Nagising nanaman siyang may mga luha sa kanyang mga mata. apat na taon mahigit na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa paglubog ng bangkang sinakyan nito. Lumuwas ang mga ito sa probinsya ng kanyang ama upang dalawin ang nag iisang kapatid daw nito subalit ang tinutukoy na kapatid oh tiya niya ay hindi pa niya nakikilala sa tanang buhay nya sa madaling sabi nag iisa na siya ngayun sa buhay. At swerte nalang ng kinupkop siya ng matandang Oliveros dahil matagal ng nagtratrabaho ang ama sa pamilya nito kaya napagpasyahan ng matanda na kupkupin siya. 71 yrs old na ito at Nag iisa nalang ito sa mansiyon at mga katulong lamang ang mga kasama at isang nurse na umaagapay dito. Pero makikita parin ang kalakasan at tikas nito.
May isang anak ito na lalaki at may pamilyang naninirahan na sa maynila. Simula ng tumira siya sa bahay na iyun ni minsan hindi nya pa ulit nakita ang anak nito at ang laging kwenekwento na apo nito. Si Aris, maliban na lamang sa litrato, Ayun kay Lolo Miguel 16 anyos na ang apo nito at binata na kung tingnan, Sa mga nakikita nyang litrato nito matangkad ito na umabot na ata ng 5'8 at tatangkad pa sa tingin niya, ang mga matang hindi na makita sa pagkakangiti ang nagpapakita rito kung gaanu ito kasaya sa mga litrato. Alam niya ang disgusto ng mga magulang ni Aris sa pagdating nya sa buhay ng mga ito dahil kinupkup siya ng matandang Don.Isa na siguro ang dahilang nararanasan nya ang mabuhay na maluwag subalit hindi nya inaabuso ang kabaitan ng matanda sa kanya, hanga't maari pinaglilingkuran nya ito ng taos sa kanyang puso. hindi nya tinatangap ang lahat ng bibigay nito maliban na lamang kung nagtatampo na ito. Masaya na sya at utang nya ang buhay nya dito dahil nakakapag-aral sya sa magandang eskwelahan, at itinuturing siyang tunay na kaanak nito. Noong una ay tinututulan nya ang pag aaral nya sa pribadong paaralan at sinabi nyang kahit sa public school lamang sa bayan subalit mahigpit iyong tinutulan ng matanda. At sa bandang huli ito ang nanalo sa diskusyon nila, ayaw nya lamang may masabi ang kaanak nito na inaabuso ang kabaitang ng Don.
Alasais na ng umaga kailangan na nyang bumangon at ipaghahanda nya ng gatas si Lolo Miguel nakasanayan na niya iyun araw-araw na syang ikinatutuwa ng matanda. Sinuklay nya ang mahaba at kulot nyang buhok at itinali pa pigtail. Sinipat nya ang kanyang sarili sa salamin ,Siya si Lara, Sino nga ba ang mag aakalang kinse pa lamang sya? sa taas nyang 5'4 maputi at makinis ang kanyang kutis na nakuha nya sa kanyang ina at sabi ng kanyang mga kaibigan muhka na daw syang 18 yrs old. Ngumiti sya sa salamin ng bahagya at napalis din pagkaraan, muli naalala na naman nya ang kanyang mga magulang bago pa sya muling maiyak lumabas na sya ng kwarto at tumuloy sa kusina.
" Nana Miring Magandang umaga po gising na po ba ang lolo? " Masigla nyang bati.
" Magandang umaga rin sayo hija, Magaang nagising si Don Miguel kalalabas lamang niya papuntang hardin"
" Ah sige magkakanaw lang po ako ang gatas" Akmang kukunin gagawa na sya ng pinigilan sya ni Nana Miring.
" Nakung bata ka oo, Ok na nakainum na ang Lolo mo hala ikaw nalang ang magtimpla para sayo."
"Mamaya nalang Nana,Salamat po" tumalik na sya at pumunta sa hardin
" Magandang umaga LoLO, Nawala na po ba ang pananakit ng tuhod nyo? At mukang masaya kayo ha? "
" Oo naman iha, paano'y tumawag si Greg uuwi daw dito ang akin apo! dito na daw itutuloy ang high school....graduating din iyung tulad mo, natutuwa akong makakasama ko ng matagal ang aking apo sabik na sabik na akong makita sya!"
" ganun po ba Lolo magandang balita po kung ganun!" Nabigla sya sa nalaman nya pero hindi nya pinahalata sa Don.
Naluluha subalit nagnining sa kagalakan ang mga mata ni Lolo Miguel. Masaya siya para sa matanda pero may kaba siyang naramdaman sa balitang nalaman nya kaba at excitment sa hindi nya malamang dahilan tuwing maririnig nya ang pangalan ni aris maladas bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso.
" Malapit na ang pasukan iha isang linggo nalang at sa makalawa ang dating ni Aris siguro ay mahuhuli na sya sa pasimula ng klase, Anyway iha wag mong pababayaan si Aris sa eskwelahan kapag nandoon na sya hanga't maari i guide mo sya"
" Opo Lolo " Napahugot sya ng malalim ito na ang kinatatakotan nyang dumating sa buhay nya na makaharap ulit ang nag-iisang prinsipe ng mga Olivares, Sa kasamaan ng ugali nito sa kanya noon .... sana ay matiis nya ngayun....Hindi nya ito masisisisi sa kadahilanang sumasampid lamang sya sa pamamahay ng pamilya nito.
>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<
Tatlong gabi na halos hindi sya makatulog dahil sa kaisipang darating na si Aris sa mansyon, marami syang nararamdaman na hindi nya mapaliwanag.Hinihiling nya na sana maging ok ang lahat at matanagap na siya nito kahit papaanu . Hindi nya ito masisisi dahil hindi sya itinuturing na parang katulong sa bahay dahilna rin sa utos ni Lolo Miguel. Subalit lingid sa kaalaman nito ay tumutulong sya sa mga kasambahay katulad ng paglilinis ng bahay, pagluluto kahit papaanu kapag madali, kahit ang paglalaba na sobrang tinututulan ni Nana Miring subalit ipinipilit nya kaya walang nagagawa ito. Matagal ng naglilingkod si NanA sa pamilya ng mga Olivares kaya ang Pamilya nito ay mismong sa likod bahay na ng mansyon nakatira Parang katiwala na sa madaling sabi. Mabait ito sa kanya at parang pangalawang ina ang turing niya dito. Ang asawa nito ay maagang binawi ng maykapal at may isa itong anak na babae kaso ay nasa maynila na at doon nagtratrabaho.
" Lara batang ito bakit kapa nakikigulo dito sa paglilinis ng kwarto ni senyorito Aris, hala lumabas ka at puntahan mo nalang si Don Miguel"
"Nana naman napaka gaan ng gawainng ito kung ikukumpara sa kabutihan nyo dito sakin hayaan nyo na ako" nakangiting sabi nya.
" Anak tama na samin ang pagiging mabuti at masunuring bata iyun lamang ay masaya na kami at tandaan mo mahal ka namin ditong lahat hindi lang si Don miguel maging kaming mga kasambahay dito, Nakikita naman naming naging masaya si Don miguel simula ng dumating ka dito sobrang kinagigiliwan ka nya " masiglang salita nito habang nagkakabit ng kurtina.
" Nana tagala naluluha na naman ako, napakabuti nyo talaga sakin, maraming salamat po tagala, "
" Mamayang gabi na ang dating ni Senyorito Aris sana eh makasundo mo na sya, hindi katulad ng dati na halos parang hindi ka nya nakikita at hindi kayo nagpapansinan " Lumingon ito at malungkot na tumingin sa kanya. " Nag seselos ata at nararamdaman nyang napupunta sayo ang atensyon ni Don miguel kesa sa kanya. medyo may katigasan kasi ng ulo ang batang iyon, pero alam mo bang may kabaitan ding itinatago un ?"
"Nana lahat naman po ng tao ay may tinatagong kabutihan sadya lang po siguro na tago ang paraan nya nga pagpapakita ni Aris ." nakangiting sabi nya sa matandang babae.
Pagkatapos ng kwarto ay nagtanghalian na sila at sa hardin naman ang kanilang inatupag ayaw nyang may masabi si Aris sa kanya na nagbubuhay Prinsesa siya sa mansyon ng mga Olivares baka kung anu anung masasakit na salita ang lumabas sa bibig nito at hindi na nya makayanan ang hiyang nararamdaman sa pamilya nito... Lumipas ang maghapon na wala pang dumarating na Aris. Halata na ang pananamlay ng Don, Umakyat na ito ng kwarto para magpahinga, alas-dyes na ng gabi mukang hindi na darating ang hinihintay nila. Nagkanya-kanya ng pasok sa mga kwarto ang mga tao sa masyon tanging sya lang ang natira sa sala. Naisipan nyang lumabas at pumunta sa duyan upang magpaantok. Inuugoy ng kanyang paa ang duyan habang nakatingin sa madilim na kalangitan, Magaganda ang mga nagkikislapang mga bituin at napakarami hindi nya mabilang.
" Sanay nakikita nyo akong nasa mabuting kalagayan ngayun itay, inay ' mahinang bulong nya.
Sa pagbaba nya ng paningin, May nakita syang tao na papalapit sa kanya................