Panimula

150 16 0
                                    

Una sa lahat, ako’y naguguluhan.
Bakit ko nga ba isinusulat sa papel na ‘to ang mga letrang bumubuo ng mga hindi ko mawaring salita?
Ni hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako nagsusulat.
At hindi ko rin malaman kung para saan ba ‘tong mga isinisulat ko.

Pangalawa, sino nga ba akong nagsusulat ng mga bagay na ‘to?
Sino ba ako para ilathala ang mga salitang nakapaloob sa sulatin na ito?
Kung sinuman ako, hindi ko alam.
Tama! Sa lathalaing ito, ako si Hindi Ko Alam.
At ang huli sa lahat, nasaang panahon ba ako?
Anong araw na ba?
Anong petsa na ba?
Ni hindi ko man lang nailagay sa umpisa ng lathalaing ito kung anong panahon na ba?

Habang patuloy na nagsusulat, dala-dala itong pluma at kwaderno, tumayo ako.
Naglakad patungo sa isang pinto palabas ng kwartong kinalulugaran ko.
Hindi ko ititigil ang pagsusulat sa lathalaing ‘to hangga’t hindi ko nalalaman ang mga sagot sa aking mga nabuong katanungan.

Dahan-dahan kong tinatahak ang daan patungo sa pinto.
Kung aking pagmamasdan, parang kay lapit lang.
Pero habang aking tinatahak, napaisip ako na malayo pala.
Hindi ko alintana ang layo ng pinto, hindi ko alintana kung mapagod ako.
Alam ko, alam kong pagpasok ko ng pintong iyon masasagot na sa wakas ang palaisipan sa utak ko!

Palapit na ako.
Ay hindi! Pinto ang lumalapit sa ‘kin.
Heto na! Harap-harapan ko na ang pinto, bubuksan ko na.
Ha?
Sandali lang muna, hindi ko mabuksan!
"Ano to? Buksan nyo ang pinto!” sigaw ko.
"Ako to! Ako si Hindi Ko Alam!”
“Kailangan kong makapasok sa pintong ‘to!
Pagbuksan ‘nyo ako!”

Pero wala, walang tumutugon.
Walang may nais na pagbuksan ako ng pinto.
Siguro, hindi ako nararapat sa kung anuman ang nasa kabila ng pinto.
Nawalan ako ng pag-asa.
Ibababa ko na ang aking pluma at hindi na magpapatuloy sa pagsusulat.
Walang may nais, walang nagmamahal.

Ito na ang huli, paalam.




Ay teka! Biglang nagliwanag sa pintuan at bumukas ito.
Sobrang maliwanag! Wala akong makita.
Harang ng aking mga palad ang asiwang ng liwanag para kahit papaano makaaninag ako sa gitna ng liwanag na ‘to.
At unti-unti akong humakbang papasok sa pinto.
Heto na, heto na!

Ako, si Hindi Ko Alam.
Ikaw, si Mambabasa.
Bago tayo makapagpatuloy, may isa lamang akong katanungan.

Sasama ka ba?

Hindi ko Alam kung Bakit ko 'to IsinulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon