CANON
Nagising ako ng masakit yung ulo ko..
Anong nangyare?
Ang naaalala ko nasa bayan ako at bumili ng gamot ko..
Nagising ako na nakasubsob si Sam sa tapat ng laptop nya na nakapatay na yung screen..
Wait..
Parang nangyari na to a?
Madaling araw pa lang pala base sa orasan sa ibabaw ng lamesa..
Inayos ko yung pagkakahiga ni Sam dahil baka hindi na sha makahinga sa pagkakadapa..
"Hmmh.." Nagulat ako nung nag ayos sha ng pagkakahiga habang buhat ko sha para ayusin..
"S-Sam.. Umayos ka nga.. Para kang ewan.." Sabi ko kahit alam kong hindi naman nya ko maririnig..
"Hmmh.." Ungol nya saka ako niyakap..
Tsk!!
Mukha shang pagod..
Kinuha ko yung laptop nya at may nakita akong mga tab na nakabukas pa..
Pero etong nakaopen na tab ay yung facebook account nya..
"Anual party gathering?"
Basa ko sa isang post sa timeline nya..
Nacurious din ako sa nakaopen na chat box..
At nainis ako for some unknown reason nang mabasa ko yung conversation nila mula sa taas..
"Darating kaya yung weirdong si Sam?" Sabi nung babaeng nagngangalang Kimberly Montero
"Hoy wag nga kayong ganyan, nagbabasa sha oh.. Na-seen nya dars!!" Sabi naman nung Paula David
"Hoy!! Mas matino pa nga sa inyo si Sam kaya shut up nga kayo.." Sabi nung Niro Natividad..
"Mas prefer lang talaga nya kameng kasama noon kesa sa mga plastic na gaya nyo.. ;P" sabi naman nung Jared Canlas
"Humanda kayo sa Anual Ball.." Sabi naman nung Jerold Santillan
"FYI Isasama namin yung mga boyfriend namin.. Paki sabi sa kasama nyong wallflower na isama din nya BF nya.. Ay wait.. Wala nga palang papatol sa panget na flat hahaha!!" Sabi naman nung Christy Villanueva
Dun nagtapos yung conversation..
Tiningnan ko yung babaeng natutulog sa tabi ko at nakadantay pa yung paa sa binti ko..
Loko to ginawa akong unan..
Di naman sha flat..
Di lang talaga sobrang laki ng boobs nya.. Sakto lang..
--
Pagsikat ng araw ay nagulat yung maglola nang madatnan na may nakaluto nang ulam sa mesa..
"Pasensya na po kung nakialam ako sa kusina nyo.." Sabi ko..
"Ay apo.. Ano ka ba.. Ayos nga yan at nang matikman ko naman yung luto mo.. Ano ba yan iho?" Sabi nung lola ni Samji saka sinilip yung kaldero..
"Uy!! Aroskaldo, paborito yan ni Sam-Sam.." Sabi nito saka pa ngumiti ng nakakaloko..
"E-Ehehehe.. Ganon po ba?" Sabi ko saka ipinagsandok si Lola..
"Lola? Ano po ba yung " Panget" sa kapampangan?" Tanong ko..
"Matsura yun yung panget sa kapampangan.." Sabi ni Lola na parang nagbibigay ng trivia.. Hahaha!!
Tinawag ko yung nakadukmong si Sam sa lamesa..

BINABASA MO ANG
Pag Tumingin Ka Akin Ka
RomansaPag lumingon ka, akin ka.. Sapat ba ang mga salitang yan para mapasakin ka? Pano kung lahat ng inaakalang mong ayos na, komplikado pala.. Pano kung sha mismo ay naguguluhan sa sarili nyang katauhan.. Would you love a man that doesn't know himself at...