chapter 4

62 6 0
                                    

                      Tumingin sya sa sidemirror ng kotse.... kanina habang kumakain sila ni Aris sa kusina nakikita nya ang panaka-nakang pag-tingin nito sa kanya at hindi nya alam kung bakit..... kaya mas mabuti nalang na hindi sya kumibo at baka may masabi pa syang hindi nito magustohan.

                       Wala silang kibuan sa loob ng sasakyan, sabagay pitong minuto lang ang tinagal ng byahe nila... Tumigil sa harap ng ST.CLEMENT ng kotse at umIbis sila sabay ni Aris gumalang sya at nagpasalamat kay Mang Roger. 

        "Mang Roger maraming salamat sa pag hatid nyo mag ingat kayo.. mamaya'y mag ta-tricycle nalang ako pauwi para hindi ko na kayo maabala..." ngumiti sya at nagpaalam

        " sIge mam Lara " kumaway na pa ito " gudluck!"

        Tumalikod sya lumakad papasok..

  Lara, kaya mo toh kailangang kayanin mo... Bulong nya sa isip, iba ang pakiramdam nya ngayun hindi dahil huling taon na nya sa eskwelahan na ito. Actually mamimis nya ang ST. CLEMENT MONTESSOR HIGHI. Dahil marami rin siyang masasayang alala dito.. Subalit iba padin ang taon na ito dahil makakasama nya sa isang eskwelahan si Aris, Ang akala nya next week pa ito papasok pero napakiusapan ni lolo Miguel ang prinsipal ng eswelahan at pumayag naman ito.                         

        Pumasok sya sa silid na nakalagay ang kanyang pangalan, SECTION RIZAL. Nagsimula na ang pagpapakilala sa isat-isa, pati ang mga teacher at iba pa nakakabagot na araw para sa kanya buti nalang kaklase nya pa rin si Meg. Kaibigan nya itong malapit dahil galing din ito sa mahirap na pamilya, kaya lang ito nakapag aral sa St.CLEMENT dahil nakakuha ito ng full scholarship ng Mayor ng San Carlos. Kasing taas nya lang ito at may maikling buhok, kAlog, mabait at higit sa lahat Good listener sa kanya, Alam nito na ampon lamang sya ng mga Olivares kaya sa maraming bagay nagkakasundo sila...

" Lara balita ko nandito daw ang apo ni Don Miguel? totoo ba?" Umupo si Meg at nangalumbaba.    " Nakakainis ung next teacher natin ang tagal mukang tinatamad pa dahil unang klase pa lamang hay naku, "

" Ha?"

"Nakikinig kaba? sabi ko balita ko nandito na si Aris, Ano nangyari doon at dito pa gragraduate? ang daming eskwelahan sa maynila at take note  may mga sinabi pa ha?"

" Na kick-out daw sabi ni lolo ayaw ko na usisain kung bakit " matamlay nyang sagot sa kaibigan.

" Akalain mo yun?  May pagka maloko din pala ang lalaking un? Ano daw nanyari?

usisa nito.

" Ewan ko ba sa buhay nya ayaw ko naman magtanong ng mag tanong kay  lolo gusto ko si lolo mismo ang mag kwento sakin "

" Sabagay " tatangu tangung sagot nito.

        Maya maya pa ay dumating na ang guro nila sa physic kaya naghiwalay na sila ng kaibigan nya. Natapos ang maghapon na hindi nya nakita sa eskwelahan si Aris. Hanggang sa pag uwian.

        Lumakad sya papalabas ng campus mabuti nalang hindi nya nakita si Aris ng araw na iyun hangat maari ayaw nya makakasalubong o makakaharap si Aris kinakabahan sya.

   >>><<<<

" Lara sabay na tayo!"

        May narinig syang tumawag sa kanya. si Josh, Matangkad ito at kayumangi ang kulay, at Rock Star Minsan kapag may mga mahahalagang kaganapan sa ST.cLEment ay napapakinabangan ito, Well nagpapalipad hangin ito sa kanya pero hindi lang nya pinapansin wala pa sa isip nya, kailangan nya muna makatapos ng pag-aaral at mapatunayang hindi nagkamali si lolo Miguel sa pag-ampon sa kanya.

" Oh ikaw pala Josh bakit parang hindi kita nakita kanina?"

" Ah nagkita kami kanina ng kababata ko ayus!!! dito nya tatapusin ang huling taon nya sa high school! huli ko sya nakita elementary pa kami kaya iyon walang humpay ang kwetuhan namin kanina! hindi matapos tapos! actually kilala mo sya!" galak na galak na salita nito

        Isa lang ang taong naiisip nya tumutugma sa mga kwentot nito si Aris.......

" Si Aris............" mahinang salita nya. kaya pala hindi nya nakita si aris kanina, Si jOsh ang kasama.

" Teka dba sa mga Olivares ka nakatira? so ibig sabihin iisa ang bahay na tinutuluyan nyo ni Aris?"

" ganun na nga "  kiming salita nya.

" Ah......... " natahimik ito at tipong nag isip " so close ba kayo ni aris?"

" Hindi pakiramdam ko may galit syang tinatago sakin "

Bakit naman dahil sa pagkupkup sayo ni Don Miguel? naku dapat maintindihan nya ang sitwasyon wala ka ng magulang at wala ng ibang tutuluyan pa tsk tsk pero sa tingin ko wala naman kasi kanina habang kausap ko sya masaya naman sya eh." 

Tumingin sya dito at ngumiti " Sana nga,  so paano hangang dito mo nalang ako makakasabay, sasakay na ko ng tricycle, bye!" sabay kaway nya.... Tumango lang ito at ngumiti saka tumalikod.

Lumakad na sya sa pila ng tricycle...

   >>>>>><<<<<

        Nakatingin  sa hindi kalayuang si Lara... Nakita nya kung paano tumingin dito ang kababatang si Josh alam nya. Alam nya may pagtingin dito ang kababata.. Well sa nakikita nya ay mukang hindi interesado dito si Lara, Dahil siguro may nobyo na ito sa eskwelahan at hindi na sya magtataka kung maraming ginagamit na tao si Lara para ,mas lalong maging angat ito sa paaralan .

Nakapamulsang Lumakad nadin sya pauwi...

                                                                

>>>>>>><<<<<<

        Buwan na din ang lumipas, At ang lubhang mga buwan na iyon ay nagpapahirap sa kalooban.ni Lara..Hindi sya madalas na kinakausap sa bahay o sa eskwelahan ni Aris, maliban nalang kapag kaharap si Lolo Miguel, Madalas kapag tinatangkang kausapin nya ito papalapit palang tinitingnan na siya nito mula ulo hangang paa. Hindi nya alam ang saloobin nito dahil malamig pa sa yelo ang trato nito sa kanya.

        Subalit sa hindi nya maipaliwanag na dahilan parang mas lalong sumisidhi ang dadamdamin nya sa binata.... kahit hindi sya kinakausap nito, kahit laging nanunuya ang mga tingin nito, inamin na nya sa kanyang sarili na minamahal na nya ang binatilyo... Mula sa malayo nya lang ito tinatanaw at kapag nakita sya nito ay sadya syang umaalis... nasasaktan sya sa mga babaeng kasama nito araw-araw kahit pa alam niyang kahit isa sa mga iyun ay hindi naging kasintahan nito.. Naging kilala kasi ito sa pagiging magaling sa basketball sa eskwelahan at sa pag-gamit ng gitara. pero ni minsan hindi nya narining na kumanta ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

&quot; Way Back Home &quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon