Yzabelle's POV
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong mahulog sa kanya hangga't maaari. Hanggat maaari, hanggang crush lang. Di pa ako handa, dahil baka masaktan lang ako... pero hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon, gusto ng puso ko pero ayaw ng isip ko...
Yzabelle!
May tumawag sa akin...
Lumingon lingon ako and there I saw, Serdie.
Tumakbo siya palapit sa akin.
And by the way nasa school ground kami. Pauwi na kasi ako.
Iniiwasan mo ba ako? Tanong niya sa akin.
No. Bakit? May kailangan bang ikaiwas?
Di ka nga makatingin ng diretso sa akin e. Sambit niya.
I look straight at him. Oh ayan, happy now? Sabi ko at tsaka lumakad palabas ng university.
Pero hinabol pa rin niya ako.
Mag usap tayo! Wala na akong nagawa, hinigit na niya ako sa kotse niya.
Pinaandar niya na ito at hinarurot.Pakiramdam ko lilipad na yung sasakyan sa sobrang bilis.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop.
Look, I'm sorry kung ano man ang nagawa ko, Yzabelle. But I'm just telling the truth. I like you, Yzabelle. And I think, I love you. Hindi ako makapagsalita. All I know is, sumasakit ito. Yung puso ko. Ewan ko.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sayo, Serdie. Diba sabi mo gusto mo lang mabawi si Nadine? Kung kasama to sa plano mo sana sinabi mo. Para nakatanggi man lang ako. Maluha luha kong sabi sa kanya.
Hindi kasama ito Yzabelle. Hindi ko rin alam kung akong nangyari sa akin. Masisisi mo ba 'to?! Sabay turo niya sa puso niya.
Hindi pwede. Hinding hindi pwede.
Mahal na kita Yzabelle. At tuluyan na ngnbg pumatak ang luha ko. Ewan ko...
Dahil ba sa tuwa dahil sa wakas ay nasagot na ang matagal kong hiling... ang mapansin ako ng taong gusto ko.
O sa sakit na nararamdaman ko...
Dahil alam kong mali. Hindi pwede. Kinakailangan kong pigilan ang nararamdaman ko. Para sa kaibigan ko ito...
Sorry, Serdie. Gustuhin ko mang mahalin ka, pero hindi pwede.
Bakit? Bakit hindi pwede?
Masyadong mabilis, Serdie. Hindi mo pa ko kilala at hindi pa kita kilala.
Mabilis ba yung halos walong taon na tayong magkakilala?
Magkakilala lang, Serdie.
Hindi ko na talaga napigilang umiyak. Maski siya, napaiyak na rin.
Akala ko iba ka Yzabelle. Kaya ikaw ang napili ko kasi gusto mo ako. Pero kahit pala gusto mo ko, hindi mo ko makuhang mahalin. Marahan na sambit niya.
Sorry. Maybe not this time. But someday. Tumayo na ako sa kinauupuan at umalis na.
Malabo na ang nakikita ko dahil sa mha numumuong luha sa mata ko.
Hanggang sa nakisabay na ang langit sa pagdadalamhati ko...
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa napatigil ako sa isang lugar...
Isang lugar kung saan ko unang nakita si Serdie nang mga bata pa kami.
Sa Playground.
Naalala ko pa nung nakita ko siyang nagiisa dito, samantalang ako ay nakikipaglaro sa mga bata dito.
Wala akong ibang ginawa kungdi pagmasdan lang siya. Dahil para siyang kawawa na nakamasid lang sa mga batang nasa paligid.
Nasabi ko sa sarili ko na, someday mapapansin niya rin ako. Hanggang sa nag high school kami at dun ko siya natagpuan. Ngunit hanggang tingin lang ako.
Ngayong malapit na kong magtapos ng kolehiyo. Nagtapat siya sa akin, ang matagal ko ng pangarap...
Kung kailan nandiyan na tsaka ko pa tatanggihan.
Dahil alam ko sa sarili ko na, di rin kami tatagal... ngayon pa't nalaman ko na stage 2 na ang cancer ko.
Mas mabuti na yung ganito... hanggang dito lang, dahil ito pang matagalan. Pero kapag naging kami, may hangganan. Gaya ng destiny thingy ko... only in fairytales.
And forever? Sa Neverland lang uso yun, kay Peter Pan at Wendy lang nag exist iyon para sa akin...
Pinili ko ang ikabubuti ng lahat, dahil gusto ko, mawala man ako... walang masasaktan.
BINABASA MO ANG
Is Crush Remains as Crush? [A Short Story]
Cerita PendekCrush? Siya yung taong nagpapakilig sayo kahit di niya alam. Siya yung taong pinapasaya ka kahit di niya alam. Siya yung taong masilayan mo lang kahit isang minuto buo na araw mo. Pero hanggang 'don ka lang. Hindi naman ako nag-eexpect na magustuha...