Minsan ba iniisip mo kung gaano ba tayo kahalaga sa mga taong mahal natin buhay?
Masaya ba silang nandyan sa tabi ninyo at tinutulungan tayo?
At hanggang kaylan kaya sila nandyan pra mahalin at tarugain tayo?
Naka-upo ako minsan sa bukid... blangko ang isip ko.. sa totoo lang ayaw kung mga isip ng kung ano ano gusto ko lang damhin ang simoy ng hangin...ang kapayapaang dulot nito sa aking isip at lamig sa aking mga balat..
Sa totoo lang nalulungkot ako sa mga bagay na hindi ko maipaliwanag.. depresyon ata ang nararamdaman ko..hindi ko mawari minsan bigla tutulo ang luha ko ng di ko namamalayan... hindi ko alam ang gulo ng utak ko.. gusto ko lagi mga-isa sa hindi ko mapaliwanag na dahilan...
Gusto kong humungi ng gabay o payo pero parang kapag nakaharap na ko ng taong gagawa para akin.. natatakot akong sundin ang mga payo nila... gusto ko sumaya pero parang di ko kayng gawin.. pakiramdam ko nag-iisa lang ako walang karamay at pilit pang binabaon ng panahon kung nasan ako ngaun...
Sa totoo lang hindi ko lam ang tama kung gawin para maging maayos ang lahat..
Napapatanung tuloy ako minsan bakit kasi hindi nalang ginawa ang lahat ng tao ng pantay pantay sa lahat ng bagay...
bakit ba kailangan mahirapan kung pwede namang hindi...
“Yung kahit gaano ka pa kagaling magpayo, kapag ikaw na mismo ang may problema, hindi mo na alam ang gagawin mo.”
Ang wierd ng pag iisip ko nuh parang kalsada hindi mo alam kung saan talaga ang katapusan ng lahat dahil may liliko, dederesto tapos liliko ulit ng di mo inaasahan..
Nasa kalagitnaan na ko ng buhay ko.. at ito ako hindi koo padin makita at mahanap ang tunay ng misyon ko sa mundong ibabaw.. sana sa third quarter ng buhay ko matagpuan ko na ang mga sagot sa tanong ko...