Parang sinadya ng pagkakataon na si Lara ang una niyang nakita sa pagdating nya sa mansyon. Tumaas ang sulok ng labi nya. pinagmasdan ang reaksyon nito Shocked. Hindi ito kumukilos sa kinauupuang duyan.
She look Stupid.
Bagaman taon nyang hindi ito nakita She was still short ang long curly hair. Ang tanging nagbago dito ay ang paraan ng pagdadamit nito hindi baduy katulad ng dati subalit hindi rin naman nakakaakit. Sabi nga nila ang taong nakatikim sa kasaganahan dahil sa " pag-mamagandang loob ay hindi makukuha ang katangian ng mga taong sadyang ipinanganak na mayaman.
" Hindi ko inakalang sa pag-dating ko dito ay ang ampon ni Lolo ang una kung makikita " nangungutyang salita nito.
Hindi pa rin ito nagsalita nakatingin lang sa kanya
" Nasaan ang mga tao dito? wala man lang ba na naghintay sa pagdating ko? "
" Umakyat na sila sa kanya-kanyang kwarto para magpahinga Aris, inaasahan nila ang pagdating mo ng ala-syete o alas-otso ng gabi, kaya akala nila'y bukas pa ang dating mo. " Nagsalita ito ng makabawi sa pagkabigla at ibinaba sa paa ang paningin nito.
Binawi niya ang tingin dito at dumeresto sa loob ng mansyon. Umakyat sya at Dumeresto sa kwarto ng kanyang lolo. Hindi na sya kumatok at derestong binuksan ang pinto at tinungo ang kama nito.
" Hello Granpa, kamusta ka? pasensya na at ginabi ako ng dating dumaan pa kasi ako sa barkada ko sa maynila upang magpaalam, hindi na ko hinatid ni papa dahil malayo raw "Pero alam nyang may ibang dahilan
" I'm good Aris, Malakas pa kesa sa kalabaw " bahagya itong tumawa
Alam nyang naghihinakit padin ito sa kanya dahil tinatangihan nya na sa San Carlos sya mag-aral kahit high-school man lang. Kung hindi pa nagkaroon ng aberya sa pinapasukan nyang eskwelahan sa maynila ay hindi nya gugustuhing dito ipagpatuloy ang huling taon nya sa high school.
" Well as i say ng huli tayong mag-usap lolo eh dito ko lang tatapusin ang huling taon ko sa high school at babalik na ko sa Maynila, kung hindi lang ako na kick-out sa pinapasukan ko doon ay hindi ko nanaising bumalik dito ngayun."
" Alam ko ayaw mo dito, So bueno bukas ay pumunta ka ng ST.CLEMENT at mag enrol ka tatlong araw nalang ay simula na ng klase, magpahinga kana at bukas nalang tayo mag kwetuhan, masakit din ang ulo ko ngayun , nag-aalala ako kanina dahil wala man lang tumawag sakin kung darating ka pa o hindi kahit iyang si Carlito ay hindi man lang ako tinawagan, iyun pala'y magisa kang bumyahe pauwi dito. Ano ang pinagkakaabalahan ng ama mo nyaun?"
" Asual hindi ko alam, business siguro laging wala sila sa bahay ni mama."
Napailing ito at tumalikod na ang matanda. Sa hindi nya maipaliwanag na dahilan malayo ang loob ng kanyang ama kay Don Miguel samantalang anak ito ng matanda tuwing lumuluwas ang kanyang ama dito sa San Carlos at humihingi ng kapital sa Business nila ay lagi daw itong walang napapala at galit na galit na umuuwi sa bahay nila sa maynila. Kaya siguro malayo din ang loob nya sa matandang Don. Dahil hindi nya nakakayanan ang madalas na pag-aaway ng kanyang mga magulang dahil nalulugi nadaw ang negosyo nila . At sya bilang apo ay nararamdaman nyang hindi buo ang loob sa kanya ng Don. At SA totoo lang mas lalong lumayo ang loob nya dito mula ng dumating si Lara sa mansyon mas inaalala ito ng Don kesa sa kanya. Pinupuri at kinagigiliwan, kahit sa telepono nya lang nalaman na inampon na pala nito ang anak ng dating tauhan nila na namatay sa aksidente, Masakit parin iyon sa kanya dahil sya ang tunay na apo at hindi si Lara.