Ninth look

61 4 0
                                    

6 days passed..

"Yehey!!!! Approved na yung leave ko!!" Masayang sigaw ko sa unit nang makita ang vacation leave ko na pinadala kay si Ulysses.. Hihi!!

Muntik na kong mahulog sa kama nang may biglang nagdoorbell..

Agad akong tumakbo papunta sa pinto dahil baka eto na yung inorder kong pizza..

Pero pagbukas ko....

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Canon na may bitbit na malaking packpack at isang travelling bag..

"Tara na!!" Parang excited na sabi nya..

"Huh?" Tanong ko..

Wala akong maalalang aalis ako ngayong araw dahil una sa lahat.. Dayoff ko naman.. -_-

"San tayo pupunta?" Bored na tanong ko saka pinagkrus ang kamay ko sa dibdib ko atsaka ako sumandal sa pinto..

"Aba san pa!! Edi sa Pampanga!! Aakyat tayo sa bundok ng Arayat!! Sa 14 station!! Sa white rock!! Tapos kakain ako ng maraming sisig at--"

"Teka!!!!! Awat muna!! FYI day off ko ngayon!? DAY OFF.. Ibig sabihin pahinga ko--"

"Walang day off- day off saken.. Mag empake ka na.." Seryosong sabi nya.. Baliw ba to?? Abno.. Bigla shang pumasok sa unit ko at naghalungkat sa ref ko.. Kapal ng mukha.. -_- sarap tanungin ng.. "Condo mo to?? Condo mo??"

Parang kahapon lang natulog sha sa opisina at ginawa akong guard..

Tsk!! Makapag empake na nga.. -_- wala na kong magagawa.. Isa pa.. Tipid pamasahe din naman dahil alam kong may sariling sasakyan yan..

Habang nag eempake ay biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kahapon habang binabantayan ko sha..

FLASHBACK

Naupo lang ako sa tapat ng mesa nya at nagpipindot sa phone.. Makapag Mobile Legends nga muna..

Habang nagrarank game ako ay narinig ko shang umungol kaya napalingon ako sa kanya..

Pero agad ko ring ibinalik yung tingin ko sa laro.. Ilang saglit pa ay narinig ko na naman shang umungol at naikuyom pa nya yung kamao nya.. May kasex ba to sa panaghinip kaya ungol ng ungol?

"Caroline.." Dinig kong sambit nya.. Sakto namang natapos yung laban at nagnotified na "VICTORY!!!" kaya di ko narinig ng maayos yung sinabi nya..

"Uy!! Nananaghinip ka.." Sabi ko sabay hampas sa braso nya..

Pero umungol lang ulit sha..

Ilang sandali pa ay naglaro ulit ako.. Hanggang sa kakalaro ko ay hindi ko na namalayan yung oras..

"Hmmh!! Caroline.." Ungol pa nya pero ngayon.. Mas malinaw na..

Caroline? Sino yon? GF nya?"

Napansin kong bumibigat na yung paghinga nya at nagsasalubong na yung kilay nya kaya alam kong hindi na maganda yung panaghinip nya..

Kaya napagdesisyunan ko nang gisingin sha kaya inalog ko sha ng inalog hanggang sa magising sha.. Sinabi ko nalang na oras na para umuwi at wala akong binanggit sa kanya tungkol sa nangyare..

Pero sino ba talaga si Caroline?

Naisipan ko non kumain ng candy para di nya mahalatang kinabahan ako dahil sa kanya..

Nakakapagtaka yung nakita ko sa trashcan..

May isang empty bottle ng antidepressants at nakaibabaw yon sa mga gamot na halatang itinapon don..

Pag Tumingin Ka Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon