PROLOGUE

82 15 1
                                    

Pumasok sila ng kanyang ama sa isang malaking bahay, kina MR & Ms. Olivares dahil may  kailangang kunin ng kanyang ama ang sahod nito.Nagtatrabaho ang kanyang ama sa  taniman ng mga kalamansi ng mga olivares. Limang na taon palang sya pero maagang pinamulat  ng kanyang mga magulang ang salat nilang pamumuhay, nag iisa lamang siyang anak at hindi na sya nasundan pa dahil ayaw na ng kanyang ama. Mahirap daw ang buhay. Mula sa harapan ng bahay pumunta siya sa likurang bahay, dahil ang sabi ng kanyang ama madalas maraming salagubang doon gusto nya makahuli at lagyan ng sinulid ang ulo niyon at paliparin. Naiisip palamang nya ay nangingiti na sya. Dahan dahan syang naglakad papunta sa likuran ng bahay ng mga Olivares, dahil maputik mumuntikan na siyang madulas pero napahawak sya sa malaking bato sa kanyang tagiliran at nagsimula ulit siyang maglakad.

" Hayun ang isa!!! " madali siyang naglakad at sa kasamaang palad natuluyan na ang kanyang pagdulas sa putikan. At napatili siya.

" Hoy sino ka?! Magnanakaw ka ng gamit namin nuh?!" bumukas ang sliding door sa likuran ng bahay at iniluwa ang sa tantiya niya ay kasing edad nya lang ang  batang lalaki. Maputi ito at Nababakas na ang pagiging magandang lalaki nito sa pagdating na panahon. ang katangkaran nito at singkit nitong mga mata ang nakatunghay sa kanya.

" Hindi ako magnanakaw! May kinuha lang ako at kasama ko ang itay ko"!  ganting sigaw niya pero parang halos bulong lang sa kanyang pandinig. Tinago nya mula sa likuran ang kamay nyang may hawak na salagubang.

"  Eh anu yang tinatago mo sa likuran ? Ganyang naman kayong mga mahihirap makakita lang mapapakinabangan kinukuha na umalis kana! baka isumbong pa kita kay mommy!" Sabay talikod nito.

Sa kanyang murang isipan tumatak ang mga sinabi ng batang lalaki, galit ang kanyang naramdaman subalit mas ginagapi ng munting damdamin na hindi niya mapaliwanag ng masilayan nya ang mukha nito. Ang kanyang palad na puru putik ang nagpahid sa mga luha nyang hindi na namalayang tumulo na pala. AT muli siyang naglakad patungo sa kanyang ama pauwi sa kanila.

" Way Back Home "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon