaba sa lahat...

Ija, balita ko umalis ka nanaman? Ano ba ang plano mo?

Mag-aaral kang mabuti, look at your cousins, malapit na sila magtapos.

Kung hindi dahil sa tito mo hindi ka makakapag-summer.

Pakikuha nga ng baso diyan sa lamesa, magserve ka ng drinks.

Paturo ka sa ate Rose mo magpaint, baka dun ka na magaling hahaha.

Isa sa mga pagkakataon na iyon ay ang christmas evening, ayokong maharap sa mga relatives ko na todo puri sa mga kapatid ko. Hindi naman sa naiinggit ako, but my soul is full of insecurities already, mas lalu lang nilang dinadagdagan tuwing magkakaharap kami. Alam ko naman na hindi ako kasing galing at kapuri-puri kagaya ng mga kapatid ko, pero hindi na nila kailangan pa ipangalandakan right straight into my face.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon