Pagkayari kong sabihin yun. Tumingin ng masama sa akin si Yzabelle.
Pero yung lola niya,
^_______^v
Yzabelle, what can you say? Tanong niya kay Yzabelle.
Hindi makatingin sa akin si Yzabelle. But she's blushing. :)
Are you kidding me?
Di pa rin siya makatingin sa akin.
I'm not kidding. It's true. Nakangiti kong sambit sa kanya. Kaya naman natatawa yung lola niya.
Hijo, maiwan ko na muna kayo. Yes, you can court her. Hija, magpapadala nalang ako ng merienda dito. I need to rest. Have a good time. Iniwan niya kami ni Yzabelle dito.
Narinig mo ba yun? Ligawan daw kita. Tinabihan ko siya sa may upuan.
E pano kung ayoko? Ouch.
Di ako titigil.
Di mo naman na kailangan gawin to. Diba ang gusto mo lang naman si Nadine? This time tiningnan niya na ako sa mata.
Ewan ko rin, pero mula ng magpanggap tayo, may iba akong naramdaman. Totoo naman kasi, e.
Kung ano man yung nararamdaman mo, naramdaman ko rin. Pero please, subukan naman nating pigilan, oh. Maluha luha na siya ng sinasabi yan at tsaka siya napayuko.
What do you mean? Na kakalimutan nalang natin yung nararamdaman natin parehas? Yun ba ang ibig niyang sabihin?
Oo. Sa tingin ko, kailangan.
Please, Yzabelle. Why don't we try it? If nagwork, edi ituloy natin. And if its not, edi wag. I hold her hand. And try to please her.
Let me think about it first, Serdie. Binitawan niya yung kamay ko at umiwas ng tingin.
Pumasok na siya sa loob ng mansyon, ako? Naiwang tulala dito. Masyado ko siyang nabigla?
What happened, hijo? Lola niya.
I don't know, ma'am.
Lola nalang hijo. Lola Mila. So Mila is the name.
I like her, Lola. Sabi ko sa kanya.
He likes you too, hijo. Nakangiti pa siya habang sinasabi iyon sa akin. Kaya naman napatingin nalang din ako sa kanya.
Nagsalita ulit siya, You know what, Serdie hijo. I know you know her for how many years. And I know you know that she likes you. Walang ibang hiniling ang apo kong iyan kungdi sana raw ay mapansin mo siya kahit minsan.
Bakit niyo po sinasabi sa akin ito? Tanong ko sa kanya.
Para malaman mo. Kung totoo nga yung sinabi mo, hijo. Wag mo siyang sasaktan. Hindi mo pa kilala si Yzabelle. Napakahina niyang tao pagdating sa pag-ibig. Pero kapag yan bumangon, umasa ka. Mangyayari ang ayaw mong mangyari. Sounds creepy. -____-
Sisiguraduhin ko po kung totoo ba talaga itong nararamdaman ko. Oo, tama! Let me figured it out first. Dapat hindi padalos dalos.
Sige hijo. Umuwi na kayo. Malayo pa ang byahe niyo. 5:00pm na pala. Akala ko dito kami matutulog. -___- Ang sarap kasi sa lugar na to. Napaka refreshing.
Pumasok si Lola Mila para tawagin si Yzabelle.
After ilang minutes lumabas na siya.
Tara na umuwi. Baka hinahanap ka na sa inyo. Aya niya sa akin at muling ibinalik kay Lola niya. Lola, babalik nalang po ulit ako dito, ha? Take care of yourself. Always take your medicine. Aling Hellen at Mang Kanor, at kayo mga kuya, sabay turo sa mga gwardya... Madali lang po yung trabaho niyo ah? Take care of my lola. Babalik nalang po ulit ako dito. Natatawa nalang si Lola Mila.
BINABASA MO ANG
Is Crush Remains as Crush? [A Short Story]
Short StoryCrush? Siya yung taong nagpapakilig sayo kahit di niya alam. Siya yung taong pinapasaya ka kahit di niya alam. Siya yung taong masilayan mo lang kahit isang minuto buo na araw mo. Pero hanggang 'don ka lang. Hindi naman ako nag-eexpect na magustuha...