Nalimpungatan si lara dahil sa pakiramdam na parang may kasama sya. Nakita nya si Aris na nakaupo sa rocking chair na malapit sa bintana, Tumuwid ito ng upo at tinitigan sya...
" Hindi ko akalaing ganito ang trato sayo ni Lolo, mukang kinagigiliwan ka ng husto, senyorita Lara" nanunuyang salita nito.
Umupo siya at mula sa pagkakahiga.." Ano ginagawa mo dito'? paano ka nakapasok? " Nabigla sya ng nakita nya itong nasa loob ng kwarto nya.
Tumawa ito ng mahina. " Ano? anong ginagawa ko dito? tinanung mo pa ako? Ofcourse! bahay ito ang lolo ko. LoLO ko at ako ang apo. Ang lolo ko ang may-ari ng bahay na ito at ako ang apo, Natural bahay ko din ito.. Eh ikaw anung ginagawa mo dito? "
Natahimik sya sa sinabi ni Aris tama ito wala syang karapatang magtanung ng ganun dahil sampid lang sya, Para syang sinampal dahil sa kahihiyan. " Hindi ko ginusto ito, ang Lolo mo ang may gusto nito Alam ko kung saan ako lulugar sa bahay na ito kaya sana tratuhin mo akong kaibigan o kung ayaw mo kahit respeto lang sa harap ni lolo." mahina nyang salita.
" Sabagay pwede na rin," tatango-tangong sagot nito " Pero wag mo aasahang makukuha mo ang lahat ng gusto mo" Tumalikd na ito at lumabas ng kwarto.
>>>>>>>>><<<<<<<<<<
" Langya Tol hindi ka man lang nagpasabi!!! eh di sana nakapaghanda ako ng kahit na papaano para sa pagdating mo!" Salubong nito sa kanya at bahagyang sinuntok ang kanyang tiyan. Nagtuloy sila sa sala ng bahay nito.
" ToL nanndyan ba si Tita Minda? Gusto ko sana magpakita muna, " tumingin sya sa paligid.
" Wala tol nag out of town sila ni Daddy alam mo na Business." lumabi ito " So ano? Gimik tayo mamaya! May gig kami mamaya..for sure sasama si Glen at magugulat un kapag nakita ka! ano sama ka? "
Napaisip sya OO nga pala may Banda pala ito at isa ito sa Vocalist ng grupo. " Saka na Tol Magpapasukan na eh kakadaan ko lang ng ST. CLEMENT kanina buti nalang nakahabol pa mga papers ko." nakangiting salita nya.
Namilog ang mata ni Josh. Saka tumayo " Anak ka ng tinamaan pare! Mag-aaral ka dito?" Wow!" Amazed na sagot nito. " Ano nangyari bakit ngayun mo lang naisipan o ni tito at tita? "
" Napaaway ako sa Pinapasukan ko sa maynila, Anak palang ng isa sa may-ari ng eskwelahan eh malay ko ba ang yabang eh .Kaya iyon pinatapos nalang ako ng Third year at ayaw nadaw nila makita ang pagmumuka ko. The rest is history" ngumisi sya...
" Eh and dami mo namang malilipatan na ibang eskwelahan bakit dito pa?" Teka Tol kwentuhan tayo ng kwentuhan wala tayong foods" Tumayo ito at nagpunta sa kitchen. Maya-maya pa bumalik na ito. " Nagapahanda na ko ng makakain, Umupo ulit ito sa harap nya.
" Hindi ko na natangihan si Lolo ang beside hina-hunting ako mga ka-tropa nung naka-away ko "