Heto na naman ako, si Hindi Ko Alam.
Natulog, bumangon at gumising sa lugar na halos ayaw ko nang balikan.
Hindi nga 'ata ito isang panaginip.
Sinimulan ko ang araw ng normal,
Ay hindi, sinimulan ko ang araw ng hindi normal sa nakagisnan ko.
Nakisabay na ako sa agos ng lugar na 'to.
Inisip ko na lang na wala lang lahat ng 'to.
Nagsimula na naman ako sa paglalakbay at may nadaanan akong isang establisyimento,
Tulad ng napuntahan ko n'ung nakaraan, salamin ang pader.
At tanaw ko ang loob na may mga nakahapag na flat screen tv.
Napukaw ang aking atensyon sa palabas mula dito kaya ako'y saglit na tumigil.
"Naitala ang 6.4 porsiyento ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo para sa buwan ng Agosto."
"Lumobo sa panibagong record-high na P7.160 trilyon ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas sa pagtatapos ng Setyembre."
"Antas ng korapsyon sa Pilipinas, tumaas batay sa pinakahuling ulat ng Transparency International."
Iilan lamang yan sa mga balitang natunghayan ko rito sa harap ng telebisyon.
Pero ang mas pumukaw ng atensyon ko ay ang, "Pagtanggal sa Filipino, panitikan sa kolehiyo."
Parang may mali.
Bakit ganito ang sistema ng batas at pamahalaan dito?
Sa aking dimensyon, normal naman ang mga isyung pamahalaan at pamamahala.
Pero bakit parang ang isang 'to ay mas malala?
Pagtaas ng bilihin.
Sanhi ng mga sakim na negosyante at palpak na kalakaran ng pamahalaan.
Wala bang matalinong lider ang kayang panghawakan ang sistemang 'yan?
Bakit kailangang itaas ang mga bilihin?
Dahilan ba ay ang pagtaas ng krudo sa sinasabi n'yong World Market?
Dahil ba krudo ang numero unong pangangailangan para sa mga makabago ninyong makinarya at sasakyan para mapabilis ang antas ng produksyon ng inyong mga pangangailangan?
Malamang, wala akong masyadong alam sa kalakarang pamahalaan dahil hindi ko pa naman lubos na naiintindihan ang bagay-bagay sa lugar n'yong to.
Wala naman akong balak kwestyunin ang pamamahala nyo sa paraang makakatapak ako ng ibang tao.
Ang akin lang, wala akong lubos na kaalaman at maintindihan.
Nais ko lamang makahagilap ng mga kasagutan.
Paano kung tuluyan nang mabaon sa pagtaas ng bilihin ang kapwa mo mamamayan,
Pwede mo ba idahilan sa kanila na "Sa umpisa lang 'yan"
Dahil pag nagtagal-tagal makakasanayan din nila?
Mali, maling kaisipan.
Kayong mga nasa posisyon sa pamahalaan, nararapat lamang na umaksyon kayo sa tama at hindi sa akala n'yo lang.
Hindi dapat ganito, hindi dapat gan'yan, hindi dapat gan'on!
H'wag ninyo pairalin ang pagiging mapagmataas ninyo.
BINABASA MO ANG
Hindi ko Alam kung Bakit ko 'to Isinulat
Ficción General"Ang 'di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa masahol at malansang isda" - Gat. Jose P. Rizal Pero itong kasalukuyang pamahalaan 2018, ay nagsagawa ng panukalang Pagtanggal ng Filipino Panitikan sa Kolehiyo. Samantalang ang Nihonggo ay isa nang...