Serdie's POV
Sabado na naman. Wala kaming pasok ngayon. Saan kaya ako pupunta ngayon? Nakakabagot dito sa bahay, ano? Hmmm. Alam ko na! Pupunta ko kay Yzabelle! Mwhahahaha!
-
Yzabelle's unit
Nandito ako ngayon sa labas ng unit ni Yzabelle. Di ko alam kung tutuloy ako. Hmmm.
Sige na nga...
*dingdong
Ang tagal ah. Kaya inulit ko.
*dingdong
Sino na naman ba yun? Jusmeyo naman, alas dyis palang ng umaga, oh. Narinig kong reklamo niya. Haha. Ang aga aga highblood itong babaeng 'to.
Pagbukas niya ng pinto...
Siya, O___O
Ako, ^___^
What are you doin' here?! Tanong niya sa akin.
Nothing. Pwede bang papasukin mo muna ako bago ka magsisigaw dyan? Mahinahon kong sabi.
Pinapasok naman niya ako.
So ano nga? What are you doing here in this early morning?! Nakalunok ba siya ng megaphone?!
Wala nga! Kakulit naman, oh. Wala kasi akong magawa sa bahay, e. Kaya naisip kong pumunta dito. Tara maglibot. Oo, maglilibot kami kahit saan. Ang alam ko lang, gusto ko siyang kasama. :)
Saan naman tayo pupunta?
Anywhere. Dali na! Tinulak ko siya sa kwarto niya para makagayak.
Okay okay! Just wait, okay? Sinarado naman niya yung pinto.
Umupo muna ako dito sa may salas. After ilang minutes nakabihis na siya.
She's wearing denim dress and flats. I know she's kinda beautiful. Lalo akong mahuhulog nito. -____-"
Saan ba kasi tayo pupunta? Tanong niya sa akin.
Ang aga aga nakabusangot ka. Kaya nilamutak ko yung mukha niya. Haha. Inayos ko yung kilay niya, nakakunot kasi.
Pero saan nga ba kami pupunta?
Somewhere down the road? Yan lang ang nasabi ko. Hahaha.
Niloloko mo ba ko? Ano?! Saan nga?
Kahit saan. Tara! Hinila ko na siya papunta sa kotse.
Ahm. Amusement Park? Hm. Sige!
-
Dito mo lang pala ako dadalhin sana sinabi mo man lang para di ito ang naisuot ko. Nagpapadyak pa siya. Haha. Parang bata, e.
Oo nga pala, di siya mageenjoy pag ganito suot niya.
Kaya naman hinila ko siya sa isang shop. Mga damit naman.
Kumuha ako ng shorts and tshirt. Tutal, naka chucks naman siya, e.
Oh isuot mo. Iniabot ko sa kanya yung binili ko.
E ikaw? Tanong niya sa akin. Okay naman yung suot ko ah? Pedal and polo?
Okay na ako.
Ang baduy mo! Sabi niya sa akin sabay pasok sa fitting room.
Ha? Baduy ba?!
Miss, okay lang ba yung suot ko? Tanong ko sa isang saleslady.
Honestly, sir. Medyo di bagay yung polo mo, e. Ito po oh. Buy 1 take 1 po yung nakuha niyo sa babaeng kasama niyo. Ito po yung isa. Mas okay na po yung tshirt sir. Iniabot niya sa akin yung tshirt na kapareho ng kay Yzabelle.
BINABASA MO ANG
Is Crush Remains as Crush? [A Short Story]
Short StoryCrush? Siya yung taong nagpapakilig sayo kahit di niya alam. Siya yung taong pinapasaya ka kahit di niya alam. Siya yung taong masilayan mo lang kahit isang minuto buo na araw mo. Pero hanggang 'don ka lang. Hindi naman ako nag-eexpect na magustuha...