CANON
Fvck!! This headache sucks..
Dahan dahan akong bumangon..
Anong nangyari kagabe?
Bat parang hindi ako nagising sa bangungot na napanaghinipan ko kagabe..
Kadalasan nagigising ako pag ganon pero matapis kong managhinip, tanging kadiliman lang yung nakita ko..
Napalingon ako sa gilid ko..
Naningkit yung mata ko nang makita yung empty container ng antidepressants ko malapit kay Samji na nakasubsob sa laptop nyang nakapatay yung screen..
Dahan dahan ko yong kinuha at laking gulat ko sa mga nakabukas na tab don..
"Treatment for double personality distorder, ******* antidepressants--" natigilan ako sa pagbabasa nang naglandas ang kirot sa sintido ko..
Hinde..
This can't be happening..
Not this headache again..
Tumakbo ako sa bag na dala ko pero wala na talaga kong gamot.. Ubos na..
Agad kong kinuha yung susi ng sasakyan saka ko kinuha yung container ng antidepressants at nagmadaling bumaba..
I need this medicine right now..
Dahil alam kong magbablack out na naman ako anytime.. At pag nangyari yon, siguradong may mga bagay akong magagawa na di ko naman alam...
"Oh, iho? Aalis ka?" Tanong sakin ng lola ni Sam nang makita nya kong pababa sa makipot na hagdan..
"O-Opo.. Bibili lang po ako ng gamot ko.." Sabi ko saka ngumiti..
"O sige.. Balik ka kaagad ha? Magluluto ako ng masarap na almusal.." Nakangiting sabi nito kaya tumango ako..
Halos paliparin ko na yung sasakyan para lang nakarating agad sa bayan kung saan may botika..
"May ganito kayo?" Hingal na sabi ko sa nasa counter na halatang nagulat dahil sa pagsulpot at paglapag ko ng container sa harap nya..
"A-Ah.. Opo sir.. May prescription po ba kayo?" Sabi nito kaya halos uminit yung ulo ko..
"Just give me my Damn medicine!!" Naiinis na sabi ko..
"P-Pero sir hindi po namin to binibigay ng walang reseta ng doktor.." Takot na sabi nya..
Walang sabi sabi kong kinuha yung phone ko saka kinontact si Dr.Asakura
"I--I'm at a drug store and they don't want to give me my medicine.."
"What?? Why? Hindi mo ba dinala yung reseta mo?" Tanong nya..
"No I didn't.." Hingal na sabi ko dahil sobra na talaga yung sakit ng ulo ko.. May parang matulis na bagay na kinakaskas sa bungo ko..
"Ibigay mo sa kanila yung phone.." Sabi nito kaya inabot ko sa babaeng nasa counter yung phone na ipinagtaka naman nito.. Sumubsob ako sa counter para masuportahan yung balanse ko dahil nahihilo na ko..
"H-Hello? Po?? Okay po.. Oh my God!! Sorry po!!! O--Okay po!!" Sabi nung babae saka nagtatakbo paalis sa counter..
Kinuha ko yung phone ko sa countertop saka kinausap ulit si Dr.Asakura..
"Onel!!? Are you still there??" Tanong nito..
"Y-Yeah.. I'm having a headache a-again.." Sabi ko saka sumandal sa pader sa sulok habang hinihintay ko yung gamot ko..
Nararamdaman ko na rin yung malamig na pawis ko..
"You can do it!! Overcome your fear alam mong matitrigger nyan yung pagbablack out mo.. Sabi naman sayo, attend to your treatment sessions pero ilang buwan ka nang di bumabalik dito.." Sabi nya na hindi ko na maintindihan..
![](https://img.wattpad.com/cover/162204966-288-k698105.jpg)
BINABASA MO ANG
Pag Tumingin Ka Akin Ka
RomancePag lumingon ka, akin ka.. Sapat ba ang mga salitang yan para mapasakin ka? Pano kung lahat ng inaakalang mong ayos na, komplikado pala.. Pano kung sha mismo ay naguguluhan sa sarili nyang katauhan.. Would you love a man that doesn't know himself at...